" Grabi naman yong ginawa mo kay Tina, Kaori. Napahiya talaga siya sa lahat." May himig Na pagkabahala sa boses ni Mori." Tumigil ka nga Mori, bagay lang yon sa kanya. Nakita niyo ba ang mukha niya kanina? Parang gusto na niyang mamatay sa hiya. Nakakatawa! " Ani Kaori habang naghuhugas ng kamay.
" Paano kung magpakamatay nga siya? Kasalanan pa natin yon."
" Pwede ba Mori wag kang OA? Don't tell us na naaawa ka na sa pangit na yon?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kira.
" Hindi naman sa ganon, pero kasi sumubra ata yong ginawa natin sa kanya kanina. Nalaman tuloy ng lahat na anak siya sa labas. "
" Eh ano? Wala Na akong pakialam kung anong gagawin niya. At saka Totoo naman talaga yon. Kasalanan niya at ako ang binangga niya. Sinabi ko naman sa kanyang wag masyadong magmagaling pero hindi siya nakinig. Kulang pa nga yong ginawa natin eh."
" At saka teka nga Mori, kumakampi ka na ba sa ulikbang yon? Alam mo namang ayaw namin ng traydor. "
" Naku hindi ah! Sa inyo pa rin ako kampi. " Kinakabahang sagot ni Mori na inayos ang salamin sa mata.
" Girls! Wag niyo ngang takutin si Mori. Baka maiyak yan. Ok Mori, sabihin nalang natin na amanos na kami. Siguro naman eh magtatanda na siya. At kung ayaw mong matulad sa kanya, wag ka nang magsalita pa. Maganda ang mood ko ngayon eh. Gets?! "
Napatango naman si Mori at napasunod nalang sa tatlo Na lumabas ng CR.
Samantala ay napaiyak naman si Tina sa loob ng isang cubicle. Narinig niya lahat ng pinag-uusapan ng apat na kaklase.
Bagong salta pa lang siya sa Ashton Manor University ay nakaranas agad siya ng pambubully. Akala niya ay hindi na uso ang bullying pero hindi pala. Isang maling akala.
Agad siyang pinagtawanan ng mga kaklase niya habang nagpapakilala. May suot kasi siyang malaki at makapal na salamin sa mata at ang mahaba niyang buhok ay itinali niya gaya ng sa Nanay niya. Medyo kupas ang pantalon niyang suot at maluwang naman ang blouse niya. Hindi pa sila nakuntento at sinipa pa siya papuntang upuan niya kaya nadapa siya at lalong pinagtawanan.
Nakita niyang nakakaloko siyang tiningnan ng isang chinitang babae at nakipag-apiran sa tatlo pang katabi nito.
" Wag ka ngang tumunganga diyan. Tumayo ka na't naaalibadbaran kami sa mukha mo. I guess tapos mo naman atang halikan ang sahig, right?"
" Such a weakling! " Nakairap na sabi ng babaeng may bangs sa katabing babae na kamukha nito.
Nagtawanan na naman ang mga kaklase niya. Agad siyang pumunta sa upuan na para sa kanya. Para namang napapasong iniusog nang isang babae ang upuan nito palayo sa kanya. Napa Oh pa ang ibang lalaking kaklase sa ginawa nito. Lalo tuloy nanliit si Tina.
" Ang low naman ng standards ng University na to, tumatanggap din pala sila ng taga skwater. Gosh, naamoy niyo ba ang naaamoy ko? " Maarteng tanong ng kakambal nong nakairap sa kanya kanina.
" I suggest na bumalik ka na sa pusaling pinanggalingan mo bitch! Hindi ka nababagay dito! " Narinig ni Tina mula sa grupo nong chinitang pumatid sa kanya.
Habang nagsisimula ang klase ay namangha ang lahat sa talino ni Tina. Nakita pa niyang humanga ang iba sa katalinuhan niya, subalit iba naman ang nakikita niya sa mukha ng babaeng pumatid sa kanya.
Gulat na napatingin si Tina sa apat na dumating at napatayo pa siya nang ibinuhos ng chinitang babae ang juice sa ulo niya.
" Matalino ka nga pero tanga ka at pangit pa! Sa susunod na magmayabang ka, humanda ka! Ayokong binabangga ako, naiintindihan mo? "
" Ano bang sinasabi mo? Wala naman akong ginagawa sayo ah? Ganito ba kayo mangtrato ng bagong salta?" Medyo tumaas ang boses niya.
" Uyyy matapang itong si ulikba. Marunong sumagot. " Inis na kinuha nito ang spaghetti niya at itinapon sa damit niya. " Oooops natapon eh!"
" A-ano ba? " Napatayo si Tina.
" Etong tandaan mo pangit na apat ang mata. Don't You Dare Mess Up with Me! Hindi ako mabait na kalaban, I rule here so you better put yourself to where you truly belong. " Ani Kaori na dinuduro ang sentido niya.
" Good luck four eyes! Ganito kasi kami magwelcome ng new student, too bad mas asar sayo si Kaori. Kung ako sayo, mananahimik nalang ako. Enjoy your stay in Helliversity. " Nakangiting aso na sabi ng may kulot na buhok na babae.
Nagtatawanang iniwan siya ng apat. Pero bumalik ang isa at ipinatong nito ang panyo sa mesa niya saka nagtatakbong hinabol ang tatlo.
Binalewala ni Tina ang banta sa kanya ni Kaori sa pag aakalang hindi nito totohanin ang pagbabanta. Gusto niyang magtapos ng pag-aaral at wala siyang planong patulan ito.
Lumipas ang mga araw na hindi umuuwing luhaan si Tina. Tinotoo nga ni Kaori ang banta nito. Daig pa nila ang nasa teleserye. Kaya pala galit na galit sa kanya si Kaori ay dahil nauungusan niya ito sa katalinuhan. Naalala tuloy niya ang dramang Kadenang Ginto sa sitwasyon niya. Pero mas malala pa ang mga ginagawa ng grupo nito sa kanya at pati ibang kaklase niya ay ganon din ang trato sa kanya.
Walang araw na hindi siya umuuwing iba na ang suot dahil palagi siyang nililigo ng pagkain nina Kaori, Kira, Maya at Mori. Pero tingin niya ay mabait naman yong Mori dahil minsan ay napipilitan lang talaga itong awayin siya. Lagi siyang may sirang gamit at may mga death notes pa siyang nakikita sa loob ng locker niya.
Lalo siyang pinagbuntunan ng galit ni Kaori nang manalo siya sa debate kaya naman hindi niya inaasahang inihayag nitong anak siya sa labas pati kung anong klase trabaho meron ang Nanay niya. Lalo siyang napahiya at ang mas malala, inilock siya sa loob ng isang cubicle sa CR.
Please, huhuhu palabasin niyo ako dito. Huhuhu Tulong! Huhuhu. Pakiusap!
Tulungan niyo ako! Palabasin niyo ako! Bumalik kayo Kaori! Huhuhu Maya! Kira! Mori! Balikan niyo ko please!
Parang awa niyo na palabasin niyo ako!Ano Po bang kasalanan ko at nangyayari ito sa 'kin? Huhuhu Gusto ko lang naman Pong makapagtapos ng pag aaral para maipagmayabang ni Tatay. Para hindi na uli nila kami maaapi ng Nanay. Gusto ko lang namang guminhawa sa buhay ang Nanay ko. Mali Po bang asamin yon? Huhuhu Pero bakit ginagawa sa akin ito ng mga kaklase ko? Ano bang nagawa ko at pinaparusahan nila ako ng ganito?
Bakit? Huhu. Bakit wala kayong ginagawa? Akala ko ba? Akala ko ba Mahal niyo kaming mga anak niyo? Nasaan ang katarungan sa aming mga inaapi? Nasaan? Huhuhu. Simula pagkabata ay lagi na lang akong inaapi. Pinandidirihan! Inaayawan! Bakit para kayong bulag sa nangyayari sa akin? Bakit hindi niyo ako tinutulungan? Bakit? Bakit pa ako ipinanganak kung puro pasakit lang naman pala ang aking mararanasan? Bakit pa?
Pilitin man na magsalita ni Tina ay hindi niya magawa. Ginapos siya nina Kira at Maya sa kamay habang tinakpan naman ng duck tape ni Mori ang bibig niya saka siya inilock ni Kaori sa loob. Kanina pa niya sinisipa ang pinto pero walang nakakarinig sa kanya. Basang Basa pa ang katawan niya dahil binuhusan siya kanina ni Kaori ng tubig bago umalis.
Nang mapagod sa kakasipa ay ulo naman niya ang ginamit. Paulit ulit hanggang sa nawalan siya ng malay.
Kung walang katarungan, pwes ako ang gagawa.
®®®®®®®®®®®®®®®
Hello sa inyo.
Please Po bear with me dahil hindi Po talaga ako magaling gumawa ng story pero sana magustuhan niyo.^~* mie