T E N
Friends?
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Dinala na lang ako ng mga paa ko papuntang bahay at sa awa ng Diyos ay nakauwi ako ng ligtas.
Hindi ako nakatulog buong gabi, hindi ko kasi maalis sa isip ko yung mga pangyayaring iyon. Tumatak sa utak ko yung mukha ni Chanyeol habang nagmamakaawa sa babaeng iyon.
Maraming tanong ang nanahan sa aking isipan buong gabi.
SINO BA ANG BABAENG IYON?
'Yan ang isang tanong na gusto kong masagot. Sino ang babaeng iyon?
"Nads! Anyare sa'yo? Jusko! Mukhang napunta ata sa'yo ang eyebags ni Tao! Anyare? Bakit mukha kang puyat?" Bulong ni Bani mula sa likuran ko. Nasa loob kasi kami ng klase at ang worst part pa, masungit ang prof namin sa subject na ito at madalas, AKO ang laging pinag iinitan.
"Shh. Mamaya ko na sa iyo sasabihin kung bakit ako nagkakaganito" bulong ko habang nakatingin sa harap. Mahirap na pag nahuli, baka masermonan ako. Hindi din kasi ako magaling mag ninja moves sa klase. Kung ihahalintulad mo ako kay Bani, di hamak na mas magaling siya mag ninha moves sa klase kumpara sa akin.
"Nga pala. May nakita akong picture kagabi, picture ni Chanyeol na may kasamang babae" bulong sa akin ni Bani. Agad akong kinabahan sa sinabi niya. Gusto kong makita yung litrato na sinasabi niya. Baka kasi, yun yung babaeng kasama niya nung isang gabi.
"Talaga? Paano? Saan? Tek--"
"MS. KIM, WHY ARE YOU TALKING THERE WHILE I'M EXPLAINING IN FRONT?!" Automatiko akong napatayo dahil sa gulat sa sigaw ng prof namin. Ramdam ko ang pag titig ng lahat sa akin. Nag bulong ang mga kaklase ko. Great, I'm the star of the show!
"Ayan kasi, ang daldal"
"Lagi na lang siya nahuhuli sa klase na nag iingay"
"Psh. Sa pag f'fangirl lang magaling yan"
Rinig ko ang 'bulungan' nila. Bulungan pa ba ang matatawag ko doon? I really don't get people, bakit ba ang hilig nila magsabi ng masasamang salita sa tuwing may napapahamak?
"ILANG BESES NA KITANG NAHUHULI! HINAHAYAAN LANG KITA!"
And there, nagsimula na ang sermon ni sir. Nakatulala lang ako doon, not really minding sa mga pinagsasabi niya. Bahala na siya. If he hate me that much, I hate him that much too.
"Okay, dahil dyan! Get a one sheet of paper. Mag quiz tayo!"
~*~*~
"For real Bani?" I shouted on top of my lungs. Ipinakita sa akin ni Bani ang picture ni Chanyeol na may kasamang babae. Nakahinga ako ng malalim dahil hindi iyon ang babaeng kausap ni Chanyeol kahapon.
I felt relief. Kapag kasi kasama niya yung babaeng yun, baka ikasira pa yun ng lumalagong career ni Chanyeol, ayokong ikasira niya yun dahil lang sa stupid girl na yun!
Heck no!
"Wait! Wait wait! Bakit ka nga pala bangag buong araw? Don't tell me it is because of that girl in the picture?" Umiling ako sa tanong ni Bani.
"Hindi. Hindi yun about sa babaeng nasa picture yan. May isa pang babae" sagot ko sa kanya. Pauwi na kami ngayon at sabay kaming nag lalakad ni Bani pauwi.
"Wait! What?" Gulat na tinanong no Bani. Ngumiti ako ng mapait.
"Kahapon, sinundan ko si Chanyeol at nakita ko siyang may kausap na ibang babae. Hindi lang ordinaryong paguusap yun dahil nakita ko siya. He was begging for love from that stupid girl!"
BINABASA MO ANG
Loving Park Chanyeol
FanfictionLoving him is like a roller coaster ride of emotion. Full of adventure, heartbreak, happiness and sacrifices. (Taglish) Written by: Shannie Unnie - 2014 This story is a work of FICTION. Names, some places and incidents are product of author's imagi...
