t h r e e

1.9K 54 24
                                        


T h r e e

'So close..Yet..'

Gabi-gabi, hindi ako makatulog ng maayos. Palagi ko kasing naiisip yung ngyari sa fansigning eh. Hindi talaga maalis sa isipan o yung tingin niya sa akin. There's something in the way he looks at me.

Kulang na lang talaga himatayin ako sa kilig sa tuwing naalala ko yun.

"Nads!"

Bumalik ako sa sarili kong katawan nang marinig ko ang sigaw ng baliw kong kaibigan.

"Kanina ka pa ngumiti dyan. Hindi ngiting nakakatuwa hah? Nakakakilabot na ngiti" sabi niya at napailing na lang ako. Napalingon ako sa paligid. Halos lahat ng mga kaklase ko ay nag aayos na ng gamit, hudyat na tapos na ang klase.

"Sorry naman, Bani. I'm just so happy!" Masaya kong sinabi at tumayo na para ayusin ang mga gamit ko.

"Hindi ka pa din move on doon? Nung monday pa yung insedenteng yun ah? Hoy 'te! Friday na ngayon at.." napatigil siya at nagtinginan kami sa isa't isa. Nakuha ko agad ang iniisip nito.

"CONCERT NILA! FAK" sabay naming sinigaw at nagtitili kami doon sa loob ng room namin.

Nung nabasa namin agad ang article tungkol dito ay agad-agad kaming bumili ng ticket. Hindi man ito S.V.I.P sit, V.I.P sit lang ang nakayanan namin dahil nagka ubusan na ng S.VIP tickets.

Mamayang gabi ito gaganapin at syempre, andoon kaming dalawa. Hindi pwedeng hindi kami nandoon sa concert nila.

"Emerged Bani! Hindi ko kaya! Shet makikita ulit natin sila mag perform" tuwang tuwa kong sinabi at pinaghahampas ang iyong kaibigan sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

Nagsitinginan ang mga natitirang tao sa room namin.

"Mga baliw talaga"

"Tsss. Mga fangirls na papansin. Feeling nila mapapansin sila ng mga iniidolo nila?"

Rinig kong bulungan ng tao sa paligid pero hindi ko na lang ito pinansin. Minura ko sila sa isipan ko. Mga peste!

Matapos naming maghampasan ni Bani sa sobrang kilig at kumalma na kami. Umalis na kami at sinabing magkita na lang kami sa may venue ng concert which is sa Arena

Nang makauwi na sa bahay naming walang katao-tao, day off kasi ng mga maids namin ay dali dali akong pumanik paakyat sa aking kuwarto para ayusin ang mga gamit na kailangan ko.

Syempre kasama na doon ang light sticks, banner na ako pa mismo ang gumawa at kung ano-ano pa.

Hindi ko mapigilang kiligin, matuwa at ngumiti na parang baliw sa tuwing maiisip ko na magsasama kami ni Chanyeol sa isang lugar. Kahit na alam kong sobrang daming tao doon ay pakiramdam ko pa din na malapit ako sa kanya.

Matapos kong masiguradong nakaayos na ang lahat ay dumirtso ako sa banyo para maligo. 5:30 pa lang at ang usapan namin ni Bani ay 6:30 kami magkikita sa venue para sabay kamig pumasok.

By 6 pm ay nakaayos na ako. Simple lang ang suot ko. Jeans at simplent t-shirt lang ang suot ko. Naka sneakers lang ako. Tinawagan ko na si Bani at sinabi kong on the way na ako.

~~~

Agad kong nilapitan si Bani na nakatayo sa may entrance. Mukhang kanina nya pa ako hinihintay.

"Bakit ang tagal mo?" tanong niya sa akin . Napakamot ako na lang ng batok ko at napa ngisi.

"Natraffic kasi eh" sabi ko. Magsasalita pa sana siya kaya hinila ko na siya para pumili na dahil papasok na kami. The usual, madaming tao ulit sa venue. Mainggay ang paligid.

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon