RATED PG

3.2K 55 23
                                    

Naghahanda na si Gerald para sa Star Magic Games. Excited sya para dito, gusto nya uli masungkit ang MVP award na nakuha nya rin sa nakaraang taon ng Star Magic Games. Aside kasi sa pagaartista, isa sa frustration ni Gerald ay maging basketball player, at totoo namang magaling ito. Hindi na rin biro ang mga taong humahanga sa kanya sa husay nya maglaro.

Bago tuluyang umalis, tiningnan nya muna ang tshirt na nasa aparador nya, kinuha nya iyon at niyakap. Tshirt iyon ni Sarah, bago umalis ng Bangkok ay nakiusap sya sa dalaga kung pwedeng mahingi ang lacoste tshirt nya. Bumibilang na kasi ang isang buwan na hiningi ng dalaga sa kanya. Bagamat ugali na nyang nangunguha ng kung anong gamit ng dalaga sa tuwing may out of town sya o ang nobya para hindi nya masyadong mamiss, iba ang sitwasyon ngayon dahil pati komunikasyon ay tinigil na muna ng dalaga kaya sinigurado nyang tinadtad nya ng paboritong pabango ng dalaga ang tshirt na iyon. Enough na sa isang buwan ng pagkamiss nya dito. Nasa akto syang inaamoy ang damit ng biglang..

“Alam mo big bro, hindi aabutin ng isang buwan ang pabango na nakalagay sa tshirt na yan kakasinghot mo”. Turan ng kapatid .

“Ano ka ba, kailangan ko ng lakas para sa game mamaya.Saka hindi ako nagwoworry kasi bumili ako ng D&G kahapon kaya ispray ko nalang pag wala na”. pagyayabang nya sa kapatid.

“Well then good luck sa game mo, MVP again!”.. Cheer ni Ken sa kuya nito.

Gaya nga ng inaasahan, nasungkit nga ni Gerald ang MVP award sa nasabing sportsfest. At as expected ay maraming reporters ang gusto syang mainterview, gusting kunin ang panig nya sa napapabalitang paghinto nya umano ng panunuyo sa dalaga. Naging maingat at matipid ang mga sagot nito.Nabanggit nya rin ang nakaschedule nyang pagalis para dalawin ang tatay sa Egypt at pagpunta na rin sa Israel.

Pagkatapos ng game ay nagpasya syang dalawin ang isang taong mamimiss nya ng sobra..Si Sarah.  Nasa dressing room ito at naghahanda na SarahG Live. Ito rin ang araw kung saan ang mga magulang nito ang guests.

“MVP Ako,” bungad nya dito. Hindi sya nakita ni Sarah dahil abala itong nagkakabisa ng kantang aawitin nya.

Paglingon ni Sarah ay hawak ni Gerald ang MVP medal nito.”Congrats, ang galing mo nga daw. Pero napulikat ka daw?Okay ka na ba?”. may pagaalala sa tinig nito na nakatingin sa paa nya.

Alam ni Gerald iyon,kanina during the game ay tinawagan sya ni Sir Gerrome para kumustahin. Nabasa daw kasi nila sa twitter na napulikat sya at si Sarah mismo nagutos  dito na tawagan at kumustahin. “Okay na po ako, dumaan lang ako dito para ipaalam sayo saka paalis na rin ako bukas paEgypt”

“Ingat ka dun, pakisabi sa daddy mo hi!” matipid na sabi nito.

“Sige good luck sa show mo baby girl, dagdag ka nalang ng isang araw sa 1 month mo kasi di ko matiis na di magpaalam sayo. Bye”. Lumapit ito para halikan ang ulo ng nobya saka aktong lalabas.

“Ge…” tawag ni Sarah.

“po?”. Tiningnan nya ang dako kung saan nakaupo ang dalaga

When I fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon