xx: Pasensya na kayo kung 1 week na walang update. Mianhe. Sobrang busy lang at sinasabi kong mas magiging busy ako lalo. Sana handa kayong maghintay sa mga matatagal na update. :( Aylabyu all! :*
t w e n t y - o n e
HINDI MAGAWANG..
Tinggal niya agad ang kamay niya mula sa kamay ko saka binigyan ako ng maliit na ngiti saka bumalik sa pagkaka-upo niya kanina. Napabuntog hininga ako. Bakit ba ganito siya sa akin? I mean, bakit parang ang cold niya na ewan. Ganito ba talaga siya sa mga taong ngayon lang niya nakilala?
Naupo ako sa isang upuan sa table nila. Madami ring mga bisita dito mula sa iba't-ibang grupo ng Sm Entertainment.
"Pushanggala Nadia, mukha tayong basahan dito! I mean, yung suot natin casual lang pero tignan mo yung suot nung mga tao dito. Sosyal. Pisti na yan." bulong ni Bani sa akin. Napabuntog hininga na lang ako. Totoo naman kasi eh. Hindi tugma yung suot namin sa occassion. Psh. Eh malay ba namin?!
"Pero syet lang Nadia, nahawakan ko kamay ni Xiumin. Syet first skinship." napatawa na lang ako sa sinabi ni Bani. I know exactly how she feels. Pero sa ngayon, nagtataka pa din ako kung bakit ganon ang pakikitungo ni Yeol sa akin. Haaay. Isa siyang komplikadong tao.
Lumingon ako sa direksyon ni Chanyeol. Busy siya makipag usap sa mga tao doon, pero palinga-linga din siya sa kanyang relo na para bang may hinihintay kanina pa. Malamang sa malamang si Dee iyon. Tss. Expected ko na pupunta yung babaeng iyon dito.
"Hey" napatigil ako sa pag iisip ng may kumalabit sa akin. Nakita ko si Tao. Ngumiti ito sa akin saka umupo sa tabi ko. Ngayon ko lang narealize na wala na pala si Bani sa tabi ko.
"I remember you. Ikaw yung isang fan na nanggulo ng concert namin dati. It's nice to see you again, Miss" sinabi niya saka ngumiti. Naaalala pa niya iyon? Gassh. Bakit ba pakiramdam ko may bad impression na sila sa akin? Huhu. Sana wala.
"Ahe-he. Ako nga iyon, sorry nga pala tungkol doon" sabi ko sa kanya saka nag bow. Shacks. Nakakahiya. Bakit ko ba kasi nagawa iyon? Nambugi!
"It's not a problem. By the way, magkakilala pala kayo ni Jongin?" tanong niya ulit. Bakit ba pakiramdam ko hot seat na ito? Syet lang.
"Uhmm. Oo magkaibigan kami" sagot ko sa kanya. Tinignan ko ang mga mata nito, nangungusap ang mga ito na para bang may gusto pa siyang itanong.
"Ah. So ikaw pala yung madalas makuwento sa amin ni Jongin?" natatawa niyang sinabi saka umiling-iling na para bang hindi makapaniwala. Ano daw?
"Ano?"
"Ikaw yung mdalas ikuwento sa amin ni Jongin." sabi niya sa akin saka ininom yung wine na hawak niya. So madalas akong mabanggit ni Jongin? Amputa ano naman kaya ang pinag sasabi nun tungkol sa akin? Baka mamaya pinapahiya lang ako ng lokong 'yon sa mga kagroup niya. Nakakahiya!
"Wag ka mag alala. Wala naman siyang sinasabi sa aming masama tungkol sa iyo. I mean, mostly puro pag puri ang naririnig ko sa kanya tungkol sa iyo"
"Tulad ng ano?"
"He keeps on saying how much he li--" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang takpan ni Jongin ang bibig niya at may binulong dito na ikinatawa naman ni Tao.
"Oh. Paano ba yan, Nadia mauna na ako sa iyo ah? Nice meeting you btw" paalam niya sa akin saka naglakad papalayo sa akin. Naiwan kami ni Jongin. Nakangisi ito sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Oh? Ano pang tinitingin-tingin mo dyan? Tara na doon!" sabi ko sa kanya saka hinila siya papunta sa loob. Nandito kasi kami sa may veranda ng party. Jusko lang kasi, malaki itong lugar na ito noh! Pwede na akong maligaw dito. Tsk.
Pagkapasok namin sa loob ay bumugad sa akin ang isang napaka gandang babae. Sa sobrang ganda niya, ang sarap niya tuloy ibalibag sa pader. Ughh. Naka hawak si Chanyeol sa bewang niya at nakangiti habang siya naman ay nakangiting nakikipag kamayan sa iba pang ka-members ni Chanyeol. Walang iba kundi si Dee.
