22
KILALA NIYA AKO?!
Hindi ko alam kong bakit ang cold lagi ni Yeol sa akin. Hindi pa nga kami nagkakausap ng matino, ganon na agad siya. Para bang kapag nakikita niya ako, badtrip na agad siya. Hindi naman ako panget ah? Hindi naman ako mabaho?
Siguro kaya siya ganon dahil sa naalala niya yung nagawa ko dati. Haay. Bakit ba ang labo niyang tao? Bakit ba ayaw niya ayaw niya sa akin? Dahil ba na isa ako sa mga sasaengs niya? Faaak. Kahit anong piga ang gawin ko sa utak ko, wala akong maisip na rason kung bakit kinamumuhian niya ako.
Masasabi kong hindi kami masyadong nagkikita ni Jongin dahil busy sila sa paghahanda sa comeback nila. Wala sila masyadong activities dahil nga sa busy sila sa comeback nila, ayoko naman siyang yayain lumabas dahil alam kung pagod siya sa practice nila. Sa buong araw, puro lang kami spazz ni Bani.
~*~*~
The following day, sumama ako kay Jongin sa kanilang practice. Nangako akong mananahimik lang ako sa isang tabi doon kaya naman pumayag siya.
"Alam mo namang hindi kita matitiis eh" sabi ni Jongin saka pinagbuksan ako ng pintuan papasok sa kanyang sasakyan. Masasabi kong sa isang buwan na lumipas matapos mapagusapan namin na mag d'date kami basta tulungan niya ako kay Chanyeol, hindi ko maipagkakaila na mas naging malapit ako sa kanya at naging kumportable.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating na din kami sa kanilang studio. Hindi na ito bago sa akin dahil minsan ay napasok ko na ito, kasama si Bani. Syempre nag ninja moves kami bago makapasok dito, pero hanggang first room lang ang napasok namin dahil sa nahuli kami.
Nang makapasok ako sa loob, sinalubong ako nina Tao, Baekhyun, Suho.
"Whoa. Good to see you again miss" pabirong sinabi ni Tao saka ngumisi. Alam niyo ba na medyo may pagka malandi itong si Tao? Nakakatuwa nga siya eh.
The nagkaroon kami ng kaunting paguusap kasama ang ibang memebers ng exo. Wala pa sina Chanyeol at Suho dito kaya hindi pa sila nagsisimula.
"Bakit ba ang tagal ng dalawang iyon? Lagot yun kina maneger!" natatawang sinabi ni Kyungsoo. Tumawa naman si Baekhyun.
"Lagi namang late si Chanyeol ah? Hindi pa kayo nasanay!" sabi ni Baekhyun. Inayos niya yung sumbrero niya bago tumigin ulit sa akin saka ngumiti. Ngayon ko lang nalaman na lagi palang late si Chanyeol?
~*~*~
Magsisimula na sana silang mag practice ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang taong kanina pa namin hinihintay.
"Dumating ka din!"
"Bakit late ka na naman? We need an explanation, and please pwede yung i-rason mo yung hindi na gasgas?" masungit na sinabi ni Baekhyun kay Chanyeol.
"Traffic" tipid na sinabi ni Chanyeol. Napa facepalm si Baehyun at nag reklamo ang ibang members.
"Liar" sabi ni Baekhyun, napatawa si Chanyeol. Nagsimula sila sa rehersal nila. Oo nga pala, malapit na ang comeback nila. Sigurado akong ka-abang abang ang gagawin nila. I mean, they never fail us, right? Sa lahat ng mga ginagawa nila, they never fail to surprise their fans. Kaya excited na ako sa comeback nila.
BINABASA MO ANG
Loving Park Chanyeol
FanficLoving him is like a roller coaster ride of emotion. Full of adventure, heartbreak, happiness and sacrifices. (Taglish) Written by: Shannie Unnie - 2014 This story is a work of FICTION. Names, some places and incidents are product of author's imagi...