37
Hate me!
Idinilat ko ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag ng araw. Iginala ko ang paningin ko, ASAAN AKO?!!
Agad akong napatayo sa kinahihigaan ko.
"SYET ARAY!" sigaw ko at agad na napahawak sa ulo ko "Mabibiyak na ata ulo ko sa sakit. Bwisit!"
Hindi lang pala ulo ang masakit sa akin, pati pala BUONG KATAWAN KO! Para akong nakipag sapakan sa mga adik sa kanto.
"Ano bang ngyari?" Tanong ko sa sarili ko. Wait.
"WTF!?" sigaw ko. Napangiti na lang ako dahil sa naalala ko ang mga ngyari kagabi. Ako at si Jongin?
Agad na bumukas ang pintuan at napatakip ako ng katawan. Iniluwa nito ang isang nakaka gwapo, sobrang hot na nilalang na may dalang tray ng pagkain.
"Good morning! I brought breakfast." Masaya nyang sinabi. Natameme naman ako sa kinauupuan ko. Tumabi sya sa akin saka hinalikan sa noo. Wait. Wait! Bakit ba parang mali tong pinag gagawa namin?! MALI TO!
Tumayo ako sa kama at pinantakip sa katawan ko ang kumot at agad na tumakbo ngunit pinigilan ako ni Jongin.
"Saan ka pupunta?" Nag tataka nyang tanong. Humugot ako ng malalim na hininga at binawi ang kamay ko mula sa kanyang pagkakahawak. Ikinagulat nya ito.
"Mali to, Jongin! Street." sigaw ko. "Yung ngyari sa ata kagabi. Mali iyon. Omygosh. It must have been the alcohol!" Dugtong ko.
"What?" Tanong nya habang nakatitig sa akin na para bang isa akong alien.
"Yung ngyari sa atin. Kalimutan mo yun!" Sabi ko saka naglakad para hanapin ang mga damit ko. Pano ako uuwi nito?
"How can I, Nadia? Tell me" mahinahon nyang sinabi, pero kung kilala mo talaga sya, alam mong may halong pait ang mga sinabi nya.
"You can do that, Jongin" sabi ko saka pinulot ang mga damit ko na nasa ilalim ng kama at agad na pumasok sa cr para mag palit.
Matapos ko mag palit, nakita ko si Jongin sa na nakaupo sa kama at nakatulala. Napabuntog hininga ako at nilagpasan sya.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Kailangan ko na sigurong lumayo sa kanya ngayon. Ayokong madamay pa sya sa mga kaguluhan ko.
Sumakay ako sa elevator. Nalulungkot na naman ako. Lahat ng mga bahay na gusto kong kalimutan, bumalik na naman. Napayoko ako.
Lumabas ako ng elevator at tinulak ang pintuan. Good bye Jongin.
Nasilaw ako sa liwanag. Napatakip ako ng mata ko. Ano na naman ba to?
"Miss! Ano pong pangalan niyo?"
"Bakit magkasama po kayo ni Mister Kim Jongin sa iisang condo unit?"
BINABASA MO ANG
Loving Park Chanyeol
FanfictionLoving him is like a roller coaster ride of emotion. Full of adventure, heartbreak, happiness and sacrifices. (Taglish) Written by: Shannie Unnie - 2014 This story is a work of FICTION. Names, some places and incidents are product of author's imagi...