"Easy ka lang, Nadia"bulong ni Jongin sa kaliwang tenga ko. Taena lang. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko na nagbigay ng milyong-milyong bultahe sa katawan ko. Tinulak ko siya papalayo. Tumawa ito sa ginawa ko saka ako nilapit sa iba pang ka members.
"Oh! Ayan na pala kayo! Saktong kadarating lang ni Dee" sigaw ni Xiumin nang makita niya kami. Napalingon si Dee sa amin ni Kai nung papalapit kami sa kanila. Ngumiti ito sa akin at kay Jongin. Alam niyo yung feeling na parang may 'something' yung ngiti niya kay Jongin. Hmm. Something smells fishy here. Ayyy. Bahala na sila doon. Wala akong pakialam kay Dee. Tsss.
"Jongin! Ikaw na pala yan. Wow! You changed alot. Kamusta?" sabi niya kay Jongin at nakipag beso pa dito. Napakunot ang noo ko. Namputa. Maglalandian na nga lang sila sa harap ko pa este namin. Huhu! Paano na si Yeol?
"Okay lang naman ako Dee. Uhmm. May papakilala nga pala ako sa iyo" Sabi ni Jongin at hinila ako sa gilid niya "This is Nadia Kim, may friend" sabi ni Jongin. Nabaling ang tingin ni Dee sa akin saka ngumiti. Okay sige na, maganda na siya. Mukha siyang anghel pero dyosa pa din ako. Hmp.
"Hi there! So you are the famous Nadia Kim that Jongin keeps on talking about" sabi niya. Napataas ang kilay ko. Gustong-gusto ko siyang irapan kaya lang nasa tabi niya si Chanyeol, baka sabihin ni Yeol na ang sama ko. Hmp. Saka na lang.
"Yeah. It's me, I guess" sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"Nice to meet you then" she said She leaned forward, nag beso-beso kami. Syet gusto ko siyang sabunutan.
~~~
"Kawawa naman yung chicken" napatingin ako sa chicken na gutay-gutay na. Kanina ko pa ata tinusok-tusok gamit ang tinidor ko. Sorry naman, akala ko kasi si Dee eh.
Paano ba naman kasi, kulang nalang langgamin sina Chanyeol at Dee sa kabilang table. Kung makapag subuan wagas. Eh kung pag umpugin ko silang dalawa?! Baka mas ikakatuwa ko pa iyon.
"Ano bang problema mo?" bulong ni Bani sa kabilang side ng table. Kumunot ang noo ko saka siya nilingon. "Oh I see" sabi niya saka tumingin sa direksyon nina Yeol at Dee. Haay. Gusto ko na umuwi! Ayokong nakikita silang ganito. Ughh.
Bigla akong nawalan ng gana. Tumayo ako sa pagkakaupo ko, inexcuse ko ang sarili ko na pupunta lang ako sa cr. Napatingin si Kai sa akin pero agad akong umiwas ng tingin. Parang may nagbara sa lalamunan ko. Naiiyak ako.
Tumalikod ako sa kanila at kasabay ng pagtalikod ko ay ang unti-unting tumulo ang luha ko. Agad ko naman itong pinunanasan. Syet na yan. Bakit ba kasi hindi pa ako nasanay sa kanilang dalawa ni Dee? Alam ko naman na mahal ni Yeol si Dee, pero bakit hindi ko matanggap?
Mahal na mahal ko na ata talaga si Chanyeol, kahit na hindi niya alam. Mahal ko siya kahit na hindi niya ako pinapansin, mahal ko siya kahit na ang lamig ng pakiki-tungo niya sa akin. Mahal ko siya kahit na may mahal na siyang iba.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humila sa akin at agad akong sinalubong ng yakap.
"Sshh. Wag ka ng umiyak" bulong ni Jongin. Lalo akong naiyak. Faaaaaak. Punyetang luha. Ayokong umiyak sa harap niya.
"Siya na naman ba ang dahilan ng pag iyak mo?" tanong niya, habang niyayakap ako. Oo, siya na naman ang dahilan ng pag iyak ko. Siya lang naman ang nagpaparamdam sa akin ng ganitong sakit. Hindi physical pero emosyonal na sakit.
"Kung nasasaktan ka sa nakikita mo, matuto ka sanang talikuran sila. Nandito naman ako" lalo akong naiyak sa sinabi niya. Why do I have this guy beside me? Bakit ba ako pa ang minahal niya? Ako na hindi masuklian ang pagmamahal niya.
~*~*~*
BINABASA MO ANG
Loving Park Chanyeol
FanfictionLoving him is like a roller coaster ride of emotion. Full of adventure, heartbreak, happiness and sacrifices. (Taglish) Written by: Shannie Unnie - 2014 This story is a work of FICTION. Names, some places and incidents are product of author's imagi...
