o n e

4.8K 109 39
                                        


O n e

Nabangga

20 minutes.

20 minutes na akong nag hihintay sa labas ng dorm ng EXO kasama ang bestfriend ko na si Bani.

Nakaupo kami sa may hagdanan sa may gilid at nilalamig na. Anong oras na ba kasi? It's already 10:30 pm at halos maging yelo na kami sa kinatatayuan namin.

"Putcha naman, Bani! Sigurado ka bang ito ang lugar na sinasabi mo? Kanina pa tayo dito pero bakit wala pa sila?" Nagtataka tanong ko kay Bani. Bumuntog hiniga na lang ako at hinipan ang dalawa kong kamay at kiniskis sa isa't isa.

"Oo nga! Mag tiwala ka lang sa'kin, Nadia!" Sigaw ni Bani. Tuwang-tuwa siya at ngumiti. Vanessa talaga ang tunay na pangalan niya pero mas trip mo siyang tawaging Bani.

Medyo madami na din ang tao dito. May ibang pagala-gala at may iba namang nakaupo lang sa gilid.

Bakit nga ba kami nandito sa labas?

Nandito lang naman kami para hintayin at makita ang pinakamamahal kong si Chanyeol at kasama ang kaibigan kong, tulad ko rin na gustong makita si Xiumin, ang pinakamamahal niya.

Saksi ako sa mga kabaliwan ni Bani kay Xiumin dahil pati ata panty niya ay may mukha na ni Xiumin at halos mabalot na ang buong kwarto niya ng mukha ni Umin.

Parehas lang kami, nagmamahal sa mga taong sikat. Nagmamahal sa taong malayong maging sa amin pero sinusubukan ang buong makakaya, maiparamdam lang ito sa kanila.

15 minutes na ang nakalipas pero wala pa din sila

"Bani! Sigurado ka ba talagang dadating sila dito?" I'm so frustrated kaya naman ay nasigawan ko ang kaibigan kong mukhang nilalamig na talaga.

"Oo nga. Bakit ang tagal nila? Sabi dito 10:00 ay nandito na sila. Bakit wala pa?!" Nagtataka din niyang tanong.

"Maghihintay pa ba tayo?" Tanong niya. Napa hugot ako ng malalim na hininga habang nakatulala sa isang puno, hindi malaman kong anong gagawin.

"Oo. Kahit konti pa" sabi ko. Kinuha ko ang hot pack sa bulsa ko. Binigyan mo din si Bani. Nanatili kayong nakaupo doon.

Tumingala ka sa langit, kita mong maraming bitwin.

"Sana dumating na siya!" sabi ko saka napayuko dahil sa nakaramdam ako ng matinding pagod at pagka inip.

Nilibang ko ang sarili ko sa pag tingin ng iba't ibang pictures nila sa camera ko. Well, puro Chanyeol lang naman ang halos laman nito. Napapangiti na lang ako sa cuteness niya.

"Kyaaaaaaaah!"

"OMO! Nandyan na sila!"

Ang kaninang tahimik na lugar na kinalalagyan namin ay biglang napuno ng tilian at nag unahan papuntang sidewalk. Bigla akong napatayo at tumakbo papunta sa taong nag kukompolan sa harap.

Pinagtutulak ko lahat ng taong nakaharang sa daanan ko. Pilit kong isiniksik ang sarili ko sa loob ng madaming nagkakagulong tao.

"Syeet! Si Baek ko! Waaaaah!"

"Emerged! Kyungsoo babe!"

Nilabas ko agad ang camera ko habang nakikipag siksikan sa nag kakagulong tao.

Hindi ko inakalang makakarating ako sa pinaka harap nang buo ang katawan at damit na suot ko. Halos makalmot na braso ko ng mga fans na naging hysterical na sa nangyayari. Nang nakapuwesto na ako ng maayos ay agad kong nilabas ang camera ko para makunan sila ng litrato

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon