RestRoom 12

1.9K 39 0
                                    

" M-mori..." Nanginginig na napalingon silang dalawa ni Kira at nahintakutang napaatras.

" Aba, matindi! Bilib naman ako sa tapang niyo at nakawala pa kayo!" Ani Mori na dahan dahang naglakad habang hawak sa kamay ang isang katana na nakasayad sa sahig kaya lumilikha ito ng nakakangilong ingay.


" M-mori please. P-patawarin mo na kami sa lahat ng kasalanan namin sa inyo ni Tina. P-please...pabayaan mo na kami parang awa mo na!"

" Ano ako tanga?! Kailangang mamatay kayong dalawa! Walang awa awa dahil wala na ako non!"

" M-mori please"

" Asan na ang tapang mo ngayon Kaori ha? Nabahag ata ang buntot mo? Oh aatras pa? Para sabihin ko sa inyo, there's no way that you can escape me. "

" M-mori bumalik ka na sa dati please?"

" No! Hindi na mangyayari iyon. Hindi na mababalik sa dati ang lahat. Masyado na akong nasaktan at wala ng kalalagyan ang awa sa puso ko. You made me like this! Lahat kayo! At napakasarap pala na kayo naman ang nagmamakaawa sa akin."

" O-oo Mori. Marami kaming nagawang kasalanan sayo. Alam naming walang kapatawaran ang ginawa namin but please, kung nabubuhay lang si Tina, hindi ka niya hahayaang gumanti ng ganito."

" What the!" Napahalakhak si Mori.
" Tama ba ang naririnig ko? How dare you use my sister's name. Wala nga kayong awang apihin at pagtripan siya di ba? You are really ridiculous, Kaori!" Nangangalit ang bagang ni Mori saka dumura.


" M-mori m-maawa ka na please...Nagsisisi na kami."


" Too late Kao. " Aniya saka nagsimulang tumakbo palapit sa dalawa.

Nagitla ang dalawa pero kalaunan ay agad na nakahuma si Kaori at pilit na inalalayan si Kira pahakbang.

" Bwahaha! Kahit anong gawin niyo, wala na kayong magagawa!"

Nahintakutan ang dalawa ng iwasiwas ni Mori ang katana at nahagip nito ang braso ni Kira.

Napasigaw si Kaori nang makitang humiwalay ang braso ng kaibigan kaya nabitiwan niya ito. Sumisirit pa ang dugo sa katawan nito. Napangisi naman si Mori.


" Y-you're an animal! Wala kang puso! Wala kang awa!" Galit na galit na sigaw ni Kaori at napaatras palayo kay Kira dahil palapit na ito sa huli at itinutok sa may leeg nito ang espada.


" Say your goodbye to you best friend Kao. " Nakakalokong tiningnan siya ni Mori na mahigpit ang pagkakahawak sa espada.

" K-kira Huhuhu! Wala ka na talagang pag-asa pa Mori! Hayop ka! Demonyo ka!"

" Nyenye Nye! Tsss! Ayaw mo?" Saka iwinasiwas ni Mori ang espada sa ere at biglang itinuon kay Kira.

Nagsisisigaw si Kaori. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa tumalbog na ulo ng kaibigan.


" Ang sakit no?"

Pero panay lang ang iyak ni Kaori.


" Wag kang mag-aalala. Susundan mo rin naman siya eh at magkakasama uli kayo...hahaha sa impyerno!"

Bumagsik ang mukha ni Kaori at parang walang sugat na sinugod ang nabiglang si Mori na nabitawan ang espada. Kinalmot niya ang mukha nito at sinabunotan. Suntok, kalmot. Kalmot, sabunot at suntok sa di nakahumang si Mori. Pero nakaganti si Mori at ito naman ang kumalmot sa kanya. Napasigaw si Kaori sa sakit nang biglang idiin ni Mori ang hintuturo sa may sugat niya.

RESTROOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon