Chapter 7

43 6 0
                                    

Isang araw pauwi na ako sa bahay nang makita ko si Morpheus. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataong mag-usap nung isang gabi sa hapunan. Bigla kasi itong nawala pagkatapos ng hapunan.

"Morpheus!"Tawag ko rito habang patakbong lumapit. Nakahilig ito sa puno ng mangga.

"Hi, Psyche."

"May hinihintay ka?"Tanong ko sabay palinga-linga sa paligid.

"Ah yep. We're going hunting."Nakangiting sagot nito.

Siniko niya ang kausap.

"Naks! Sosyalan ka na magsalita ah. Di ka na ma-reach!"

Tumawa ito tsaka ginulo ang kanyang buhok.

"Palabiro ka pa rin. Haha. Nasanay lang ako sa Manila. Most of them are foreigners."

"Ah kaya pala."Tumatangong saad ko,"Siyanga pala--"

"MORPH!"Tawag ng kung sino

Nilingon namin ang pinanggalingan. Isang grupo ng kabataan. Mga dayo.

"Sorry but I have to go. Bye!"

Walang nagawa si Psyche kung hindi ang tanawin na lamang ang likod ng binata.

"Pfft."

Nakarinig siya ng mahinang halakhak sa kanyang likuran.

"Martis?"

"Oops sorry! Ha-ha."

"Inaasar mo ba ako?"

"Hindi. Hindi ah."

"Eh ano? Nakalunok ka ba ng hanging tumatawa?"

"In english? Laughing wind? HAHAHAHA!Dabest ka talaga sa pagpapatawa."

"Ikaw lang naman tung tawang-tawa. Siraulo. Basta yung ano... laughing...chuchu"

"Laughing ano?"anitong natatawa pa rin

"Laughing..."sandali siyang nag-isip,"...laughing gas!"

Tumawa na naman ito ng malakas.

"Yan! Mag-aral ka kasi ng mabuti. Kakaisip mo kay Morpheus eh!"

Bigla siyang nalungkot ng bahagyang banggitin nito ang pangalan ng huli. Hinatid niya sa tanaw ang sasakyan kung saan lulan ang naturang lalake kasama ang mga barkada nito.

"Oh, tama na yang self pity. Pinapasundo ka nga pala ni Uncle. He has something important to tell you."

FLAVIUS MANSION...

Nakangiting sinalubong ako ng senyor at senyora. Doon kami umupo sa balcony dahil maaliwalas at presko ang hanging hatid ng malaking hardin sa bakuran. Nandoon din si Rodytte, sumisimsim ng pineapple juice.

"Hija, kaarawan ng aking kapatid sa darating na Sabado. Dahil wala ka rin namang pasok, naisipan naming isama ka. Makapag-unwind ka naman minsan."Anang senyor.

"Don't worry about the plane ticket. We'll cover it for you. Okay?"Dagdag pa ng senyora.

"P-Po?"Nautal ako sa narinig. Totoo ba 'to? Makakasakay na ba ako ng eroplano?

"Why do you even bother acting like you're surprise to hear this nonsense? Aren't you expecting this to begin with?"Pairap na saad ni Rodytte.

"Odytte!"Sita ng senyor rito.

Sarap awayin nitong si Rodytte, eh. Nakakainis!

"It's okay, dad. I think she doesn't understand english naman eh. Oh wait! Sorry, I forgot. You're studying at the most prestigious school nga pala. Same as with us. Enjoying the privileges? Well, enjoy it while it lasts!"

"Tama na yan, Rodytte Selene Flavius!"Sabi ng senyor sa matigas na boses.

Kahit papaano, tumahimik naman si Rodytte at di na nagsalita pa. Habang patuloy naman sa pangungumbinsi ang senyora sa akin.

"Okay lang po sa akin,"nakangiting saad ko. Hindi maikubli ang galak sa mga mata. Bumaling ako kay Rodytte.

"What?"Asik nito.

"Okay lang ba? I mean, okay lang ba sayo?"

"As if!"Umirap ito at umalis.

Naramdaman ko ang paglapat ng malambot na kamay sa akong braso.

"Hayaan mo na si Odytte, hija. Pagpasensyahan mo na. Bugnutin kasi."

"Sus, okay lang po yun. Sanay na ako. Wa epek na po."

"So, are you excited?"

"Opo!Excited na po akong sumakay ng eroplano!"Kinikilig na saad ko.

Nagkatinginan ang mga ito sabay tawa na para bang may narinig na katuwa-tuwa.

Psyche's Fairytale (Currently Updating)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon