RestRoom 11

1.7K 35 2
                                    

" K-kakambal mo si T-Tina?"

Ngumiwi si Mori. Saka itinirik ang mga mata. " Unlimited? "

" K-kaya pala palagi mo akong awh!" Napaigik uli si Kaori nang bigla siyang sundutin ng karayom ng malaking heringilya ni Mori. " A-ang sakiiit!"

" Oh my God Mori, sumosubra ka na please! T-tumigil ka na!"

Nanlilisik ang mga mata ni Mori na tiningnan si Kira saka nilapitan.

" Tumigil ka sa kakasigaw at baka mag-init ang ulo ko't mapatay agad kita!"

" H-how dare you!" Umiiyak na sigaw ni Kira.

" Now now...be nice Kira my friend at masasaksihan mo na kung paano akong gumanti sa mga taong nanakit sa akin at sa kapatid ko."

Nanlaki ang mata ng dalawa nang kunin ni Mori ang pangtahi ng sugat at sobrang lumapit kay Kaori.

" M-mori? A-anong binabalak mo?" Nahintakutang tanong ni Kaori.

" Ang ganda talaga ng mga mata mo Kaori. Alam mo bang gustong gusto ko ang hugis ng mga mata mo? Inggit na inggit nga ako eh!"

" M-mori... h-hindi ko yata gusto ang binabalak mong gawin."

" Tsss. Pakialam ko kung hindi mo gusto? " Singhal nito sa napapikit na si Kaori. " Alam mo sa sobrang gusto ko yang mga mata mo, parang ang sarap lang alisin o kaya eh itago?"

" A-ano?!"

" M-mori... Wag please." Pakiusap ni Kira.

" Tumahimik ka nga?! Istorbo ka eh! Manood ka na lang diyan!"

" O-oh my God M-mori...don't do what you're thinking please...Mori...." Umiiyak na nanlalaki pa ang mga mata ni Kaori sa takot.

Nakangising biglang itinarak ni Mori ang karayom at inumpisahan nitong tahiin ang kanang mata ng napahiyaw sa sakit na si Kaori. Napahagulgol naman si Kira sa nasaksihan. Nagpupumilit naman si Kaori na gumalaw dahil sa sakit. Kahit anong pilit niyang pagpasag ay hindi pa rin niya napigilan sa pagtahi si Mori sa kanyang mata.

Nagdurugo na ang mata niya sa sakit. Panay lang ang sigaw niya pero tila bingi na ipinagpatuloy ni Mori ang pagtahi. Samantalang naihi sa takot si Kira dahil sa nasaksihan. Parang nararamdaman niya ang sakit na pinagdaraan ng kaibigan habang tinatahi ang mata nito. Naaawa siya kay Kaori na pilit nagpupugmiglas at iniiwas ang mukha. Panay ang hiyaw nito sa sakit.

" Isa kang hayop Mori! Wala kang puso! Tama na! Mori! Ano ba? Maawa ka kay Kaori!"

Pero tila bingi sa mga sigaw si Mori at patuloy lang sa ginagawa. Napangisi pa ito ng matapos.

" Oh ayan! Naitago ko na ang isa. Sa kabila naman!" Tila naaaliw na lumipat sa kaliwang side si Mori.

" Oh my God Mori please stop! Ano ba?!"

" M-mori pl-please...t-tama na." Umiiyak na pakiusap ni Kaori.

" Shhh! Wag kayong maingay! Hindi pa ako masyadong nag-eenjoy eh!"

" Mori! Ano baaa? Tumigil ka na! Maawa ka naman kay Kaori!"

Nagsalubong ang kilay na nilingon niya si Kira.

" Kanina pa kita pinapatahimik ah? Gusto mo ikaw naman? "

Nanlaki ang mata ni Kira. " M-mori wag kang magbiro ng ganyan?"

Ngumisi siya at humalakhak. " Hmmm kailan ba ako nagbiro? Okay dahil mapilit ka, ikaw naman!"

Napasigaw si Kira sa takot pero wala siyang nagawa ng walang sere-seremonyas na siya naman ang binalingan ni Mori. Napigil ang sigaw niya dahil sa bibig siya mismong inumpisahang tahiin.

Napahalakhak si Mori sa resulta ng kanyang pagtahi. Tila nababaliw na humalakhak siya sa tuwa. Samantalang ang dalawa ay napaiyak na lang sa pinaghalong takot at galit.

" Oh di ba? We're in peace na at alam niyo bagay na bagay sa inyo ang mga pagkakatahi ko. " Aniya sa dalawang biglang  nawalan ng malay.

" Hay! Napagod ako ah! Makakain nga muna." Ani Mori na humalakhak na lumabas ng silid na iyon.

Diyos ko! Bakit nangyayari ito? I-ito na ba ang katapusan namin? H-hindi ko alam na ganito ang kahahantungan namin. Kung alam ko lang sana hindi na namin binully noon si Mori at si Tina. H-hindi ko naman alam na may saltik pala siya at kaya niyang magtorture at pumatay. S-sana makaligtas pa rin kami. Tulungan niyo po kami ni Kaori please. Patawarin niyo din po kami sa mga kasalanan na nagawa namin. Sana...sana matauhan na si Mori. Maawa po kayo. Tulungan niyo kami.

Naluha sa sakit si Kira. Ang totoo ay pilit niyang nilalabanan ang hapdi at kirot para hindi tuluyang magising. Nagpanggap siyang hinimatay para tigilan sila ni Mori. Awang awa siyang napatingin sa kaibigan. Pero mas naaawa siya sa sarili dahil hindi niya magawang magsalita at napakahapdi at napakakirot ng bibig niya. Sinubukan niya uli ang paggalaw-galaw ng kamay. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing tila lumuwag ang tali niya.


Hindi na nag-aksaya ng oras si Kira. Kahit butil-butil ang pawis niya at masakit ang mga sugat niya ay hindi siya nagpadala sapagkat alam niya na mas malala pa ang aabutin nila kung hindi sila makakaligtas sa kamay ni Mori. Nagpasalamat siya sa isip nang makalag ng tuluyan ang tali niya. Kahit nanghihina ay nilapitan niya ang nakahigang si Kaori at tinapik tapik ang mukha nito para magising.

Naalimpungatan naman si Kaori. Saka napahikbi sa nakitang ayos ng kaibigan. Dumudugo kasing talaga ang bibig ni Kira at pareho silang sugatan.  Napaiyak siya dahil isa na lamang ang mata niyang nakadilat.



" K-kira... kailangan na nating makatakas. Al-alam kong mas masakit pa ang aabutin natin mamaya kaya hindi natin bibigyan si Mori na gawin ang gusto niya sa atin. Kahit na mapatay niya tayo at least lumalaban. K-kaya natin 'to."

Tumango lang si Kira at sinimulang tanggalin ang tali niya. Gamit ang gunting ay nakalag ni Kira ang lahat ng tali at magkahawak kamay na lumabas ng silid na iyon.

Maingat sila habang naglalakad at panay ang lingon sa paligid. Nahinto sila nang parang nauupos na napadausdos si Kira. Sapo niya ang dumudugong tiyan.

" K-kira..."

Namilipit sa sakit ang kaibigan at naluluha ang mga matang tumitig sa kanya saka siya pilit itinutulak.

" G-gusto mong iwan kita?"

Tumango si Kira at nakikiusap ang mga mata. Tinataboy pa rin niya paalis si Kaori.

" H-hindi! Sabi ko naman sayo, walang iwanan. "


Umiling-iling si Kira. Napaiyak na rin si Kaori. " Kahit ano pa...kahit ano pang mangyari Kira...ikaw lang. Ikaw lang ang best friend ko." Ani Kaori saka niyakap ng mahigpit ang kaibigan.




Bakas ng pagod at sakit ang mukha ng dalawa habang naglalakad pero agad ring bumadha ang tuwa nang mapansin nilang malapit na sila sa bukana ng building.


" Oh my God! M-malapit na tayo Kira."

Tumango naman si Kira sa kaibigan.

" T-tara bilisan na natin."

" At saan sa tingin niyo kayo pupunta?!" Umalingawngaw ang boses ni Mori sa buong paligid.




!/😘

RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon