120 kisses

2.6K 59 14
                                    

“Ano na naman ang nabalitaan ko kanina Gerald?”.  Galit na tanong ni Sarah sa kanya. Tahimik lang si Gerald habang nagmamaneho. Pauwi na sila galing sa SGL show ni Sarah. Sinundo ito ni Gerald at sabay na silang umuwi. “ Tapos ngayon hindi ka magsasalita? E kanina lang halos gibain mo na daw ang pader sa dressing room?, umayos ka nga!”.

“Ah so ako pa ang umayos ngayon?! Sino ba ang tuwang tuwa habang hinihimas ang kamay at mukha kanina?”. Finally nagsalita na rin sya. Muntik na rin nyang sugurin kanina ang rakistang guest ni Sarah sa show dahil sa paghawak hawak nito sa nobya, napigilan lang sya nila Ali kaya nakapagtimpi ito.

“Anong magagawa ko? Live yun Gerald, saka di ko ugaling mambastos ng tao dahil lang sa magagalit ka?!”. Sagot ni Sarah dito.

“ So okay lang sa iyo ikaw ang mabastos?”. Sarkastikong tanong nya sa nobya.

“Alam mo, hindi ko alam kung ikatutuwa ko ang pagseselos mo o ikaiinis ko eh, ginagawa mo na akong malantong sa sinasabi mo Gerald, “. Bulalas ng dalaga.

Natigilan naman si Gerald sa narinig na sabi ni Sarah. Bigla nyang narealize na parang ganun na nga ang dating sa paguusap nila at hindi yun ang ibig nyang sabihin. “Babe, sorry. Hindi ko lang kasi mapigilan hindi magselos eh,”. Hinawakan nya ang mukha nito. Pero hindi na umiimik si Sarah, nakatingin lang sya sa bintana ng kotse sa passenger seat side. “Babe…..”

“Iuwi mo na ako at gusto ko ng magpahinga.”.tipid na sabi ni Sa.

Alam ni Gerald na galit na rin si Sarah at ngayon nya lang makitang galit ito, at hindi sya papayag na matapos ang gabing galit ito sa kanya.

“Hindi ito ang way papuntang Charbel Gerald,” turan ni Sarah matapos mapansin na papunta na silang Makati. Hindi nagsasalita si Gerald, patuloy lang ito sa pagmamaneho .

“ Magsalita ka nga dyan, ano ba! “. Sumisigaw na sya.

“Umupo ka nalang dyan. Wag ka na magaalala dahil tinext ko na sila mommy na malalate ka ng uwi. Kasunod naman natin sina manong ross.”  Hindi na nagsalita si Sarah, alam nyang galit na rin ang binata. Hindi sumisigaw si Gerald pag galit o inis ito, mas malumanay ang boses nya pag galit, bagay na maganda dito. Napansin ni Sarah na papunta na silang Tagaytay, pero hindi nalang sya nagsalita. Nagtext naman na ito sa mommy nya at malamang ay pumayag ito kaya kampante na rin sya.

Dalawang oras nilang binyahe ang Tagaytay pero hindi sila naguusap. Pumasok sila sa isang exclusive subdivision dito kasunod nga ang driver at yaya ni Sarah. Kahit nagtataka, hindi na nagsalita pa si Sarah dahil inis parin sya sa binata.  Paghinto ng sasakyan ay bumaba na si Gerald pero hindi sya bumababa, maya maya ay may nagbukas na ng pinto sa may gawi nya, kahit magkagalit sila ay hindi parin maiaalis kay Gerald ang pagalalay sa kasintahan.

Bumaba naman si Sarah at pumunta sa dako ng yaya at driver nya. Nagpalit sya ng footwear dahil nakahigh heels pa ito.

“Manong Ross, yaya,” pasok na ho tayo sa loob aya ni Gerald sa dalawa. Sumunod naman ang dalawa habang naiwang nagpapalit ng sapatos si Sarah. Pagtapos nito ay nagpasya syang sumunod sa loob ng bahay, nadatnan nyang nagaayos ng pinamiling pagkain ang yaya at driver nila. Dumaan sila kanina sa petron along SLEX para bumili ng  makakain pagdating dun. Hindi na nya inabala ang mga ito at nagpasyang gumala sa loob ng bahay. Hindi kalakihan ang bahay pero maganda ang interior nito, “Kanino kayang bahay ito?” tanong sa isip nya, wala kasi nakwento si Gerald tungkol dito. Nagpasya syang pumunta sa veranda na overlooking ang taal lake. “Ang ganda naman dito at ang lamig”. Bulalas nya.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon