Chapter 11

44 8 0
                                    

"Ikalawang gabi na namin ngayon dito sa isla. Bukas ng gabi ay uuwi na rin kami. Masaya naman po."Sagot ni Psyche sa ina nitong tumawag alas-sais ng gabi.

"Hindi ka ba inaapi dyan ate!"Narinig niyang sigaw ng kapatid.

Natawa na lamang siya at napailing.

"Sa tingin mo ba kaya nila akong apihin? Subukan lang nila. Huh!"Pagyayabang naman niya.

"Buti naman. O, anong gayak ninyo ngayong gabi?"

"Night swimming daw eh."

"Night swimming ba kamo? Kaya ba na sa mga tigulang na inday? Amping mo gabie na."

She smiled.

"Syempre, yung mga youngters ang nagplano niyan. Yung mga tanda dito lang sa villa. Kwentuhan. Alangan naman sumali ako sa kanila? Eh, amboring nun."

"O sya, sya. Basta mag-ingat. Marunong ka naman lumangoy kaya nakuhaan gamay akong kabalaka."

"Opo mahal na ina. Di po ako magiging pabaya."

"At alam ko maraming gwapo dyan pero anak, wag kang magpapabuntis ha? Naku! Magsisisi ka. Aanhin mo ang gwapo kung di ka pananagutan? Maghihirap--"

"Opo ma. Di naman ako ganun eh."Napahilot si Psyche sa noo sa narinig.

"Mabuti ng nakakasiguro, anak. Layuan mo ang tukso
"
"Tukso... Eh wasak na nga ng puso ko. Lalandi pa ba ako?"Bulong niya.

"Ha?! Ano? Di kita marinig anak. Ang hina ng boses mo! Sasha, lika nga rito! Mukhang wala na namang signal! Di ko marinig sinasabi ng ate mo!"

"Ma, hindi naman ako ang may hawak sa signal? Di yan lalakas kahit lumapit pako dyan!"

"Ikaw na bata ka! Pilosopa ka! Lika rito at malilintikan ka sa akin!"

"Hello ma? Hello? Mama!"

Biglang narinig niya ang pagkaputol ng linya.

"Ma!"Ibinaba niya ang cellphone,"May sasabihin pa sana ako eh..."

May kumatok sa kanyang pintuan. Tinungo niya iyon at binuksan.

"Are you ready?"Bumaba ang tingin nito sa kanyang suot,"Ano ka ba? Maliligo o matutulog?"

Nakasuot siya ng puruntong at puting t-shirt.

"Ganito naman ang suot ko kapag naliligo ako sa ilog. Anong masama?"

"Wala kang bathing suit, mga ganun?"

"Yung binili ni senyora?! Naku! Ayaw ko nun. Mukha akong ano..."

"Ano?"

"Basta!"Napakamot siya sa siko.

"Ano nga?"

"Ang kulit mo!"

"Ano nga? Ikaw nga eh. Anong tawag dyan sa suot mo?"

"Swimming trunks."He smiled,"Dali na suotin mo na yun. Maganda ka dun."

"Teka nga. Paano mo alam na may bathing suit ako?"Nakapameywang na tanong niya.

"Sinabi mo kanina. Binilhan ka ni mommy."

"Sinabi ko?"

"Yep. And I trust my mom. She wouldn't buy anything that is not appropriate at your age."

"Wow, kung makapagsalita parang hindi ka-edad!"

He chuckled.

"Bilis na naghihintay na sila. Sige ka, grand entrance ka mamaya."

Psyche's Fairytale (Currently Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon