S E V E N T E E N
Phone Call
~*~*~
"You are, you silly!"
Napalunok ako ng laway. Mas lalo tuloy naging awkward! Waaah! Eotteokhe?!
"Uhhmmm.." waaah! Ano bang sasabihin ko? Grr "Di ba katatapos niyo lang mag p'perform? Dapat nagpapahinga ka na ngayon ah"
"May sasabihin ako sa'yo" sabi niya habang nakatingin sa daanan.
"Ano nga pala ngyari kay Chanyeol? Bakit siya sumuka?" Tanong ko. Omo! Baka nabuntis ko siya?!
"Pagod lang yun. He'll be okay" hindi na ako nag salita matapos niyang sabihin iyon. Wala naman na akong masabi.
~*~*~
We stopped infront of a big christmas tree. Malaki siya at ang ganda ng mga ilaw nito. Madaming taong nakapakigid doon. May mga couples din, mga bata, mga matatanda.
Mag papasko na pala. Maybe I should call my parents later. Miss na miss ko na sila.
"I'm setting you a date with Chanyeol" sabi niya out of the blue. Napatingin ako sa kanya.
OMYGAWD?! DATE?!
Matagal ko ng pangarap na makadate si Chanyeol! Jusko! Bakit ba ganon?! Syempre papayag ako pero di ba masama pakiramdam niya?
"Wag na. I mean, saka na lang, di ba may sakit siya ngayon?" Saka ko na lang siya lalapitan kapag okay na siya. Besides, hndi niya pa ako kilala!
"Dapat siguro hindi muna date, uhmm. Dapat ipakilala mo muna ako sa kanya" sabi ko habang nakatingin sa giant christmas tree.
"Okay, if that's what you want" sabi niya. Napabuntog hininga ako. Ayan na naman ang guilt na nararamdaman ko.
"Let's have dinner" sabi niya tapos hinila ako sa pinaka malapit na resturant.
"Vegetable salad lang" sabi ko sa waiter na lumapit sa amim para hingiin ang order namin.
"Yun lang?" Tanong niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman siya.
~*~*~
"Mahilig ka ba talaga sa damo?" Sabi niya habang kumakain ng pag kain niya habang ako abala sa salad ko. Ang sarap kaya.
"Para kang kabayo" sabi niya saka tumawa. Inapakan ko paa niya sa ilalim ng lamesa saka sinamaan siya ng tingin.
"Kabayo ka dyan? Anong tawag sa'yo? Taong-uling!" kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay pero deep inside gusto ko nang tumawa ng malakas sa harapan niya.
"Naah. Is that your best joke?" Sabi niya habang nakangisi. Ngumisi din ako sa kanya.
"That's not a joke. It's a fact" sabi ko saka ngumisi pa lalo sa naging reaction niya.
"Fine. Talo na ako. You win" sabi niya saka kumain.
"I always win" sabi ko saka tumingin sa labas. Madami pa ring tao kahit na 10 pm na. Well, sabagay, It's christmas.
"Yeah yeah" sarcastic niyang sinabi na para bang napilitan lang siyang sumangayon. OKAY.
~*~*~
Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos ng dinner. Humiga agad ako sa kama ko saka tumitig sa kisame kong puno ng picture ni Chanyeol.
Agad kong kinuha ang cellphone ko saka tinitigan ang number niya.
OMO! ANO SASABIHIN KO?!
Sa sobrang daming salitang gusto kung sabihin sa kanya, hindi ko alam kong ano ang uunahin ko.
'Hi Chanyeol, si Nadia 'to' ayan agad ang pumasok sa utak ko pero binura ko ito. Asa namang kilala niya ako.
'I love you' I typed. Pero binura ko din.
Aigoooo. Napasapo ako ng ulo.
It's 11: 55 pm. Waah 5 minutes na lang pasko na.
To: Chanyeol My Labs so Sweet,
Merry Chirstmas! :)
~Sent: 12:00 am
~*~*~
Buong gabi kong hinintay ang reply niya. Kahit tuldok lang i-send niya. Jusko. Matutuwa na ako.
But then, walang reply na dumating.30 minutes na akong nag hihintay pero wala pa din. Haay. Nakakapanghina naman. Baka busy siya? Baka tulog siya? Baka may ginagawa? Uhhmm. Baka nasa christmas party siya kasama ang buong exo?
*Bling*Bling*
I answered the call without even looking kung sino iyon. Tinapat ko ito sa tenga ko.
[Hello?] Napatakip ako ng bibig ng mukhaan ko ang boses ng lalaking iyon. Tinignan ko sa screen kung sino iyon. Hindi ko inaasahang tatawag siya.
[Hello?..Sino ba yan Chanyeol?..OMO! Ang galing sumayaw nun oh!..Wait, hindi ko nga rin kilala eh] rinig ko ang boses nina Baekhyun at Xiumin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Waaah! Imma going to have a heartattack!
Hindi ako nagsalita. Wala akong masabi gusto ko lang pakinggan ang boses niya kahit na maingay ang paligid niya. Naluluha na lang ako sa tuwa.
[Hello! Sino ba 'to?..Ay teka, wrong number pala...Chanyeol-aah! Ito oh! Masarap 'to!] Naginit ang dugo ko ng may babaeng nagsalita. At kilala ko na kung sino iyon. Ang babaeng gustong-gusto kong sabunutan!
Mas lalo akong naluha.
[Wait.. Uy! Tara na! Ito ohh.. Yung regalo ko!--toot*toot*]
Binaba niya na ang tawag. Binato ko na ang cellphone ko at umiyak hanggang sa maubos ang luha sa mata ko.
Minsan gusto ko ng gumising sa kahibangan ko kay Chanyeol pero kahit anong sabihin ng utak ko, laging ang puso ko ang nasusunod. Gusto ng puso ko si Chanyeol.
~*~*~
[Hello baby! Sorry kung wala kami dyan ng papa mo sa pasko. May urgeny meeting kasi. I hope you understand. I love you so much] Naluluha ako habang kinakausap ang mama ko sa kabilang linya ng telepono. Sa totoo lang, miss na miss na miss ko na sila. Ayokong mag isa ulit dito sa bahay. Wala si Bani dahil may family gathering sila.
[Okay lang Mama] sabi ko saka tinakpan ang bibig ko para hindi nila marinig ang pag hikbi ko. Buti na lang at hindi ako pumiyok.
[Babawi kami ng papa mo, next time! Promise. Enjoy your day baby, I love you so much]
[I love you too, very much] sabi ko saka niya binaba ang tawag. Humilata ulit ako sa kama ko. Haay. I'm all alone again. And again and again!
Binato ko ang cellphone ko sa tabi ko saka tinakpan ang mukha ko gamit ang unan na may mukha ni Chanyeol na nakapinta.
Iniisip ko na lang naka-face to face ko siya.
*Bling*Bling*
Walang ganang inabot ang cellphone ko saka tinignan kung sino ang nag text.
'Merry christmas! Enjoy your day. Always smile'
Yan ang text at galing iyon kay Jongin.
~~
Msg: YAAAH! SORRY FOR THE LATE UPDATE. HUHU. DAPAT NUNG 25 KO TO IPOPOST PERO NALATE! JUSKO! SORRY. T^T
But still, merry christmas guys! I lab u all! :*
~~
BINABASA MO ANG
Loving Park Chanyeol
FanfictionLoving him is like a roller coaster ride of emotion. Full of adventure, heartbreak, happiness and sacrifices. (Taglish) Written by: Shannie Unnie - 2014 This story is a work of FICTION. Names, some places and incidents are product of author's imagi...
