"Uy Psyche! Pakihatid 'to sa student council room."Sabay hagis sa akin ng isang brown envelope,"Proposal yan para sa darating na Sport's Fest."
Tumakbo ito paalis.
"Teka!"
"Thanks!"She waved goodbye.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang hinatid ito ng tingin. Kumapit ito sa braso ng lalakeng naghihintay rito sa may pasilyo.
Buti pa kayo. Inuuna ang landi.
Kumatok ako sa student council room.
"Bukas yan."
Pinihit ko ang seradura ang sumilip sa pinto. Walang tao sa loob maliban kay Señorito. Seryoso ang mukha nito habang nakaharap sa laptop.
"August."Tawag niya rito.
Bahagya lang nitong itinaas ang ulo upang tingnan siya.
"Didn't I tell you not to talk to me when where at school?"
He sound so annoyed.
Umasim ang mukha ko sa narinig.
"Napag-utusan lang. Grabe."Inilahad ko rito ang envelope. Di nito tinanggap iyon hanggang naramdaman ko ang pangangalay.
Lintek na lalakeng 'to! Ansama ng ugali.
Nilapag ko nalang sa table.
"Buti naisip mo."Biglang sabi nito.
"Huh?"
"Akala ko hanggang bukas ka tatayo sa harap ko."
Inis na tiningnan niya ito at umikot sa table.
"Ano bang ginagawa mo at di mo mabitawan?"
Sumilip siya mula sa likuran nito. Matangkad ito kaya halos magkalevel lang sila kahit nakaupo ito.
"Uy! Marunong ka pala dyan? Astig."
"This is called photoshop."
"Alam ko."
"Really?"He asked grinning.
Bigla itong lumingon. Bahagya akong nagulat sa lapit ng mukha naman sa isa't-isa. Unti-unting nabura ang ngiti nito at naging seryoso ang ekspresyon.
Yung puso ko biglang hindi mapakali! Lalo na nung nagkatitigan sila.Dahan-dahan akong lumayo rito at patay malisyang nagkibit-balikat.
"Huh! Baka nakakalimutan mo, Vice President ako sa Arts Club."Pagyayabang ko naman at pinagkrus ang mga braso sa dibdiib.
Tumaas ang gilid ng labi nito.
"You probably don't even know how to use lasso tool."
Lasso? Lace?
"Sus! Ang dali-dali lang nun!Gusto mo gawan pa kita?"
"Gagawan mo ko? Ng alin?"
"Yung lasso."
Bahagya itong natawa.
"Okay, go ahead. Impress me, my strong-willed servant."
"Aye, milord."Nagbow pa sana ako kaso nauntog ako sa upuan nito,"Ah! Aray..."
Nasapo ko ang noong napuruhan.
"Antanga mo. Alis na nga."Pagtataboy nito sa akin.
"Hindi mo lang ba titingnan ang noo ko?"I murmured.
"What?"
"Wala. Sabi ko, aalis na ako."Parang kailangan ko rin sapuin ang puso ko. Sumakit din yata.
Huminto ako sa paglalakad nang may maalala. Napansin iyon ni August.
"What? May sasabihin ka pa?"
"Uhm, sinabi ni Señor na sasama daw ako papuntang Bourbon Island..."
"Oh tapos?"He asked impatiently.
"Okay lang ba?"
Tumaas ang kilay nito.
"Of course. Why?"
"Wala. Naisip ko lang kasi na family gathering yun. Exclusive lang--."
"YOU are family. And besides, we might need an extra hand... to carry our baggages."He said, smirking.
Hindi ko mapigilang umirap sa harap nito.
"Sa tingin ko ay namimihasa ka na. Una, sinagot-sagot mo na ako. Pangalawa, di kana sumunod sa mga bilin ko. Pangatlo, iniirapan mo na ako ngayon? Sino bang pinagyayabang mo?"
"Si Morpheus."Diretsyong saad ko.
"Alright. Get out."
BINABASA MO ANG
Psyche's Fairytale (Currently Updating)
FantasíaEverything seems like a dream. I am just ordinary, far from a princess. In love with a prince. Into the woods, there lies a mystery. This discovery is my FANTASY.