t w e n t y - s e v e n

952 31 12
                                        

27

The Chase

"I can do anything, sacrifice everything just for you, Nadia. Tandaan mo yan" sabi niya saka lalong ngumisi. Gadd. This guy is so complicated!

Siguro kung andito si Bani ngayon malamang eh tumalon na yun sa dagat dahil sa sobrang kilig. Pero ako? Naaah. I just have this weird feeling na nahihirapan akong huminga sa sinabi niya? Uggh. Like I said, it's totally weird. 

Nanatili kaming nakaupo sa may tabing dagat. Binalot kami ng katahimikan pero ako ay hindi mapakali. Gadd. Bakit ang weird? Napasulyap ako kay Jongin na saktong nakatingin din sa akin. Napayuko ako. Gadd. Ano na bang ngyayari? 

Okay Nadia, I think this is the perfect timing para sabihin sa kanya ang tunay mong balak. Hingang malalim! Inahale~ Exhale~ Inhale~ Exhale. 

Lumingon ako sa kanya "J-jongin" gad nautal pa ako! Napatingin siya sa mata ko. Parang lahat ng nireherse ko na sasabihin sa kanya bigla kong nakalimutan! Jusko. Ano bang meron sa mata niya? May power ba yun na kapag tumingin ka sa mata niya, makakalimutan mo ang sasabihin mo o makakalimutan mo ang gagawin mo. Napaiwas ako ng tingin. 

"Hmm?" sabi niya saka nilagay ang buhok na humaharang sa mukha ko. Whooo. Kaya ko ito. 

"Uhhmm. Kasi, gusto ko sana sabihin sa iyo na ano. Pwede itigil na natin 'to?" sabi ko habang hindi nakatingin sa mata niya. Oh god! Alam ko sinasaktan ko na naman siya pero hindi ba kapag mas lalo pa siyang mapalapit sa akin eh baka mas lalo pa siyang masaktan. 

"Itigil ang alin?" nagtataka niyang tanong! Tingini naman oh! Bakit ba ang hirap sabihin sa kanya iyon? Huminga ulit ako ng malalim. 

"Alam ko, nahihirapan ka na dahil alam ko na naiipit ka na sa ginagawa kong paghahabol kay Chanyeol kaya sana, umiwas ka na sa akin. Ayoko ng mahirapan ka eh. Hindi kaya ng konsensya ko, Jongin. Dahil mahalaga ka sa akin bilang--" hindi niya ako pinatapos dahil bigla niya akong hinila papalapit sa kanya, hinawakan ang magkabilang pisngi at tinignan ako sa mata ko. Straight into my eyes. 

I can see pain in his eyes. Ito na nga ang sinasabi ko eh! Ayoko siyang saktan. Ayoko siyang masaktan dahil sa akin. Hind ko siya deserve, hindi niya ako deserve. 

"Pinapalayo mo ba ako Nadia? Pinapalayo mo ba ako sa iyo?!" galit niyang sinabi sa akin. Medyo naitulak ko siya papalayo sa akin. Huminga siya ng malalim at ginulo ang buhok niya. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na hindi ko kayang lumayo sa iyo, Nadia? Sa tuwing tinutulak mo ako papalayo sa iyo, sa tuwing sinasabi mo sa akin na iwasan ka parang sinabi mo na din sa akin na huwag ako huminga! Walangya, Nadia. Hindi mo pa rin ba ramdam hanggang ngayon?! Hindi mo pa rin ba ramdam na mahal na kita? Simula pa lang, nadia!" sigaw niya sa akin "Bakit ba ang manhid mo?" 

Uminit na ang ulo ko. Gusto ko na siyang sigawan na ewan. Napatingin ako sa kanya, straight from his eyes dahil gusto kong isa isip niya ang mga sasabihin ko. 

"Ilang beses ko din bang dapat sabihin sa iyo na may iba akong gusto, Jongin?! Kaya kita pinapaiwas dahil ayokong ma-attach sa akin. Ayokong masanay ka na lagi akong nasa tabi mo. Ayokong saktan ka pero wala akong choice! Mahal ko si Chanyeol, siya at siya lang ang gusto ko!" sigaw ko sa kanya. Sana naman naintindihan na niya "Mahal ko si Chanyeol, J--"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinila niya ako papalapit sa kanya, hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi. Marahas niya akong hinalikan, wala akong nagawa kundi ang pumikit. Nanghina ako sa ginawa niya. 

"I love you Nadia. Mahal kita. Wala akong pakialam kung siya ang mahal mo dahil alam kong, sa akin din ang bagsak mo" sabi niya ng humiwalay siya sa halik niya sa akin. "And it is sealed with my kiss" sabi niya at hinalikan ulit ako sa labi. This time, softer and intense. 

Nanghina ako ng tuluyan. Anong ngyari? Bakit hindi ko siya maitulak? Anong ngyari at hindi ako makagalaw at nanatili na lang akong nakapikit! Mahal ko si Chanyeol, sigurado ako doon. 

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na itulak siya. Tinignan ko siya ng masama, napangisi naman siya. Oh god. Bakit niyo pa ba binaba ang isang Jongin sa mundo para lang pahirapan ako?!

"Stop it Jongin! Hindi nga sabi eh!" sigaw ko ng buong lakas saka pinag tutulak siya. Naiinis na ako dahil una, hinalikan niya ako! Bwisit! Reserve ang first kiss ko para kay Chanyeol! Pangalawa, sa kanya ako babagsak?! OH GOSH NO! 

Hinuli niya ang mga kamay ko na humahampas sa kanya. Dinikit niya ulit ako sa kanya. Pumiglas ako pero mas malakas siya kesa sa akin, tinignan ko siya ng masama at siya naman ay ngumisi sa akin. 

"You love chasing him don't you? Well, from now on. I'm chasing you as well, sa oras na mahabol kita. Tapos na ang larong habulhabolan natin. Alr'yt?"  sabi niya saka ngumisi ulit. 

"Hindi ka kasi madala sa madaling paraan kaya kukunin kita sa mahirap na paraan" sabi niya saka tinalikuran ako. Binagbabato ko siya ng mga batong maliliit doon. 

Ang leshe eh! Sisiguraduhin ko sa kanya na hindi niya ako mahahabol dahil sa huli, mahahabol ko si Chanyeol. Makukuha ko siya sa ayaw at sa gusto niya! Aagawin ko siya kay Dee. 

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon