Finale

2.3K 51 1
                                    

Nasa isang malawak siyang lugar at napakaganda ng paligid dahil sa naggagandahan at iba't ibang uri ng mga bulaklak. Napakaganda rin ng panahon at napakasariwa ng hangin. Pumitas siya ng bulaklak at dinala sa ilong at sinamyo ang bango nito.

" Mori!"

Napalingon siya sa pinanggagalingan ng boses.

" Tina!" Nakangiting ganting tawag niya nang makalapit ito.

" Masaya akong makita ka, Mori."

" Ako din Tina. Natutuwa akong magkakasama na tayo."

" Salamat at naniwala ka sa akin Mori. Napakaganda ng ginawa mo. Tuluyan ka nang nagbalik loob sa Kanya."

" Salamat sayo Tina dahil ipinaintindi mo sa akin ang lahat-lahat. Masaya din akong nagbalik loob sa Kanya."

" Tara na?" Nakangiting inialok ni Tina ang kamay sa kapatid.

" Tara." Nakangiti ring sagot ni Mori at tinanggap ang kamay ng kapatid at magkahawak kamay silang naglakad palayo.









" Kumusta na siya? "

" Palagi ho siyang nag-iisa. Ayaw niyang nilalapitan siya. Kapag may lumalapit naman ay inaaway niya. Sa kulit nga ho nong isa ay sinakal niya kaya hiniwalay namin siya ng kwarto. Para hong mas lumala siya ngayon."

" Oh my God!" Natutop ng ginang ang bibig at naaawang tiningnan ang anak na tumatawa ng mag-isa.

" Palagi niya hong binabanggit ang pangalang Kira. Minsan ho naman ay Hiru at Maya. "

" G-anon? S-si Kira ay bestfriend niya. Kaibigan naman niya si Maya at kuya niya si Hiru.

" Nasaan ho ba sila?

" Wala na sila." Napahikbi na sagot ng ginang nang maalala ang anak at ang nakakarimarim na pagkamatay nito.

" Wala na ho? Patay na sila?"

" Oo, naunang namatay si Maya. Sumunod naman sina Hiru at Kira."

" Paano po ba sila namatay? Kasi po palagi niya pong tinatawag yung tatlo. Palagi ho naming naririnig siyang nakikipag-usap kuno kay Kira. "

Natigilan ang ginang at malungkot na ikinuwento ang nangyari sa tatlo.

" May binully daw kasi ang anak ko noon, ang pangalan niya ay Morisette o Mori. Pero may dumating kalaunan na isang transferee, iyon naman ang binully niya at yong Mori, naging kaibigan slash alalay nila ng mga kaibigan niyang sina Kira at Maya. Yun yong kwento ng mga schoolmates nila."

" Bago yung nangyari sa kanila, y-yung patayang naganap...namatay yung kambal na nambully don sa transferee. Pagkatapos non, yung Maya naman ang namatay. Parehong lugar kung saan namatay yong kambal-sa restroom ng mga girls. Kaya napagdesisyunang isara ang restroom na yon ng mga head. Tapos...nawala bigla si Kira kaya hinanap ng anak ko. Eh hinanap din siya ng Kuya niya. H-hindi ko alam kung paanong napunta sila sa abandoned building pero nakita sa camera na ininstall na yung Mori ang pumapatay. And I really can't believe na nagawa niyang pumatay ng ganon ka brutal. She killed with no mercy. Ni hindi ko nga tinapos ang panonood doon. P-pero ikinuwento naman ng asawa ko. N-napatay ng anak ko ang killer at pinagpipiraso niya ang katawan. "

" H-ho?! P-pati ho siya naging brutal?"

" O-oo. Siguro dahil sa galit. N-nong puntahan ng mga pulis ang bahay nong killer na si Mori, napansin agad nila ang bahay na tila hindi na tinitirhan pero ang sabi ng iba eh umuuwi naman daw don ang dalaga. Pero may naamoy daw ang mga itong hindi malaman na kung ano. Nang pasukin ng mga pulis, nagulat sila. Ang baho daw ng bahay. Nang halughugin nila, natagpuang patay ang mga magulang ni Mori sa loob ng kwarto ng mag-asawa. Yung ina daw ang naunang namatay dahil tila naaagnas na. Yung ama ay mga ilang araw pa lang daw. Tapos patay din ang dalawang katulong."

RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon