Nanlaki ang mga mata ni Saikè sa nasaksihang pangyayari. Napaatras siya sa pagkagimbal. They just beheaded the King Asura. Ngunit sa kanyang pag-atras ay nakaapak siya ng sanga ng kahoy. Lumikha iyon ng ingay dahilan upang mapalingon ang mga ito sa gawi niya.
Napasinghap siya nang magkatitigan sila ng mamamatay-tao.
"Seize her!"
Agad naman siyang tumakbo paalis.
Kung magpapatuloy 'to talagang di na siya makakabalik sa kanyang pinagmulan.
Bigla siyang nabuwal at nagpagulong-gulong pababa sa masukal na bahagi ng bundok. Napaungol siya sa sakit. Nang silipin niya ang hita ay may malaking hiwa roon. Ang kanyang braso't binti ay puno rin ng maliliit na sugat.
Huminga siya ng malalim at tumayo.
"Ah!"Sigaw niya nang may maramdamang matalim na bagay ang tumama sa kanyang balikat.
Napaluhod siya sa bigla at hapdi. Nakagat niya ang ibabang labi.
Sobrang sakit! Ugh.
"Ayun siya! Bilisan nyo!"
Hilam sa luha ang mga matang sinikap niyang tumakas sa mga humahabol. Ilang beses din siyang nadapa pero pinilit niyang bumangon. Kahit dukutin pa niya ang matigas na lupa kung saan sa bumagsak ay gagawin niya. Makatayo lang siya.
Ngunit hindi niya akalain sa dulo ng kanyang tinungong direksyon ay isang bangin! Napasinghap siya sa kaba nang kamuntik na siyang dumiretso sa pagtalon.
Lumingon siya sa likod. Narinig niya ang tunog ng pagkabali ng mga sanga sa di kalayuan. Hinahabol pa rin siya ng mga ito.
Wala na siyang naisip na ibang paraan. Pagtingin niya sa baba ay may rumaragasang tubig mula sa malaking talon. Ang hindi lang siya sigurado ay kung gaano iyon kalalim. Hindi niya alam kung mabubuhay pa ba siya pagkatapos niyang tumalon.
Nanginginig na ang kanyang binti at buong katawan sa takot.
What should I do, Lord? Naiiyak na tanong niya sa kanyang isipan.
"Bilis! Bilis!"
Nang marinig niya ang mga salitang iyon at nataranta siya. Napagdesisyunan niyang tumalon na lamang. Pikit-matang inihanda niya ang sarili. Ngunit hindi pa man siya nakakatalon ay may tumama sa kanyang likod. Dahilan upang mapabuga siya ng dugo. Kasunod niyon ay naramdaman niyang gumaan ang kanyang katawan at dahan-dahang nahulog.
BINABASA MO ANG
Psyche's Fairytale (Currently Updating)
FantasyEverything seems like a dream. I am just ordinary, far from a princess. In love with a prince. Into the woods, there lies a mystery. This discovery is my FANTASY.