Restroom 6

2.6K 38 2
                                    


Panay ang contact ni Kira sa number ni Mori pero out of reach na ito. Natatakot siya para sa kaibigan, kahit hindi sila gaanong close at alalay lang ang role nito sa kanila. Kinakabahan siya para dito.

Shit! Ang killer nga pala ang kakaharapin ko. God! Sana okay lang si Mori. Kahit naman may pagkatanga minsan yon ay mabait siya. She never complained kahit ginawa lang namin siyang alalay.

Bakit ba ang tanga ko? Ano naman ang ilalaban ko sa killer? Bakit ba kasi ako nagpadalos dalos ? Baka kung ano na ang nangyayari sa kanya. Baka pati ako rin mapahamak.

Shit! Ang lakas pa naman ng loob ko kanina na tutulungan siya. Gaaah! What should I do? Ano ba kasing ginagawa ng babaeng yon sa University eh gabi na. Alam naman niyang taga University din ang killer eh.

Nang maisip niya ang mukha ni Tina ay nangalaiti siya sa galit. Kung ang babae talaga ang killer ay hindi niya ito sasantuin.

Hold on Mori, ililigtas kita kahit hindi ko alam kung paano. Humanda ka talaga sa akin Tina kapag nalaman kong ikaw talaga ang killer. Humanda ka! Pagbabayarin kita sa pagpatay sa mga friends ko!

" Kuya pakibilisan naman po. Nasa panganib po kasi ang kaibigan ko."

Tumalima naman ang driver at punaharurot nito ang sasakyan. Kanina pa din niya kinokontak si Kaori pero hindi nito sinasagot ang mobile nito.

Shit! Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko? Nasaan ba ang babaeng yon? Shit ka Kaori! Sagutin mo ang phone mo!

She hurriedly run pagkatapos niyang magbayad sa driver. Hindi napansin ng dalawang guard ang pagpasok niya. Lakad takbo ang ginagawa niya habang sinisigaw ang pangalan ni Mori. Nang mapalingon siya sa restroom. Ang alam niya ay isinarado iyon pero biglang may sumitsit sa kanya.

Kinakabahan man ay lumapit siya sa may pinto. Then she heard someone's faint cry inside the restroom.

" Mori? Ikaw ba yan? " Sumilip siya sa loob. " Mori answer me please."

Nang biglang kumalabog. Agad siyang napatakbo sa huling cubicle. Malakas niyang hinampas iyon.

" Mori! Mori are you there?"

" H-help! Kira help me!" Anang boses sa loob.

"Mori is that you? Anong nangyayari sayo? Buksan mo ang pinto. Teka bakit nakalock to?"

" H-help!"

" S-sandali! Maghahanap ako ng paraan, just hold on. "
Agad na kinuha Kira ang fire extinguisher sa gilid at inihampas sa lock.

" Kira! Palabasin mo 'ko. Natatakot na ko! Please!"

" Sandali lang talaga."

Hinampas ito ng hinampas ni Kira hanggang sa matanggal ang door knob. Agad niyang binuksan ang pinto only to be surprised.

" A-anong?! " Nanlaki ang mata ni Kira sa nakita, isang voice recorder pala ang nasa loob ng cubicle.

Hindi na niya napansin ang isang anino na sumulpot sa likod niya at malakas siyang pinalo sa ulo.

" Ah awh, ang sakit ng ulo ko. "

" K-kira..."

Agad na napatingin si Kira sa pinagmulan ng boses. Nasa loob sila ng rehas at madilim ang paligid. Tanging ang silid kulungan nila na iyon lang ang may ilaw. Pinilit inaaninag niya ang kaibigan nasa isang sulok ito at nakasalampak sa sahig.

" Mori?! A-anong nangyari?"

" Hinampas ka kanina sa ulo kaya wala kang malay tao ng dalhin dito."

RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon