Hindi namalayan ng dalaga ang mabilis na paglipas ang mga araw, linggo at buwan. Patuloy pa rin si Psyche sa pagturo ng Ingles sa mga nasasakupan ng kaharian. Sa tingin nga niya ay sobrang galing na niya sa nasabing wika.
Mabilis naman natuto ang mga ito kaya hindi siya nahirapan. Marami pa siyang itinuro sa mga ito lalo na yung natutunan niya sa TLE.
Maayos naman ang lahat. Hanggang isang araw ay napagtanto niyang ang tagal na pala ng inilagi niya sa mundong iyon.
It's all new and weird at the same time.
Kasama niya si August ngunit ang ugali'y ala Morpheus. Dakilang snob. Isa ito sa tinuruan niya ng wikang ingles. May one-on-one session sila tuwing Linggo. Ngayon ay matatas na ito sa naturang wika. Hindi nga lang sila masyadong magkasundo. Ang hirap din kasi. Prinsipe ito. Samantalang siya ay hamak na...estrangherong naging guro?
Minsan naiisip din niya ang bandido na kamukha ni Morpheus.
Nasaan na kaya siya?
Kasalukuyan siyang nasa talahiban habang nagmuni-muni. Nakatingin siya sa langit at aliw na aliw sa mga ulap na malayang gumagalaw.
Maya-maya'y biglang may narinig siyang mga yapak ng kabayo. Sumilip siya sa paligid. Nang makita ang prinsipe ay tumayo siya.
Nagkatitigan sila sandali hanggang sa lamunin na ito ng mayayabong na halaman sa direksyong tinatahak nito.
Huminga siya ng malalim.
"Ano ka ba, Psyche? He's different. Sa mundo mo man o sa mundo niya. Di mo siya abot."Malungkot na saad niya.
Nagulat siya nang may nagtakip ng kanyang bigbig. Nagpumiglas na lamang siya dahil hindi siya makasigaw.
Gagamitin na sana niya ang kapangyarihan ng rune ngunit biglang lumabo at nagdilim ang paligid.
Nagising siya isang silid na pinailawan ng torch sa bawat sulok. Aalis sana siya sa higaan ngunit napaupo siya pabalik. Napag-alaman niyang nakatali ang kanyang isang kamay sa headboard.
"Tulong!"Sigaw niya.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang royal guards.
He then draw his sword and leveled it on my neck.
"A-Anong naging kasalanan ko?"
"Nandito na ang mahal na reyna! Ipakita ang inyong paggalang!"Sigaw naman nung gwardiya sa labas ng naturang silid.
Yumuko ang lahat.
Dahan-dahan ang mga hakbang na pumasok ang babaeng may suot na pulang tabing sa mukha.
"Kumusta, Saike. Nais kitang makausap ng masinsinan."
Ang kanyang paraan ng pananalita ay nagpanindig ng kanyang balahibo. Malumanay pero mapanganib.
"Okay, sure. Kalasan niyo muna ako."
Nakita niya ang pagyuko nito na mapanuyang ngiti sa labi.
"Hindi maaari. Ang taling iyan ay may basbas ng isang salamangkero. Iyang lamang ang tanging makakapigil sa iyo mula sa paggamit ng iyong kapangyarihan."
"Scared?"She mocked.
Nag-iba ang timpla nito sa mukha.
"Hindi. Kahit katiting."
Maang na napatingin siya rito. Naintindihan niya ako?
"Surprise? Nabasa ko lahat ng ginawa mong pagsalin sa aming karaniwang lenggwahe. Impressive. I'm now good at it. Ngayon naintindihan na namin kung ano ang nakasulat sa aklat ng aming mga kalaban. Ngunit may narinig akong pinamahagi mo ang iyong kaalaman sa labas ng aking kaharian. Kaya mula ngayon ay dito ka lang sa silid na ito. Keep making books of translation."
BINABASA MO ANG
Psyche's Fairytale (Currently Updating)
FantasíaEverything seems like a dream. I am just ordinary, far from a princess. In love with a prince. Into the woods, there lies a mystery. This discovery is my FANTASY.