Napamulat at biglang napadaing sa sakit si Maya. Hindi niya matandaan kung nasaan siya, ang naaalala niya lang ay nong madulas siya at tumama sa matigas na bagay ang ulo niya. Nakapa niya ang ulo at napasigaw nang may makapang kulay pula na malapot kaya sininghot niya ito.Oh my God, d-dugo! Nasaan ba ako? Bakit? Nasaan ako? Bakit nandito ako?
Takot na takot na nilinga niya ang paligid. Para siyang hayop na ikinulong sa maliit na kulungan. Sinubukan niyang sipain ang lock pero walang nangyari at hindi rin siya makatayo dahil maliit nga lang ang kulungan. Inipon niya ang lakas at sinipa uli ang lock pero wala pa ring nangyari dahil matibay ang rehas.
She tried to shout pero walang boses na lumabas sa bibig niya. Masakit din ang loob ng bibig niya at nasindak siyang may makapa ding dugo
mula doon. Nag panic si Maya at sinubukan uli niyang sumigaw pero wala pa ring boses na lumabas. Pakiwari niya ay parang may hindi tama kaya kinapa niya ang kanyang bibig para lang lalong masindak. Hindi niya maramdaman ang dila niya. Parang nanlaki ang ulo niya sa sindak.A-ano ang nangyari? Bakit hindi ko mahawakan ang dila ko? Nasaan ang dila ko? Oh no no no, hindi ito totoo.
Ayaw niyang paniwalaan ang naiisip niya. Ayaw niyang paniwalaang wala na ang dila niya, hindi niya matanggap kaya lalo siyang napaiyak.
This can't be happening to me. Sinong walang awa ang nag-tanggal ng dila ko?! Mommy! Mommy! Help meeeeee!
Gulat na napalingon si Maya nang makarinig ng kalabog. Nagulantang siya sa kanyang nakita at napasiksik sa sulok. May inihagis sa kanyang ulo ng aso at natalsikan pa siya ng dugo nito.
" Kumusta Maya? Nagustuhan mo ba ang hinanda ko para sayo? "
Napalingon si Maya sa nagsalita at nanlaki ang mata niya nang ipakita nito ang mukha. Naoangising aso sa kanya ang babae.
I-ikaw? B-bakit? Paano? Paano mo nagawa ito? Anong kasalanan ko sayo? Palabasin mo ako dito!
Lalong napangisi ang babae sa nakikitang takot sa mata ni Maya. Nakakalokong itinaas nito ang hawak na bagay at ipinakita sa kanya.
Ang... Ang dila ko?! Hayooop! Ang dila ko huhuhu walang hiya ka! Hayooop ka!!!
Gustuhin man niyang magsisisigaw ay wala siyang magawa, napaungol siya sa sakit nang maramdamang may tumulo sa binti niya. Dahan dahan siyang napatingala at lalong nanlaki ang mata niya sa sindak. Nandon sa ibabaw ng kulungan niya ang malalaking kandila na may sindi. Kahit saan siya sumiksik sa kulungang iyon ay matutuloan siya ng kandila.
" Just like what I did to the twins ay papahirapan din kita, kayo...kayo ng mga kaibigan mong walang alam kundi ang pahirapan ang mga taong kagaya ko. Sinagad niyo ang kabaitan ko't pasensya kaya ipaparanas ko din sa inyo ang ginawa niyong pang-aapi hanggang sa kayo na mismo ang magmamakaawa. " Galit at gigil na gigil na sabi ng babae sa kanya at isinuot uli nito ang maskara. Itinapon nito ang dila niya sa isang tabi at tinalikuran siya.
" Ikumusta mo na lang ako sa tatay mong Diablo. Magkikita na rin kayo sa wakas sa impyerno. " Saka ito nawala sa liwanag.
N-no! Wag! Maawa ka wag mo akong iwan dito. Please. Bumalik ka dito. Pakawalan mo ako! Pakawalan mo 'ko....... Bumalik ka pakiusap!
Lumuluhang pinagsisipa ni Maya ang kulungan lalo na nang nag uunahan na sa pagtulo ang kandila sa kanyang katawan. Napapasigaw siya sa isip sa bawat mainit na pagpatak nito sa kanyang balat. Hanggang sa lalong dumami ang patak, daing at ungol na lang ang nagawa ni Maya dahil sa sakit at init. Parang nawalan na siya ng lakas at napapikit na lang.
