"It Might Be You"

2.1K 29 4
                                    

“Excited na sa concert baby girl?, kayang kaya mo yan, magvocalize ka lagi tapos wag ng iinom ng malamig”. Bilin nya kay Sarah na kausap nya sa phone. ISang araw na lang ay concert na ng dalaga. Excited sya para sa kasintahan, hindi nya maexplain pero mas kinakabahan pa sya kesa sa baby girl nya. Daig pa nya ang tatay na excited para sa recital ng anak, at napansin din yun ng nobya.

“babe, mas kinakabahan ka pa sa akin, relax”.

“Am I too obvious ba?”

“Opo, don’t worry. Basta make sure na andun ka ha? Mas mapapalpak ako pag wala ka dun, wala ang inspirasyon ko. And please wear white polo” pakiusap ni Sarah kay Gerald

“Yes babe, I will be there, syempre first concert ng baby girl ko yun na may poging boyfriend na sya, I will not exchange it anything in this world”. Pangako nya sa nobya. “teka bakit nga pala white na polo?”nagtatakang tanong nya dito.

“Basta white polo lang okay?.I love you babe, start na po rehearsal namin, I’ll call you later”. Paalam ng dalaga.

“Hindi ko gusto ang damit mo, masyado maiksi” pahabol na sabi ni Gerald, Ang hindi alam nito ay nasa Araneta na rin si Gerald para panuorin ang dress rehearsal ni Sarah. “Lingon”. Utos nya dito.

Nagtatakang lumingon si Sarah sa likod nya, at nakita nyang nakaupo  ito 5 rows from her. Tumakbong lumapit si Sarah sa nobyo, he never failed to surprise me” nasa isip nya. Nilapit nya ang ulo nya dito para mahalikan sya sa noo. “Ikaw talaga, nagsurprise ka na naman”.

“Ang iksi iksi ng suot mo Sarah, pumasa ba yan kay mommy? Di ba dapat nakastocking ka?”

Alam ni Sarah na pag tinawag sya nito sa pangalan  nya ay seryoso ito. “Babe relax, nakastocking po ako sa concert, rehearsal lang po kasi kaya di ko muna sinuot”. Sabi nitong hinawakan ang mukha nya.

“Kahit na, you should wear tights, ibaba mo pa nga yan”. Hinihila nya na rin ang damit nito. TInulungan naman sya ni Sarah para maibaba din ng kahit konti ang damit na gagamiitin nya sa opening.

“Sarah, we’ll start na” tawag ni Teacher Georcelle na nasa stage na.

“Paano babe, dun muna ako ha? Hintayin mo ba ako after nito?” Tumango lang ang binata na kitang inis parin dahil sa damit ng nobya.

“Hatid na kita sa stage, ayusin mo pagakyat mo Sarah dahil mas tataas yan”. Hinatid nga nya si Sarah sa stage na nasa likod ito para hindi Makita ng mga nakaupo sa audience side ang hindi dapat Makita. Pinanuod nyang magrehearse ang kasintahan, namamagha sya kung  paano kagaling ito. Pero naiinis parin syang makitang nakamaiksi ito ng damit. Hindi naman nsya ganito sa mga naging kasintahan pero kay Sarah hindi nya mapaliwanag, parang diamante kung ituring nya ito. Pagtapos ng rehearsal ay magkahiwalay silang umuwi dahil may basketball game pa sya.

“Sarah,remind ko lang sayo ang bilin ng management, huwag kang gagawa ng hindi maganda sa concert”. Bilin ng ina, nasa bahay na sila at kasalukuyang nasa entertainment room ng buong pamilya. ANg tinutukoy ng ina ay tungkol sa kanila ni Gerald, pinagbawalan na sila ng management na makitang magkasama dahil masyado na silang mainit sa publiko. Lalo na ngayon na may movie syang gagawin kasama si John Lloyd.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon