RestRoom 7

2.3K 39 1
                                    

Kaori woke up from a bad dream. Hinihingal siya at basa siya ng pawis. Nakarehistro sa maganda niyang mukha ang takot at pagkabahala. She stand up and headed inside her bathroom. Agad siyang naghilamos at tumingin sa salamin.

Was it true? Bakit parang totoo ang panaginip ko? Oh God! Be calm Kaori. It's just a bad dream. It's impossible, so cheer up.

Kaori took a bath to calm her nerves. Kahit nagsusumigaw ang isip niya na impossible ang napaginipan niya, hindi naman paawat ang masasal na pagtibok ng puso niya. Natatakot siya na di mawari. She's also confused dahil parang totoo ang lahat ng napanaginipan niya. Isa lang ang naiisip niyang paraan. And she will do it right away dahil kung hindi ay baka mabaliw siya. Kailangan niya ng kasiguraduhan.

Alas otso ng umaga ay nagpahatid si Kaori sa driver niya sa SM. Nasa isang kilalang restaurant siya at hinihintay si Kira na kanina pa niya tinatawagan pero hindi ito sumasagot. She noticed na andami niyang text messages na hindi nababasa pero nagkibit balikat lang siya. Tinatamad siya eh. For the 20th time ay dinial niya uli ang number ni Kira pero hindi na ito macontact.

Shit! What are you doing Kira at hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nakakainis! Kung kailan kailangan saka naman hindi makontak. We should end this or else baka mabaliw ako.

Sa inis ni Kaori ay sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa subdivision ng kaibigan. She was about to ring the doorbell nang biglang bumukas ang gate. She was surprised while eyeing the police car. Nginitian naman siya ng gwardya at agad na pinapasok.

" Oy Ma'am Kaori. Pasok po kayo. Nasa loob po sina Ma'am Irenea at Sir Kint. "

" Kuya... bakit po...may police car na lumabas? May nangyari po ba?"

" Ah kuwan ho, si Ma'am Kira kasi, kagabi pa hindi umuuwi. Nag-aalala na ang mga amo ko kasi hindi daw nagpaalam kung saan nagpunta si Ma'am Kira. Kagabi pa umiiyak si Ma'am Irene eh. Ikaw ba? Hindi ba nagawi sa inyo?"

" Bert? Sinong bisita natin? Oh ikaw pala hija. Come, pasok ka. " Anang magandang ginang na bagamat nakangiti ay kabakasan naman ng pag-aalala ang magandang mukha.

Napasunod naman si Kaori sa ginang at pumasok sa living room. Mabilis namang tumalima ang katulong nang sabihan ng amo na magdala ng miryenda.

" Hija, nagawi ba sa inyo si Kira? Nagtext ba siya o tumawag man lang sayo?" Sunod-sunod nitong tanong sa kanya na naluluha.

" Pasensya na po Auntie. Pero hindi po eh. As a matter of fact po ay nandito ako para sa kanya. I've been calling her for so many times and I really wondered why she's not answering me. Kaya po ako napunta dito to check on her. " Sagot niya dito na agad lumambong ang lungkot sa mga mata.

" Kagabi pa siya wala rito sa bahay. And I'm so scared for my daughter. This is the first time na umalis siyang walang paalam. She's not like this. My niña is very obedient and she never make us worried. Ngayon lang... and I can't help thinking about something bad. I'm really worried hija."

" Did she told you if may sama siya ng loob sa akin or sa amin? Because as far as I remember, we're in good terms. Nag-iisa lang naming anak si Kira and I don't want to lose her. Baka ikabaliw ko pag may nangyaring hindi maganda sa kanya. Oh my niña, nasaan ka na ba?." Hikbi nito.

Naaawa namang ginagap ni Kaori ang kamay ng ginang. Panay ang patak ng mga luha sa pisngi nito.

" Don't worry po. Once makita or macontact ko po si Kira, agad ko po kayong sasabihan via call."

" Salamat hija. You're such a dear. Thanks for worrying for my niña. For being her friend also. "

" No problem Auntie. Magpapaalam na po ako. "

RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon