rebuilding friendship

2.8K 34 5
                                    

Author's note

Hello! I'll be putting a quote at the end of each chapters so you'll know that it's the end of the chapter. So if you dont see quote/quotes at the end  it means I'll be adding more story on.

Thank you for reading..Please read the previous chapter "How can she be simple when she should be acting like a Queen", I added more! :))

:)))


I'll be posting the story in a while..:))

************************************************************************

Matagal na syang nakatayo sa harap ng bahay nila Sarah, hindi nya alam kung papasok ba sya or hindi. Wala dun sila Sarah dahil nasa US pa ito para sa bakasyon nya. Meron sya ibang pakay kaya pumunta sya dito, pero nagdadalawang isip sya. Isang linggo din nya itong pinagisipan at kaninang umaga alam nya sa sarili nya na decided na sya pero bakit bakit ganun? bakit parang may pumipigil sa balak nyang gawin. Nagpasya syang wag nalang ituloy ang balak ng biglang bumukas ang gate.

Si daddy Delfin. "Iho, kanina pa kita pinagmamasdan mula sa may veranda ng kwarto namin, may problema ba?, pasok ka muna". Niyaya syang pumasok sa loob at inalok ng wine. "Anong meron Ge? may kailangan ka ba?"

Nagkamot sya ng ulo "Ahmmm, kasi po tito magtatanong sana ako sa sasakyan" dahilan nya. But delfin just gave meaningful look. 

"Iho, hindi ako naniniwalang pupunta ka pa dito para lang itanong ang sasakyan dahil alam  kong marami kang kakilala na mas may alam, sabihin mo na o gusto mo pang hulaan ko pa". Pero alam nito ang dahilan ng pagpunta nya dito. Dahil sa anak nya, napansin na rin nya na iba ang binata simula shooting days parin. Hindi nito napapansin pero napagmamasdan na nito kung paano sumimple ng tingin ito sa anak. 

Kinakabahan man naisip ni Gerald na kailangan sabihin na rin nya ang totoong pakay. " kasi po tito tinamaan po yata ako sa anak ninyo." 

Nakangiting nakamasid lang si Delfin sa kanya. Humahanga sya  sa lakas ng loob ng binata. Hindi biro harapin ang tatay ng babaeng napupusuan nito kung hindi sya seryoso. Tinapik nya sa balikat si Gerald. " Alam mo Gerald, mahal na mahal namin si Sarah, hanggat maari gusto namin sya mapunta sa matinong lalaki at alam mo ang ibig kong sabihin."

Alam ni Gerald iyon, gusto siguraduhin ng daddy ni Sarah ang intensyon niya, " Tito, kaya ko po kayo kinakausap, dahil sa totoo po sinubukan kong balewalain ang nararamdaman ko sa anak ninyo pero wala po talaga, kahit anong pilit na iwasan, alam ko pong niloloko ko lang ang sarili ko. Gusto ko po ligawan sana ang anak ninyo."paalam nya.

"Natutuwa ako na nagpapaalam ka ng ganito pero pakiusap ko sayo, bago ka manligaw kaibiganin mo muna sya. Kilalanin nyo muna ang isat isa, dahil masarap simulan ang relasyon kung magsisimula kayo bilang magkaibigan." 

Nakukuha ni Gerald kung ano gusto ifigure out ni tito delfin, gusto nya munang mawala ang pader sa pagitan nila. Gusto muna nitong mabuo ang friendship sa kanila ng dalaga at yun ang gagawin nya. Pero paano sya magsisimula kung iniiwasan sya ni Sarah. Kailangan nyang umisip ng paraan para makausap  si Sarah. Malaking tulong ang usapan nilang yun kahit papano naliwanagan sya kung ano dapat nyang gawin. 

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon