RestRoom 10

1.9K 39 0
                                    

Flashback....

Napangiti nang malapad si Tina nang makita ang kakambal niya. Nasa playground ito at nakaupo sa isang duyan. Doon kasi nila napagdesisyunang magkita.

  Kristina at Morisette ay kambal pero hindi magkamukha. Fraternal twins ang tawag sa kanila pero sa kabila noon ay mahal na mahal nila ang isat isa. Naghiwalay ang parents nilang dalawa noong 6 years old pa lamang sila. Nakapag-asawa ng mayamang doctor ang tatay nila pero walang anak. Kinuha nito si Mori sa kanila at pinaghiwalay sila.


Pero nagkatagpo uli sila ng kapatid sa tulong ng tatay nila ngunit patago dahil magagalit ang bagong asawa nito. Mula noon ay palagi na silang pasikretong nagkikita hanggang sa magdalaga.

Nangunot ang noo ni Tina nang makitang walang kibo ang kapatid. Sanay kasi siyang binabati agad nito kapag nagkikita sila.

" M-mori? May problema ba?"

Napatingala ito sa kanya at mabilis na yumakap. Hinayaan lang ni Tina na humagulgol ang kapatid sa balikat niya.

" Sinong umaway sayo ha? Bakit umiiyak ka?"

Agad na kumalas si Mori at pinahid ang mga luha. Malungkot itong tumingin sa kanya.


" Wala. Namiss lang kita."


" So kumusta ang studies mo?"


" O-okay lang." Anitong impit na napahikbi.



" T-teka...bakit may pasa ka?"


Lumikot ang mga mata ni Mori at matagal na nakasagot.



" Ah eh nabangga kasi ako eh."



" Yong totoo?"



" Tina..." Hikbi ni Mori na yumakap uli sa kakambal saka inilahad ang pinagdadaanan niya sa bahay at sa University.



" Don't worry, hindi ka na nila masasaktan."


" P-paano? Eh wala na yata silang magawa sa buhay kundi pagtawanan, kutyain at saktan ako physically and emotionally."



" You have to fight in order to live sister. Don't let them hurt you again. You have to strike back. Pangako, tutulungan kita."






" Where have you been Morisette? I've been calling you for so many times but you're unattended. " Bungad ng Mommy niya sa kanya.



" M-mom!"


" Where have you been? Kailangan ko ba talagang paulit ulit na tanungin ka ha? "



" Ah...sa park lang po."



" Sa loob ng isang araw? Don't lie to me." Galit na hinaklit nito ang braso niya at pinisil nang mahigpit ang panga niya.


" M-mom h-hindi po ako nagsisinungaling."



" You're Dad is not here at hindi niya ako mapipigilan sa gagawin ko sa mga sinungaling na tulad mo! Hala!" Sabay hila nito sa naiiyak na dalaga sa basement.



" M-mom please. Wag niyo po akong ikulong don Huhuhu!"



" Shut up!"



Nang marating nila ang silid sa basement ay agad nito iyong binuksan at agad na itinulak siya papasok.


" Hindi ka kakain tonight. Magsisi ka ngayon dahil ang ayoko sa lahat ay yong pinagsisinungalingan ako. I know that you've met with your twin. Akala mo hindi ko alam ha? "



RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon