RestRoom 3

6.8K 58 0
                                    


Napasigaw sina Issa at Clover nang may marinig na kaluskos.

" Huh? Sino yan?! Please tulungan mo kami! Tulong! Palabasin niyo kami dito! Help! Magawa ka-" Nagsisigaw si Clover.

" Marunong ka palang magmakaawa."
Isang boses ang nakapagpatahimik sa dalawa.

" Sino ka? Ikaw ba ang gumawa sa amin nito? Kalagan mo kami kung ayaw mong masaktan." Matapang na saad ni Issa kahit hindi nakikita ang may ari ng boses.

" Hmmmm matapang ka ba talaga? O nagtatapang tapangan ka lang? Sa tingin mo ba, makakatakas pa kayo? "


" Bitch! Magpakita ka! Papatayin tala- Ouch! "

" Clover! " Bulalas ni Issa. Kitang kita niya ang dahan dahang pagsargo ng dugo mula sa bibig ng kakambal. Nilatigo ito sa bibig.


" Matapang lang kayo sa salita, para kayong kung sino kung makapagmataas. Eh wala naman pala kayong sinabi. "

" Ano bang kasalanan namin sayo?" Galit na sigaw ni Issa na palinga linga.

" Marami kayong kasalanan sa akin. Kaisa kayo ng grupo ni Kaori. Mga mapagsamantala sa kapwa."


Napaigik si Issa nang siya naman ang nilatigo sa bibig.


" P-please maawa ka sa amin, kung ano man ang kasalanan namin sayo, patawarin mo na kami. "

Pero napasigaw naman si Issa nang makitang ang dibdib naman ni Clover ang nilatigo.

" Paano kung ayoko? "

" Shit ka! Pinaglalaruan mo lang kami! Isinusumpa ko pag ako nakawala dito, Patay ka talaga. Aw!"


Si Issa naman ang natamaan ng latigo at sa kabilang pisngi naman ito tumama.

" Masyado kang matapang Issa. Gusto mong mauna?"


" No ... no please, Issa please tumahimik ka na. D-don't make her mad." Nanghihinang pakiusap ni Clover sa kakambal.

" Ow! Oh baka naman gusto mong unahin ko na ang kakambal mo para mas masakit? What do you think?"

Nanlaki nalang ang mga mata ni Issa nang makita kung paano humiwalay ang ulo ni Clover sa katawan nito. Parang biglang nanlaki ang ulo niya. Namanhid ang katawan niya. Ayaw niyang paniwalaan ang nakikita. Ang leeg nito ay sinisiritan ng dugo, samantalang ang ulo nito ay nahagis sa mismong harap niya.


" Hayop ka! Hayop kaaaaa! Pinatay mo ang kakambal ko. Papatayin kita! Aaaaaah! Hayop ka! Hayooooooop! Papata- "

Hindi na natapos ni Issa ang sigaw dahil tumilapon na din ang ulo nito katabi ng ulo ng kakambal.



" Kaori! Sandali hintayin mo 'ko! "Sigaw ni Mori sa kaibigan.

" Seriously Mori? Kung makasigaw ka daig mo pa ang walang breeding! " Nakahalukipkip na tiningnan siya ni Kaori. " And what's with your eyeglasses? Kung di lang kita kilala iisipin kong magkapatid kayo ni pangit. Mabuti nalang at maganda ka despite of your glasses."


" Kaori naman. Si Tina nga pala, nakita ko kahapon pauwi tas biglang nawala nong tatawagin ko sana."


" Baka natakot din sayo yon. Pwede ba, wag mo nga akong pinapaalala sa babaeng yon? Nakakasira ng umaga eh! Oh! Pakidala ang bag ko! "

Walang nagawang kinuha ni Mori ang bag nito at sumunod sa kaibigan.


Napahinto sa paglalakad ang dalawa nang makitang maputlang tumatakbo palapit sa kanila sina Maya at Kira.


RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon