Start of Something New

2.7K 44 8
                                    

Alas tres na pala, pero di pa sya makatulog. Sinilip nya ang alagang yorkie, mahimbing na mahimbing na tulog nito sa tabi nya. Ang dami nyang iniisip, ang daming gumugulo sa isipan nya. Almost two weeks ng tapos ang movie nila ni Gerald, at thankful sya na naging successful ang movie. At marami rami na rin ang fans club nila na tinawag nilang ASHRALD,, pero naguguluhan sya. Naguguluhan sya sa mga pinapakita sa kanya ni Gerald lately. Actually nagsimula yan nung What Love Is concert nila. Bakit all of a sudden biglang dumalaw ang binata sa big dome nung rehearsal? At during the concert, wala naman sa script ang pagdalaw sa bahay nila na sinabi ng binata at alam nito ang address nya.

" Hay naku Sarah, masyado kang nagoover analayze, likas lang talaga syang bolero, sa gwapo ba naman nya, wag kang papadala, wag kang papahalata na crush mo sya, utang na loob Sarah" aniya na kinagagalitan ang sarili.

"Hindi, never nya akong magugustuhan, ano ba naman ako compared kay Kim at Bea, e ang gaganda nun di ba? Tingnan mo naman hitsura mo Sarah" sabay punta sa salamin. " Hay basta lahat ng kinilos nya, friendly gestures lang yun, tandaan mo yun! " at tinuro nya angs arili sa salamin,

Ayaw nya na rin kasi umasa kahit maraming nagsasabi sa kanya na iba mga tingin sa kanya ni Gerald. Sabi nga Nikki during her interview sa elive, nahuli daw niya si Gerald na binabasa ang article about sa kanya. Sabi nya baka katabi ng article nya is mga kotse na alam nyang kinahihiligan ng binata, pero Nikki insisted that what's next with her article is obituary so there's no way that Gerald is reading the Obituary.Di nalang nya pinansin ang sinabing yun ni Nikki, pero may nagsabi during their shooting sa Manila Hotel, nahulicam daw si Gerald while looking at her intensely. But she dont want to buy the idea of Gerald attracted to her.

"Sarah Sarah! Ano bang problema mo? Yung paghalik nya ng kamay mo during promotion nyo sa ASAP at HYY wala yun ok? Dedmahin mo lang yun, kahit yung pagalalay nya sa Cebu sayo Sarah, wala yun, as in gentleman lang talaga sya. At wag kang umasa na itetext ka nun kahit kinuha nya ang number mo kanina sa ASAP, friendly lang talaga sya kasi nga gumawa nga naman kayo ng lyrical dance, baka magsosorry lang kasi di naging okay yung paglift nya sayo kanina. So tumigil ka na Sarah" utos na sa sarili. Alam nyang mukha na syang tanga pero that's her way of releasing the tension and the feeling.

********************************************************************************************************

Samantala, si Gerald ay hindi rin makatulog so he decided to take a sip of his favorite wine while watching "Catch Me". Binigyan sila ng copy ng movie so gusto nya ulit panuorin ang nagawang pelikula kasama si Sarah.Mas naamaze sya dahil natural na natural ang pagarte ni Sarah, actually mas magaling pa syang umarte kesa sa ibang artista dyan to think na di naman talaga sya actress. Paborito nyang scene ay yung tulay scene kung saan si Sarah ang may pakana ng bounce with me,anothe fave scene nya ay ang putik scene at ang sweet scene nila sa kusina nila. Yun kasi yung scene na nayakap niya at nahalikan si Sarah sa noo.


Kanina pa nya hawak ang BB nya, nakasave narin ang number ng dalaga na hinihingi nya kanina after ng prod nila sa ASAP. Pero nagdadalawang isip syang itext, paano pag hindi sya nagreply, paano kung sungitan sya. Pero malapit na syang umalis for a vacation sa US. Sa narinig nya sa interview nila kanina sa The Buzz balak magenroll ng dalaga sa isang dance lesson para lalo pa syang mahasa sa pagsayaw.

"Itext ko na nga" at sinimulang magtype sa BB nya ng "hello, Gerald here, tulog ka na ba?" Maya maya ay tumunog narin ang cp nya at inakalang si Sarah yun, pero laking dismaya nya kung sino ang nagtext.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon