"How can she be so simple when she should be acting like a Queen"

2.7K 42 9
                                    

"How can she be so simple when she should be acting like a Queen"

--everyday discoveries--

Masaya ang lahat habang pinagsasaluhan ang breakfast na si Mommy Divine mismo ang nagprepare. Aminado si Gerald na nageenjoy sya sa company nito, di mabigat ang ambiance ng bahay nila. Nalaman din nya na mahilig kumain talaga si Sarah pero hindi yun halata sa katawan nya.  Sexy kung tutuusin si Sarah, sakto lang nag hubog ng kanyang katawan, hindi mapayat at hindi rin mataba. Pasimpleng sumusulyap ito sa dalaga na abala sa pagkain, hinihintay nyang mahuling tumitingin din ito sa kanya pero nabigo sya. Hindi yata talaga sya type ng dalaga, hindi man lang magawang tumingin sa kanya. Titingin lamang ito kung kinakausap sya bagay na ikinalungkot nya.

Si Sarah naman, masayang pinupuri ang sarili. Kahit papano ay nagtagumpay syang hindi ipahalatang naiilang sya. Mas mabuti na ipakita nyang ganito sya na parang walang pakialam dahil ayaw na nya magassume. Kung darating, daratin sabi nga nya. Natapos ang kainan na busog ang lahat. Pinapakiramdaman nya si Gerald na kahit di sya tumingin dito ay alam nyang tumititig sa kanya. Nagpasya na syang tumayo para maligo na. Kailangan na nilang pumunta ng vet dahil nasa clinic na daw ang doctor. Iniwan nya muna sila Gerald na kausap ang mommy at daddy nya.

Maya maya pa ay bumaba na si Sarah na nakapants at lacoste shirt. Hawak na rin nya ang alagang yorkie na dadalhin nya sa vet. Napagkasunduan nila na sasakyan na muna ni Gerald ang gagamitin at ihahatid nalang nito si Sarah pagkagaling sa vet. Excited ang binata na makakasakay si Sarah sa buhawi jack nya.  Si Gerald ang nagdrive at si Sarah ang nasa passenger seat habang nasa likod si Ali, Manang at ang mga aso nila. Pagdating nila sa clinic, nagugulat si Gerald kung paano kahands on si Sarah sa paggrooming sa alaga. Nagassist din sya kay JR while Doc Toni is checking him. Nahiya naman sya dahil hindi pa nya napapaliguan si JR ng dalhin ito for check up, pero kahit alam nyang mabaho si JR hindi ito alintana ng dalaga at hinihimas himas pa nya ito. “How can she be so simple when she’s supposed to be acting like a Queen?” gulat na tanong nya sa sarili.   Wala kasi sa hitsura nya na isa sya sa pinakasikat na artista ngayon sa bansa. Sobrang kabaligtaran sya kumilos pag nasa comfort zone nya ito, walang kaarte arte sa katawan.

Right after ng check up ay nakiusap si Sarah na kung pwede ay idaan sya sa may new York Cubao. Okay na okay yun kay Gerald dahil makakasama pa nya ang dalaga ng mas matagal.

“Mabilis lang ako promise, may idadaan lang ako kasi napangakuan ko na now ko ibibigay” wika ni Sarah na para pang nahihiya pa.

“Okay lang yun ano ka ba, sino ba pupuntahan mo dun?” tanong nya.

Napakamot sa ulo ang dalaga, “mga kaibigan ko” maikling tugon nya.

Dahil malapit lang ito sa clinic ay nakarating sila within 15 minutes. Di na sila pinababa ni Sarah dahil mabilis lang naman daw sya.  “Manang, ano pong meron dito?” usisa nya sa yaya ni Sarah.

Hindi alam ng yaya nito kung sasabihin ba o hindi. “ Sir Gerald wag na lang po kayo maingay na sinabi ko ha? Kasi ayaw nya ipasabi kahit kanino. Isa po ito sa tinutulungan ni Sarah na foundation. Mga orphan po, every dayoff nya pumapasyal sya dito. Usually after school nya ditto na sya nagsstay tapos papasundo nalang sya pag uuwi na sya.” Mahabang sabi ng manang nya.

Lalong nagulat si Gerald sa nalaman, napakadiscreet naman nyang tumulong as in walang nakakaalam. Samantala ang ibang artists konting tulong nakabroadcast na sa TV  “Ganun po ba? Nakakatuwa naman pong malaman na may foundation syang tinutulungan”.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon