Napansin kong naghahanda ang mga tauhan sa hacienda. Nakita ko rin si Augustus na abala sa pakikipag-usap sa mga tauhan.
"August!"Tawag ko rito.
Nilingon ako nito't tinanguan lamang bago ibinalik ang tingin sa kausap. Ako na mismo ang lumapit sa kinaroroonan nito.
"Sobrang busy ah? San kayo pupunta?"
"Sa kabilang bundok."
Naghugis "O" ang aking bunganga.
"Kukuha ba ulit kayo ng lumber?"
"Yeah."
"Sama ako!"Na-excite ako bigla sa narinig.
"No, stay here. Delikado para sa mga babaeng katulad mo."Anito't inayos ang saddle ng kabayo bago mabilis na sumampa.
Napasimangot ako sa naging tugon nito.
"Kaya ko naman eh."
"You're so stubborn. Alright, come on."Inilahad nito ang kamay.
Sasampa na rin sana ako sa kabayo pero itinulak ako nito balik pababa.
"Wag dyan. Dito ka sa haharap."
"Hindi ba masagwa tignan?"
"Sino namang titingin sa atin? At sinong magga-guide sa kabayo, hmm? Ikaw?"
"Okay!"
"Tsk, no. Dito ka sa harap kasi malikot ka. Atleast masasalo kita sakaling mahulog ka."
"Okay! Let's go!"
He chuckled.
"Kakaiba talaga ang pagiging energetic mo."
Mga tatlong oras din bago namin narating ang kabilang bundok. Maayos naman ang daan. May iba na matarik kaya kailangan naming bumaba sa kabayo upang maglakad na lamang.
Abala silang lahat sa pagkuha ng mga lumber trees. Ako naman ay nagmasid-masid lamang sa paligid. Ilang metro ang layo ay may napansin akong kumikinang na kung ano.
Sinundan ko ang direksyon. Lumingon ako sa likod. Busy pa rin sila.
"Hey! San ka pupunta?"Si August.
"Dito lang. Iihi!"Pagsisinungaling ko.
"Wag kang masyadong lumayo! Malaki ang gubat!"Sigaw nito.
Gusto ko sanang sabihin na hindi na ako bata. Pero tama naman ito. Mga explorers nga naliligaw, ako pa kaya? Ordinaryong tao lang ako. Wala akong alam sa mga landmarks at kung anu-ano pang bagay. Lalo na pagdating sa siyensya.
Nang marating ko ang sadya ay namangha ako. Ang kumikinang na bagay ay nakabitin sa malaking punong-kahoy. Prutas? Pinagmasdan niya ang puno. Rare.
"Imposible. Bewitched tree or fruit?Dinadaya na yata ako ng mata ko."
Isang paraan lang ang naisip niya upang malaman ang katotohanan. Umakyat sya sa puno. Hindi sya masyadong nahirapan dahil sanay na sya. Ano pa ba? Eh dalagang bukid 'to!
Pilit niyang inaabot ang prutas na kumikinang. Nasa pinakadulo kasi ito ng isa pang sanga. Sa main branch sa nakapatong. Nagtagumpay siyang maabot iyon pero kasabay ang biglaang pagkaputol ng sanga.
Mabilis siyang nahulog habang walang humpay na sumigaw. Mataas pa naman ang puno.
Sa tingin niya'y bali-bali ang buto pero sa kabutihang palad ay di naman ganoon kalala. Pakiramdam niya'y nadapa lang sya. Para siyang nahilo. Nagtaka siya kung bakit medyo matagal bago siya bumagsak sa lupa. Eh ang bilis ng kanyang pagbagsak?
"Aray..."Natigil siya sa pagdaing nang may mga paa ng kabayo ang tumigil sa kanyang harapan.
Teka... Paanong napunta ang mga kabayo dito?
Tumingala ako't nakita kung sino ang sakay niyon
"August?"
Inilahad ko ang kamay rito sa pag-aakalang tutulungan ako nito sa pagtayo.
Pero sa saking pagkagulat ay naglabas ito ng sandata at itinutok sa akin. Don't get me wrong. Baka ibang sandata iniisip nyo. Totoong sandata po ang itinutok sa akin!
"Saang lupalop ka nanggaling, nilalang?"
Doon ko na napansin ang suot nito. Iyong damit sa sinaunang panahon ng mga mandirigma?
"Bakit ka nagpalit ng damit? Bagong style?"
"Sino ka?"Anito sa maawtoridad na boses.
Natawa ako.
"Ano bang trip mo—"Natikom ko ang bibig dahil mas lalong inilapit nito ang sandata.
Hinawakan ko ang gilid niyon. Aba matalim! Totoong espada 'to!
"Sagutin mo ang tanong sayo ng mahal na prinsipe, lapastangan!"Sabi naman ng lalakeng kasama nito, lulan din ng kabayo.
"Bakit ganyan ang iyong kasuotan?Sa aling tribu ang iyong pinanggalingan?"
"H-Ha?"Namangha ako. Anong nangyayari? Kasama ko ang mga ito kanina.
Umalis lang naman siya upang kunin ang kumikinang na... Tinignan na ang hawak.
Nalaglag ang panga niya pagkakita sa kung ano ang hawak.
"ISANG KAWATAN!"
Nataranta siya nang bumaba ang mga kasama nito't dinampot siya.
"T-Teka! Hin...di! Wala akong—Di ako kawatan! August!"
Naiiyak siya sa nangyayari.
"Anong trip 'to? Hindi nakakatuwa!"
Bakit ganito ang pananamit ng mga kasama niya kanina? Pati ang tunog sa pagsasalita ay nag-iba. At higit sa lahat, bakit hindi siya nakilala?! Anong nangyayari?!
To be cont.➡
Dahil mahal ko si noname0916 ay nag update ako😘
BINABASA MO ANG
Psyche's Fairytale (Currently Updating)
FantasyEverything seems like a dream. I am just ordinary, far from a princess. In love with a prince. Into the woods, there lies a mystery. This discovery is my FANTASY.