Restroom 8

2.1K 33 0
                                    

Kaori can't help herself. She's biting her fingernails dahil sa kaba. Mabuti na lang at agad siyang nakakita ng masasakyan. Papunta siya kay Mori. Ang sabi kasi nito ay may alam ito tungkol kay Kira pero kailangang sa personal sila mag-usap. And she was surprised dahil mas may alam ito kumpara sa kanya eh magbestfriend sila ni Kira.

Isang text message na naman ang natanggap niya sa kuya niya at tinatanong kung nasaan siya dahil nalaman na nito ang pagkawala ni Kira.

Okay lang ako kuya... don't worry about me. I can take care of myself. Please tell Mom and Dad I love them.

She was about to close her inbox nang madaanan ng mata niya na may message pala siya galing kay Kira.

Hey Kao, I gotta save Mori from the killer. Nasa Univ siya. Please send a help.

Kaori frowned. If Kira's going to save Mori, bakit si Kira na ata ang dapat na isalba? Ganoon ba kahalaga si Mori para dito at isesave nito? Kumuyom ang mga palad niya. She swear, if something's gonna happen to Kira because of Mori, the latter would pay.

Shit Kira. Why play like some kind of a heroine to that Mori ba? Mas close na ba kayo kesa sa atin? And how dare Mori para humingi sayo ng tulong. I prefer her to die than you. Huwag lang may mangyayaring masama sayo at ako mismo ang papatay sa babaeng yon! And you Tina... you're gonna pay big time. You want war, I'll give you one. Masyado nang malaki ang perwisyong dinala mo sa amin. Kapag nakita kita, ako mismo ang papatay sayo. Mas malala pa sa ginawa mo sa mga friends ko!

" Ah manong pwede po bang pakibilisan niyo?"

" Sige po Miss." Anitong hindi niya mawari ang boses.

Gaya ng utos niya ay binilisan ng driver ang pagmamaneho. Idadial na sana ni Kaori ang number ni Mori nang biglang masilaw siya sa liwanag ng sasakyang kasalubong nila.

" O-oh my God Manong! Nooooooo...."

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Kaori bago nagdilim ang lahat sa kanya.




K-kao... K-kaori...



Napaungol siya at napamulat ng mga mata. Sinapo niya ang ulo dahil sumasakit iyon.


" K-kaori..."


Napalinga siya sa paligid nang marinig ang mahinang boses na iyon.

" T-teka...nasaan ako?"


" K-kaori..."


" S-sino yan? May tao ba diyan?"

" K-kaori..."paos na ang boses nito.



" M-magpakilala ka! Sino ka?" Aniyang pilit inaaninag ang kung sino mang tumatawag sa kanya.


Madilim ang paligid at may naaamoy siyang malansa. Kahit nahihilo ay pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahiga sa maruming sahig.


Napagala uli ang tingin niya sa madilim na paligid. May maliit na bombilya sa ulunan niya sapat para mailawan siya. She gasped in horror when she noticed some blood stains sa damit niya.  May sugat pala siya sa noo at dito nanggagaling ang dugo.


W-where am I? B-bakit may dugo sa...oh my God! Naaksidente pala kami kanina. P-pero why am I here? B-bakit wala ako sa hospital? Am I dead? Oh God! No! This is not happening! I am just dreaming.


Kaori pinch herself at nasaktan naman siya. She's glad that she's not dreaming.


" T-teka, nasaan ba ako? S-sino yung tumatawag sa akin kanina?" Bulong niya sa sarili.


RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon