home alone

2.9K 56 19
                                    

“Teka nga Sarah, sabihin mo nga sa akin bakit nagalit ng ganun si Tita kay Gerald,” curious na sabi ng Ate Juday nya. Nasa bahay sya nito sa Alabang para bisitahin ang ate Juday nya at mga anak nito. Matagal na rin kasi hindi nakakadalaw si Sarah dito.

Natatawang napakamot sa ulo ito” Ganito kasi yun ate..

FLASHBACK (June)

Busy nagbababasa si Sarah ng may natanggap syang text galing sa nobyo. “Just got home from flight, I barely slept; I deserve a salubong from your gate... :))” Napangiti sya at bumaba. Pagbukas ng gate ay nakita nyang nakatayo na ito sa sasakyan nya.

“Aba, may salubong ka pang nalalaman Heraldo, musta ang flight mo?”. Lumapit ito para mahalikan sya nito sa noo.

“Okay naman baby girl, medyo pagod pero okay lang nakita naman kita, tara na.” inakbyan nito si Sarah sabay pumasok na sa loob ng bahay nila.

“Magluluto ako ng food bilang wala ka pang tulog, idlip ka muna dyan.” Sabi ni Sarah matapos makapasok sa loob ng bahay nila pero hinila sya ni Gerald.

“Babe, asan sila mommy?..” tanong nya dito.

“Wala nasa Pampanga, may emergency lang dun kasama si Daddy.”.

“Babe, tara…” yaya nya dito.

“At saan naman?”.

“Bihis ka na dali.”

“San muna nga?”

“May surprise ako sa iyo, for sure mamayang gabi pa naman dating ni mommy di naman tayo lalayo”.

Nagdadalawang isip man, pumayag na rin sya. Hindi naman magchecheck ang mommy nya pag ganoon. “O sige, bihis lang ako.” Paglipas ng kinse minutos ay nakagayak na sya. “So saan tayo punta?’.

“Basta.” At hinila nito ang kamay nya. Hindi masyadong traffic sa EDSA kaya nakarating sila agad sa Makati. Pumasok si Gerald sa isang subdivision doon. At huminto sa isang bahay na hindi pa masyadong tapos.Bumaba si Gerald at binuksan ang pinto ng passenger seat. “Baby girl tara.”.

“Kaninong bahay ito babe?”.. nagtatakang tanong nya rito.

“Sa atin..”. maikling sagot nya. Nagulat si Sarah sa sinabing iyon ni Gerald, alam nyang nagpapagawa ng bahay ito, pero PARA SA KANILA? Doon sya nagulat.

“OO baby girl, para sa atin ito. Ang ganda di ba?.”. hinwakan nya ang kamay nito.

“Hindi ba masyadong maaga para sabihin mo na sa atin ito babe?”.

“Bakit, e forever na tayo di ba?”. Hinawakan ni Gerald ang ulo nya.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon