confrontation and confession

3.3K 53 6
                                    

February 2012.

20 missed calls. Yan ang tumambad sa kanya ng icheck ang telepono. Alam nya kung sino ang tumatawag at sinadya nya talagang wag sagutin ito. Maghapon syang nakakulong sa study room, gusto nyang maging busy, gusto nyang mawala ang nagpapagulo sa isipan nya- si Gerald. Pitong buwan simula ng manligaw ang binata sa kanya, at pitong buwan na syang tinuturing na prinsesa nito. Hindi na nya mabilang ang mga regalo at sorpresa nito sa kanya. Hindi rin biro ang mga binibigay na regalo ng binata bagamat pinagbabawalan nya itong bumili ng kung ano ano. Sa pitong buwan na yun, mas nakilala nya lalo ang manliligaw. Mas gwapo pa ang kalooban nito kesa sa panlabas na anyo ng binata, at yun ang kinaiinis nya ng araw  na yun. Ayaw man ng utak nya, pero alam ng puso nya na mahal na rin nya si Gerald. Pero nangako sya sa mommy nya, nangako sya  na hihintayin nya mag25 sya bago sya magboyfriend.

“Naku Sarah, yan na nga ba sinasabi ko sayo eh, magisip ka nga! Malamang di ka na naman nagiisip, Sarah Sarah nakakainis ka talaga! “ bulalas nya, kingagalitan nya ang sarili dahil hindi na naman nya nacontrol ang nararamdaman. Kaya nya hindi sinasagot ang tawag nito dahil gusto muna nya itong iwasan, gusto nya ring magisip isip.

“Yan ba nag dahilan kaya di mo sinasagot ang mga tawag ko”.. nagulat man sya sa narinig, alam nya kung sino ang nasa loob ng study room nya. Hindi na nya napansin na may nakapasok na  pala sa kwarto nya.  “ui musta, bat andito ka, baba ka na susunod ako baka ano isipin nila mommy na ginagawa natin” pero hindi sya lumilingon sa gawi ni Gerald, pinagpatuloy kuno ang pagssketch.

“Wala sila mommy mo pumunta sa kaibigan nila, saka ayaw kong umalis dito ng wala man lang kiss from you, ni ayaw mo nga akong harapin, may problema ba baby girl”..

Ayaw nyang ipahalata kay Gerald na hindi sya okay kaya nagpasya syang tumayo at nagbeso sa binata. “O hayan nikiss na kita ha?labas na, punta na sa sala at susunod ako aayusin ko lang mga gamit ko”.. utos nya rito pero hinawakan nito ang kamay nya.

“Kung wala kang problema, at bakit nagkalat ang sketch mo ng mga mukha ni Kim at Bea?..hawak nito ang papel na may sketch niya.

“Akin na yan, masama bang isketch sila?ang gaganda kasi nila” .. habang inaagaw nya ang papel. Si Gerald naman ay lalong itinaas ang hawak nitong papel kaya di maabot ni Sarah.

“Ows? Hindi ako naniniwala na wala lang bakit may mga sketch ka ng mukha nila, ano ba kasi yun baby girl?.” . pilit nito sa kanya. Ilang Segundo din nyang pinilit makuha ang mga papel na hawak ni Gerald pero nabigo sya, tumalikod na lang sya at nagayos ng mga gamit nya para makalabas na sila sa sala. Ayaw din nyang maabutan ng mommy at daddy nya na nasa iisang kwarto dahil ayaw nyang magisip ng masama ang mga ito sa kanila.

“Alam mo, mas maganda ka sa kanila”.. sabi ni Gerald habang tinitingnan ang mga sketch.

“SInabi ng hindi ako maganda eh! Bulag ka ba?,” sigaw nyang sabi kay Gerald. Kahit kelan ayaw nyang sinsasabihan sya ng maganda dahil alam nyang hindi naman talaga sya maganda.

Nagulat man sa pagsigaw na iyon ni Sarah, alam nyang mas magsasabi ito pag naiinis na kaya mas lalo pa nya itong inasar. “Kaw naman talaga pinakamaganda eh, wala pang retoke, natural na natural”..sabay kiliti sa favorite spot nya.

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon