Gigil na gigil na si Kira. Kanina pa siya nilalamok sa pwesto niya." Ang tagal naman umuwi ng ulikbang si Tina. Kanina pa kami nag-uwian ah?" bulong ni Kira sa sarili.
"Oh baka naman hindi na siya pumasok mula kaninang nakita namin siya sa restroom? Hmmmm baka nasa loob na nga siya. Pero kanina pa ako dito wala naman akong napapansing tao sa loob."
Nang biglang matigilan si Kira. May narinig siyang ingay sa loob ng bahay.
" Hmmp! Hindi nga talaga mayaman ang bastardang yon, sa suot ba naman nito eh hindi na nakakapagtataka kahit nong magka uniform na siya ni hindi siya gumanda ni kahit konti."
" Sinong hinahanap nila?"
" Ay shit! Nakita ako."
" Sino kako ang hinahanap nila? "
Gulat na napatingin si Kira sa babae. Maganda ito kahit may edad na pero parang may napapansin siya dito.
" Ah eh, kaklase ho ako ni Tina. "
" Ah ganon ba. Bakit hindi ka muna pumasok hija."
" Ah wag na ho."
" Kaibigan ka ba ng anak ko? Close ba kayo?" Tanong ng Mama ni Tina na pilit inaaninag ang mukha niya.
"Ho? Ah eh hindi naman masyado."
" Ganon ba? Pasensya na, malabo na kasi ang mga mata ko kahit 36 pa lang ako. Pero alam mo, natutuwa ako sayo.Ikaw pa lang ang kaibigan niyang pumunta dito. Halika sa loob."
" Ah hindi na ho, aalis na ho ako." Kinakabahang tanggi ni Kira saka nagmamadaling umalis.
" Pero...Akala ko ba hinahanap mo si Kristina?" bulong ni Tonya.
" Ay Aling Tonya nandito lang pala kayo. Tara na po... halina po kayo sa loob, mag-uumpisa na po ang padasal."
Tumango naman ang Mama ni Tina at nagpaakay nalang sa dalaga na sinundan ng tanaw si Kira.
"Guess what? Kung anong nangyari kagabi?" Salubong ni Kira kina Kaori at Mori na usual ay bitbit na naman ang bag ng una. Sabay na silang naglakad sa hallway.
Palagi kasi silang maaga ng 15 minutes kung dumating sa school, nakagawian na nila dahil yon ang gusto ni Kaori. Kunti pa lang ang mga estudyanteng dumating.
" Hindi ko nakita si Tina sa kanila. Yong Mama niya lang na bulag."
" Bulag ang Mama ni Tina?"-si Kaori.
" Oo. Alam niyo bang gusto niya akong patuloyin sa ewww na bahay nila? Gross! I can't imagine myself living in that old and ugly house."
" Nasaan daw si Tina?" Tanong ni Mori.
" Duh I did not ask na kasi parang ang creepy nong Mama niya. And worst is napagkamalan pa niya kaming friends ni ulikba."
" So hindi mo talaga siya nakita?!"
" Oo nga, paulit ulit? Kasasabi lang di ba?" Medyo inis na sagot ni Kira.
Napakurap naman si Kaori. Nakita niya kasi sa unahan si Tina. Kumakaway pa ito sa kanya. Pero nang kumurap uli siya ay nawala na lang itong bigla.
" Hey! Nakikinig ka ba sa akin Kao?"
" Huh? Ano ba yon?"
" Eh! Di ka naman nakikinig eh. So yun nga, gusto niya akong patuloyin pero natakot ako, I don't why. Bigla na lang akong umalis nang lumingon ako, nakita kong inaakay ng isang babae yong Nanay ni Tina at ang sama ng tingin sa akin nong girl."
