"i want to see you sleep"

3.3K 68 23
                                    

Hindi makapaniwala si Sarah sa naririnig, desidido ang management na idemanda sila oras na hindi sumunod sa pinirmahang kontrata. Ayon kay Boss Vic ay may mga nakalinya na kasi syang projects pagtapos ng movie nila ni John Lloyd.  Bukod kay Richard Gutierrez ay kumpirmado na rin ang pelikulang pagtatambalan nila ni ____________ sa susunod na taon na lumipat na rin ng Viva. Nagsanib pwersa na rin ang SM at Viva para pati si Gerald ay maifreeze ang mga projects nito.

Naguguluhan sya, excited sya dahil malapit ng matapos ang isang buwan na hiningi nya kay Gerald. At napatunayan nyang mahal nga sya nito sa di mabibilang na pangungulit nito sa loob ng panahong iyon. Pero bakit ganun, hindi na naman sumasang ayon ang mundo sa mga plano nya. Handan a nyang ipaglaban si Gerald pero parehas silang malalagay sa alanganin kung nagkataon.

“ Sige ho, papayag na ho ako sa gusto nyong mangyari, pero bigyan nyo ho ako hanggang matapos ang Cebuana”. Sa wakas ay nagkalakas loob na syang magsalita sa harap ng mga bosses ng Viva.

“Huwag kang magaalala Sarah, malapit naman na ang next year” pampalubag loob na turan ni Miss Monique.

“Actually ho hindi ko din alam, bahala na next year, tinatamad na rin ho kasi ako, gusto ko na ho ng tahimik na buhay”. Matabang nyang tugon. Nadidisappoint sya sa mga ito, negosyo nga lang talaga ang nasa isip nila. Mas mabenta daw kasi ang mga pelikulang gagawin nya kung single sya. Mas aabangan dahil single din ang mga makakasama nya sa pelikula.

Nasa sasakyan na sya  pero ang meeting parin kanina nag iniisip nya. Ano na ang sasabihin na naman nya kay Gerad ngayong excited ito dahil malapit ng matapos ang isang buwan. Pero parehas silang maiipit, ayaw man nyang isipin pero malakas ang kutob nyang kasama rin ang ina sa pagpaplano nito. Natakot siguro ito dahil sa mga binitawan nyang salita dito.

“Manong Ross, idaan nyo muna ako sa Alabang.” Utos nya sa driver nito. Gusto nyang makausap ang ate Juday nya. Ito ang tamang tao na gusto nyang makausap.

“So anong problema ni bagets?”. Katatapos lang maligo ng ate juday nya. Pagdating nya sa bahay nito ay busy itong nakikipaglaro sa pool kasama ang anak na si Lucho.

“Ate, bakit ganoon?. Bakit ayaw nila ako maging Masaya?” malungkot na tanong nito.

“Bakit?”. Nakakunot noong tanong nito.

“Wala, pinagbawalan na ako totally makipagusap kay Gerald kasi nasa kontrata nga diba?. “

“Bawal naman kung malalaman..” binigyan sya ng pilyang ngiti ng ate Juday nya.

“E ate,sa akin walang problema yun, ang kinatatakot ko si Gerald. Hanggang saan nya ako kayang hintayin? Paano kung magsawa sya sa akin?”.

“Well, it will only prove kung gaano ka nya kamahal, kung handa ka nyang hintayin”.

“YUn na nga ate eh,natatakot talaga ako.”

“Kausapin mo sya, pakiramdam ko naman na mahal ka nung tao, hindi namn siguro maglalakas ng loob manligaw yan dati kung di ka nya mahal d iba? Alam ko kung ano kinatatakot mo, sa sobrang gwapo nya e natatakot ka  na baka maghanap ng babae yan na or matukso lalo na at di kayo muna magkakasama?”. Tumango lamang sya. “Well expect the unexpected bagets,”

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon