Chapter 3

93 9 12
                                    

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng biglang parang mas lalong bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa huminto na nga.

Bumaba si August upang i check ang gulong.

"Fvck!"

Naalarma ako nang marinig na nagmura ito.

"Bakit anong nangyari? Ay hala! Flat?!"

Flat yung gulong sa likurang bahagi. At dalawa pa!

"Those brats..."Nanggigigil na anas nito.

"Ha?"

"Nothing. Mag-abang nalang tayo. I'm sure may dadaan pa dito."

"Eh mag-aalas dyes na ng gabi?"Nasabi ko nalnang.

"Alam ko."

Umingos ako. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Ito lang kasi ang main road papuntang Hacienda. Eh sino pa bang lapastangan ang dadaan dito? Eh teritoryo nila 'to!

Habang naghihintay ay hindi maiiwasang mapahikab ako dahil antok na antok na talaga ako.

"Let's go."Maya-maya'y wika nito.

"Ha?"

"Maglalakad nalang tayo. Let's take the short cut."

"Saan? Dun sa may ilog?!"

"Saan pa ba?"

"Yoko uy! Bala ka sa buhay mo!"Sabi ko sabay talikod rito at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Sige. Bahala ka sa buhay mo."Anito.

Nakipagmatigasan ako. Pero ang maginoo, nauna na pong naglakad.

"Uy! Sandali señorito! Maghintay nalang tayo!"

"No way. Aabutin tayo ng madaling araw."

Patuloy pa rin ito sa paglalakad. Ako naman ay nagkandarapa sa pagsunod rito.

"Tawagan mo kaya sila no!"I rolled my eyes.

"I don't have a phone."

"Anooooo?!"

Hanggang ngayon ba naman? Hindi nya ba alam na importante ang cellphone in case of emergency. Just like this?

Sinuong na namin ang makapal na kagubatan. Pinatili ko pa rin ang distansya sa aming dalawa. Nakasunod lamang ako sa kanya. Ngunit...

*Meow!*

"Ay pusang gala!"Napatalon ako sa likod nito.

"Aw! Hey! What are you doing?"

"May pusa!"

"So?"

"Takot ako."Mas humigpit ang hawak ko sa balikat nito.

"Tss. Ang oa mo. Para kang tarsier dyan."

Hinawakan nito ang magkabilang hita ko. Akala ko ibaba na ko eh. Inayos lang pala pwesto ko sa likod nito.

"Ayusin. Kapag ako nasakal... itatapon talaga kita."

Mabilis na tango ang naging tugon ko.

May narinig na akong lagaslas ng tubig. Binaba na ako nito dahil tatawid kami sa ilog.

Wala kaming dalang flashlight. Diba napaka girls and boys scout namin?😑

Nagpasalin-salin kami sa bato. Nakaalalay pa rin ito.

"Ah!"Hiyaw ko ng dumulas ang paa.

Maagap naman akong nahawakan nito.

"Careful, it's slippery."

Psyche's Fairytale (Currently Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon