Nasa labas si Psyche habang ang iba ay nasa loob ng cabin. Dinig na dinig sa labas ang tawanan ng mga ito. Ang dalaga naman ay abala sa pagtingin-tingin sa mga wild flowers sa paligid.
"You like flowers?"
Napalundag siya nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran. Malapit sa kanyang batok. Randam niya ang kiliti na hatid ng hininga nito kaya basta nalang siyang napaatras.
"Ah, oo."Dumistansya siya sa lalake.
Kung hindi siya nagkakamali ay kaibigan ito ni Rodytte.
"Me too."Anito sa mapang-akit na boses at tinawid ang naiwang distansya sa pagitan nila.
Sa kanyang muling pag-atras ay sakto namang may puno sa likod. Kaya hanggang doon na lamang siya.
"Uhh, ha-ha. P-Pareho pala tayo..."Nauutal na tugon niya. Hindi siya kumportable sa presensya nito.
"Mmm."Tinukod nito ang isang braso sa puno habang ang isa'y pinaglalaruan ang kanyang buhok.
Napalunok siya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito. Hindi na niya natagalan ang ganoong posisyon kaya tinulak niya ito ng marahan. Pero hindi ito nagpatinag sa kinatatayuan.
"Do you know me?"
"Hindi."
"I'm Zhao Rand. The successor of Rand Enterprise. And girls don't reject me like what you're doing right now. This offends me."Anito habang nakatitig sa kanyang mga mata.Mayroon itong pares ng mata na sobrang tapang ang dating. Badboy. Napalunok ulit siya.
"S-Sorry..."Nasabi nalang niya.
"Mmm."Tanging tugon nito bago inilapit ang labi sa kanyang tenga,"And do you know what happens when I'm offended?"Umiling siya.
"I get mad."Bulong nito.
Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon kaya sobrang kaba at takot ang naramdaman niya sa sandaling iyon.
"And do you know what happens when I get mad?"Bulong ulit nito.
Sa pagkakataong yun ay hinawakan nito ang kanyang pisngi. Napakislot siya.
Pumikit siya ng mariin bago nagsalita.
"Please, lumayo ka sa akin."
"Oh? You don't want me?"
Tinulak niya ito ng malakas. This time, nagtagumpay siya.
Nakita niya ang pagkagat nito sa labi. Tila nagtitimpi.
"ZHAO!"
Sabay silang napalingon sa tumawag. Nanggaling iyon sa taas--sa bintana ng cabin. May isang lalake na hindi pamilyar sa kanya. Katabi nito si Rodytte. Tinignan niya ang huli at humingi ng saklolo. Ngunit, tinalikuran lang siya nito.
"Hindi ba umepek karisma mo kay Miss Beyutipul Yaya of all town?"Anang lalake na kaibigan rin ni Rodytte.
"Shut up, Friedrich. I haven't even started yet."
Tinignan niya ng masama yung Zhao. Ngumisi lamang ito sa kanya.
"Well, good luck!"Narinig pa niyang sigaw nung lalake sa bintana bago umalis.
Napalinga-linga siya sa paligid.
Nasaan ka na ba, Martis? Hindi mapakaling saad niya sa isip.
"Looking for your bestfriend? He left awhile ago along with his cousins."
Kumunot ang noo niya sa narinig.
"Ah, ganun ba? Sige, thank you. Babalik na rin ako dun sa villa."Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya nito sa braso.
"Not so fast, baby."
"Ano ba?!"Piksi niya mula rito.
"Come on, let's have some li'l fun."Hinila siya nito mula sa batok at hindi niya inasahan ang biglaang paghalik nito sa kanya.
"Bitiwan mo ko, gago!"Tinuhod niya ito pero mabilis nitong naharang iyon gamit ang kamay.
Dahil doon ay malaya siya nitong nahawakan at hinila ang kanyang binti papalapit rito ng husto.
"Oops! Caught it."He grinned sheepishly.
Kung ang lalake ay nag-eenjoy sa nangyayari ay kabaliktaran iyon sa nararamdaman ng dalaga. Takot na takot na ito sa sandaling iyon. Kung sisigaw naman siya ay pagtatawanan lang siya ng kaibigan ni Rodytte at ilan sa mga pinsan nito. Sasabihing maarte siya dahil katulong nga lang siya.
"Ano bang trip mo? Naubusan ka na ba ng babae?!"Anang dalaga na pilit kumakawala.
"Let just say, I want to try other delicacy. I'm curious how the natives taste like."
"Siraulo kang manyak ka!"Wala na siyang ibang naisip na paraan. H-in-ead bang niya ang binata.
Sa wakas ay malaya na siya sa hawak nito. Agad siyang kumaripas ng takbo.
"HEY!"Narinig pa niyang tawag nito.
Walang lingon-lingon na patuloy niyang tinahak ang masukal na daan. Malakas ang tahip ng kanyang dibdib.
Masakit ang kanyang noo pero hindi na niya iyon ininda. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay makalayo ng husto mula sa bastos na lalake.
Sa di kalayuan ay may napansin siyang kumikinang. Sa pag-aakalang ang bubong iyon ng villa ay nagmamadaling tinungo niya ang direksyon.
Kung saan malapit na siya'y doon naman siya nadapa. Nahampas ang kanyang mukha sa lupa.
"Ah! Ugh..."
Napahiga siya sa lupa at pilit ininda ang sakit sa buong katawan. Napatitig siya sa kalangitan. Doon na niya napansin na makulimlim na pala ang langit. Tila may nagbabadyang malakas na ulan. Mas lalo siyang nataranta at kinabahan.
Agad siyang tumayo habang hinihingal ng husto. Ngunit sa kanyang pagkadismaya ay napagtanto niyang naliligaw na pala siya.
"Patay. Ngayon pa naman ang alis namin. Psyche naman, bakit ba ang tanga mo?"Naiiyak na tanong niya sa sarili.
Kanina pa siya takbo ng takbo kaya hindi niya napansing patungo siya sa pusod ng kagubatan.
Hapong-hapo siyang humilig sa puno. Doon niya nakita ulit ang kumikinang na bagay.
Kumunot ang kanyang noo. May naalala siya.
Teka... Nakita ko na 'to dati sa panaginip ko.
"Nanaginip na naman ba ako?"Kinirot niya ang sugat sa tuhod at napahiyaw siya sa hapdi,"Shit! Bakit ko ba ginawa yun? Ang tanga. Ang tanga-tanga."
Ganoon pa rin ang itsura ng naturang bagay. Ang kaibahan lang ay wala ito sa malayong parte ng puno. At dahil kaya niya iyong abutin ay ginawa niya. Sa sandaling lumapat ang kanyang kamay roon ay biglang nakaramdam siya ng sobrang lamig.
Akala niya minumulto siya ngunit...
Pagtingin niya sa paligid ay puno na iyon ng puting nyebe! May nakita siyang bakas ng dugo...at walang buhay na tao!
Nanlaki ang kanyang mata at nabitawan ang hawak.
"N-Nasaan ako?"Nanginginig ang mga labing saad niya.
"Andito ka lang pala. Napagod ka na sa kakatakbo magnanakaw?"
Nilingon niya ang nagsalita.
"Zhao?"Halos hindi iyon namutawi sa kanyang bibig.
Kamukha kasi nito si Zhao. Ang binata na kanina'y pilit niyang tinatakasan. Ang tanging kaibahan lang ay iba ang kasuotan nito at may hawak na espada.
Hindi. Panaginip lamang ito. Gumising ka, Psyche! GISING!
Nagtangka itong saksakin siya kaya syempre umilag siya. Nagtaka siya dahil humapdi ang kanyang braso. Pagtingin niya ay may hiwa iyon at dumurugo! Napasinghap siya ng marahas.
"Kung gusto mo pang mabuhay ay ibalik mo sa amin ang iyong ninakaw!"
Nagimbal siya ng husto nang ituon nito sa kanyang mukha ang talim ng espada. Nanlambot ang kanyang tuhod sa takot at malayang bumagsak siya sa nyebe.
"Anong... nangyayari?"Naguguluhang saad niya kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Nanginginig sa takot.
BINABASA MO ANG
Psyche's Fairytale (Currently Updating)
FantasyEverything seems like a dream. I am just ordinary, far from a princess. In love with a prince. Into the woods, there lies a mystery. This discovery is my FANTASY.