RestRoom 9

1.9K 40 0
                                    

Humagulgol si Kira at umiling-iling.

" H-hindi mo ako naiintindihan Kao...Hindi tayo makakaligtas. Baliw siya Kao! Baliw!" Hesterikal na si Kira.

" Wala akong pakialam! Kailangan makalabas tayo dito! Bwesit! Kay higpit naman ng pagkakatali sayo."

" Ka-kahit anong gawin natin...hindi...hindi natin siya matatalo. M-mamamatay lang tayo pareho dito kaya please umalis ka na!" Taboy ni Kira sa kanya.

" Ayoko! Hindi talaga kita iiwan dito."

" P-per-"

" No! Wag ka na ngang kumontra! Shit, this is really tight. "

" K-kao...umalis ka na please... Please Kao, help yourself."

" Shut up! Shut the fuck up! " Inis na inis na singhal ni Kaori kay Kira.


Patuloy lang sa pag-iyak si Kira. Samantalang napansin naman ni Kaori na medyo lumuwag na ang tali kay Kira kaya naman nagconcentrate siya. Nang biglang nanigas ang kaibigan niya. Tila may nakitang kakaiba.

" K-kao...t-takbo..."takot na pagpapaalis nito sa kanya.

" Shhh"

" Kao takbo na please."

" Letse! Tumahimik ka please! Malapit ko nang makalag eh."

" K-kao please. Umalis ka na, nagmamakaawa ako sayo! Wag mo na akong alalahanin. Ang mahalaga ay makaligtas ka. " Humagulgol uli si Kira.

" Aalis lang ako kung kasama kita kaya please lang wag mo akong inisin lalo at mapepektusan kita. At papatayin ko pa ang impaktang pumapatay." Gigil na gigil na pagkalag niya sa tali.

" Takbo na please.'

" No! Oh yes! Oh ayan, lumuwag na, ta- ugh!"

Nanlaki ang mga mata ni Kira nang malakas na napalo sa ulo si Kaori nang may ngiting demonyong si Mori. Hawak hawak nito ang isang kahoy at ngumisi nang makitang tulog na bumagsak ang dalaga.


" Kaooooriiiiii!"

Kanina pa pabalik balik ng lakad si Mori sa harapan ni Kira habang ang huli ay hindi pa rin natitigil sa pag-iyak.

" I so hate you Mori...Huhuhu you're a killer."

" Pwede, tumigil ka sa kakangawa mo  diyan?!" Singhal niya dito.

" Ma-mamamatay tao ka... H-how could you do this?How could you? Kaibigan mo na kami. You have gone too far para lang maghigante!"


" It's just for fun deary."

" B-baliw ka! Demonyo!" Sigaw nito sa kanya.

Nanggigigil na pinisil niya ang pisngi nito at nanlilisik pa ang mga mata.

" Sinabi kong hindi ako Demonyo di ba? Demonya ako! Intiendes?"

" H-hayop ka Mori! Hayop ka!"

Inis na malakas na sinampal niya si Kira. Namumula ang pisngi nito at bumakat ang kamay niya.

" Wala na bang masakit sayo ha? Daig mo pa ang walang sugat ah? Gusto mo gripuhan uli kita at sa gilid naman?"

Nahintakutang umiling-iling si Kira. Napangisi siya sa takot na nakikita niya sa mukha nito.

" B-bakit ang lakas ng trip mo? Bakit nawala na ang mabait na si Mori? Hindi na kita kilala!"

Napangiwi siya. " Tsss, wag ka ngang patawa! Ito ang tunay na Mori na pilit kong nilalabanan at itinatago pero dahil sinagad niyo ang pasensya ko kaya pasensyahan tayo! Binuhay niyo ang natutulog na halimaw sa loob ko!"


RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon