Kinapa nya ang alarm clock sa tabi ng kama nya. Maaga ang call time nya para sa isang endorsement na isang clothing line. Ibinaling ang mga pupungas pungas na mata sa laptop sa tabi ng kama nya, nakita nyang masarap parin ang tulog ng nobya sa camera. Mamaya pa kasi ang rehearsal nito para sa Cebuana concert na kasama din sya as guest.”Good Morning Baby Girl”banggit nya habang hinahawakan nito ang screen. Nasa akto syang ganon ng marinig nyang nagalarm ang alarm clock ng dalaga. Nakita nyang kinapa ito ng dalaga at pinatay, napatingin ito sa laptop nya at ngumiti.
“Good morning babe”. Bati ni Sarah kay Gerald.
“Good morning baby girl, o bakit ang aga mo, mamaya pang gabi ang rehearsal ah”
“Opo, e di ba may photoshoot ka now?” tanong nito sa kanya.
Napakunot si Gerald sa tinurang iyon ni Sarah” Yup I have, pero anong kinalaman nun sa aga mo magising?”
“E kasi po, gusto ko makita kang nagpprepare sa work, gusto ko makita kitang umalis. So anong isusuot mo for today Mr. Anderson?”lumapit ito sa monitor.
“ Aba naman, talagang misis na misis ang dating ah, I love you babe”.
“Mamaya ka na maglambing dyan, ipakita mo na muna ang isusuot mo, babe I think you should wear blue”.suggestion nito sa nobyo.
“Hmmm, syempre favorite color natin yun,let me see I’ll wear the one you’ve given me wait”.. pumunta sa closet nito para hanapin ang blue shirt na binigay sa kanya ng dalaga. Pagbalik nya ay nakita nyang may kausap ito sa telepono. “Sino kausap mo?”tanong niya dito.
“Si Jalal, so asan na ang isusuot mo”.
Ipinakita nya ang shirt sa screen,” ito, at bakit mo kausap si Jalal?” si Jalal ay PA ni Gerald.
“Ayan! Sige yan nalang suot mo, wala po I just check if may breakfast ng nakahanda for you, ready na daw bacon and hotdog for your brekky so maligo ka na para makapagalmusal ka na. Dali kilos na.” utos nito kay Gerald.
Naamaze naman si Gerald sa ginawang iyon ni Sarah, masyadong maalaga at malambing kasi ito. Mahilig din magbigay ng sorpresa sa kanya in her own simple ways.”Opo liligo muna ako, tutulog ka na ba ulit?”
Umiling si Sarah. “ I’ll wait for you to finish your thing, pag nakaalis ka na saka ako tutulog ulit, so dali na dahil 8am ang call time mo. “
“Babe, gusto mo sama ka sa banyo?tutal career mo naman ang pagaasikaso sa akin, why don’t you watched me taking a bath, baka mali ginawa ko sa pagligo” pilyong ngiti ang ibingay nya kay Sarah.
“Sira, ang dami mong kalokohan, maligo ka na nga. Dali na.”
“Joke lang baby girl, I love you, liligo na po ako, wait lang 1 hour..” pumunta na sya sa banyo para maligo. SI Sarah naman ay kinuha ang ipad para icheck ang mga kantang kakantahin nya para sa Cebuana Concert bukas.
