Chapter 4.1

83 11 2
                                    

Inagaw ng kasama ni Augustus—the ancient type, ang hawak-hawak ko. Akmang kukunin ko ito pabalik pero tinulak ako nito ng malakas. Kaya napasubsob ako sa lupa... Nagtaka ako kung bakit malamig ang binagsakan ko. Nakaramdam ng sobrang lamig ng mga kamay ko. Nakakapaso.

Niyebe?! Kailan pa nagkaroon ng snow sa Pilipinas? Tropical country dito eh.

Hindi pa man ako nakakatayo ay may mga yabag na naman ng kabayo paparating.

"Pakawalan mo sya!"

Morpheus?! OMG. Mukha itong bandido. Ginulo ko ang buhok ko, sabay pikit ng mariin. 

"Hindi ito totoo. Okay, Psyche gumising ka! Gising. Gising... Ah!"Napasigaw ako nang may humablot sa aking braso ng marahas.

"Sinasabi ko na nga ba't tao mo ito."Bumaling sa akin si Augustus."At may lakas ka pa talaga ng loob para sabihing di ka magnanakaw?"

"Hindi talaga! Swear!Peksman.Mamatay man si Batman."

Kumunot ang noo nito.

"Wag mo akong pinagloloko. Ngayon, oras na para sa iyong kaparusahan!"Itinaas nito ang hawak na sandata.

"Anong gagawin mo, Augustus?!"Nanlalaki ang mga matang tanong ko.

Napatigil ito. Tinitigan ako.

"Kilala mo ko?"Binalingan nito sina Morpheus."Sino kayo?"

Tinuro ako ni Morpheus. Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng mga labi ng katabi ko.

"Lapit ka't subukan mong kunin siya kung ganoon!"

Sa isang iglap ay may lumipad na pana at tumama iyon sa dibdib ng isa sa mga kasama ni Augustus. Nagimbal ako sa nakita. OMG, sa palabas ko lang ito nakikita. Baon na baon ang pana sa dibdib ng naturang lalake. Mabilis na kumalat ang dugo nito sa niyebe, na ngayoý naging pula na imbes na kulay puti.

Mabilis ang pangyayari, hanggang sa namalayan ko na lang na dalawa na lang kami ni Augustus na naiwang nakatayo sa bahaging iyon.

Agresibong lumapit ang mga bandido't hinila si Augustus. Nakita kong sinubukang lumaban ng huli pero nabigo lamang ito.

"Paalam mahal na prinsipe..."Sabi ni Morpheus na may hawak na espada.

Teka? Papatayin nya talaga? Magpinsan sila! Kahit panaginip lang ito, hindi ko kayang  masaksihan ang kamatayan ni senyorito!

Kahit sobrang lamig ay hinubog ko ang niyebe ng pabilog sabay bato ng malakas kay Morpheus. Sapol ito sa mukha. Matalim ang mga matang bumaling ito sa akin.

"Sorry! But you can't kill your own cousin."Humakbang ito palapit sa kinaroroonan ko. Galit na galit."Uhm... Just saying!"

"Hulihin nyo sya!"

Agad namang tumalima ang mga kasama nito't hinawakan ako sa magkabilang braso.

Whaaaat? Not again. Dejavu? Kanina lang, nangyari na ito ah. Kinaladkad ako ng dalawang lalake na mukhang orangutan!

"Aray ha?! Dahan-dahan naman!"Nagulat ako nang makatanggap ako ng malakas na sampal.

"Tumahimik ka!"

Inipon ko ang buong lakas at kumawala sa mga ito sabay sipa. Tumilapon ang dalawang lalake. Ako rin mismo ay nagulat. Sa sobrang lakas ko, nagmistulang papel ang mga ito.

"Wtf?San galing yun?"Bulalas ko.



Psyche's Fairytale (Currently Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon