"Her first"

3K 59 13
                                    

"Good morning babe" narinig nyang bulong sa kaliwang tenga nya. Sa pagaakalang panaginip iyon ay binalewala nya lang hanggang may maramdaman na syang may humalik sa noo nya. Pag mulat nya ng mata ay nakita nyang aktong kinukuhanan na sya ng litrato ni Gerald.

"at bakit mo ako pinipicturan ha? " tumayo ito at kinuha ang cellphone nya pero naiiiwas agad ito ni Gerald.

“Bakit masama bang picturan ang babe ko, e mas maganda ka pag bagong gising,i love you, you miss me?".. at nilapit nito ang mukha sa nobya.

Tinakpan naman ni Sarah ang bibig nito. " Wag kang lalapit, di pa ako nagmumumug, wait lang".. sabay takbo sa CR. Pagbalik ay niyakap nya agad ang nobyo. “I miss you". At humalik sya sa pisngi nito.

"Ang sarap naman nun, namiss din kita sobra mahal ko". hinalikan niya ito sa noo. " Dami kong pasalubong sayo, pero dapat ikiss mo ako dito" at ngumuso si Gerald.

"Ano ka ba, mamaya biglang pumasok si Mommy eh," at tinulak nya ang nobyo.

"Kahit dito nalang," sabay turo sa pisngi nya.

Lumapit si Sarah para humalik sa pisngi ni Gerald, pero hinawakan nya ang magkabilang pisngi ng nobyo at hinarap sa kanya, dinampian ng isang halik ang labi nito na kinagulat ng binata. “I miss you, you deserve a kiss on the lips my budoy" habang hawak niya ang labi ni Gerald,”

Hindi naman nakakilos agad si Gerald sa ginawang iyon ni Sarah. May pagkapilya talaga ang nobya at nilalabas nya yun in times that he least expect it. Mas nagulat sya ng hinalikan sya ulit ni Sarah sa may labi ng isa pang beses.

"Hehe, masyado ka yatang naamaze Mr. Anderson. Tara na baba na tayo at baka ano isipin nila mommy na ginagawa natin dito." hinawakan ni Sarah ang kamay niya at hinila palabas ng kwarto nya.

Isang buwan mahigit nawala si Gerald para sa US Tour nya. Fresh from the airport ay dumiretso na sya agad sa bahay ng kasintahan. Gusto nya ring ibigay ang mga pasalubong nya dito at sa magulang at kapatid nito. “Babe, wala ka naming work today diba?”.

“Opo,why?”.. tanong ni Sarah.

“Labas tayo, joyride lang”. yaya nya dito.

“Ngek, san naman?

“Kahit saan, gusto ko naman maiba ang paligid, lagi nalang sa bahay. Isama natin si yaya mo para di magworry sila mommy”. Mommy na rin ang tawag ni Ge sa mga magulang ni Sarah. Mismo ang daddy nito ang nagsuggest na yun na ang itawag sa kanila dahil hindi na rin naman na iba ang binata sa kanila.

“Hmmmmm.. sige sige, gusto ko rin magunwind. Sige paalam ako kay mommy.Paano pag sumama sila?”.biglang naisip yun ni Sarah. Kahit naman binigyan na ng blessing ng mga magulang ang relasyon nila, nagbabantay din minsan ang mga ito.

“Okay lang. Sasama naman sila Fred,Ken at Ali kung sakali eh. Saka as long as nahahawakan ko ang kamay ng girlfriend ko e okay lang kahit sinong kasama..Hinalikan niya ang kamay ni Sarah, pero biglang may nagflash sa harap nila.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon