1

18.7K 231 9
                                    

 
  
  
"Revise this sh*t!" umalingawngaw ang malakas na sigaw sa opisina ni Drake Montevilla. Kasunod ng pagbukas at pagsara ng pinto nang pumasok ang secretary niya na si Red.

To the rescue na naman sa mga empleyado niya ang kanyang sekretarya.

"Lumabas ka, Red. Who gave you the permission to enter my office without being called? Out now!" pinapainit talaga nila ang ulo ko. Ang aga-aga maling report ang ibibigay sa akin.

"Drake, hindi naman na tama ang ginagawa mo. Walang araw na wala kang empleyado na pinapagalitan. Nagreresulta na ito sa araw-araw na may nagreresign sa kompanya. Ano na naman ba ang kinakagalit mo?" kalmado akong tiningnan ni Red na mas lalo kong ikinainis.

"This my company and I can do anything I want. I don't want stupid people like that woman roaming around my business premises. Get her out of my company now before I could do something bad, Red. And please stop asking about my life."

I heard him sigh. Inikot ko ang aking upuan patalikod sa kanila para hindi na ako lalo pang mainis. Nasisira na naman ang araw ko.

Narinig ko ang pagbukas at muling pagsara ng pinto. I guess they already left.

Minasahe ko ang aking sentido para mabawasan ang pananakit nito. Napapadalas na ang pananakit ng ulo ko at dahil ito sa stress sa kompanya.

Mas dumami kasi ang clients ngayon kaya doble din ang kailangan na production. The problem is kaunti ang manpower ng company. We're still hiring but it's taking so long.

I was in the middle of my thoughts when my phone rang.

"What is it?" bungad ko kay Terenz, one of my friends.

"Let's chill out, Drake."

Just what I need right now.

"Ok. I'll be there."

I grabbed my keys and left. Sinalubong kaagad ako ni Red pagkalabas ko ng opisina. Minsan gusto ko din isama sa pagrerelax itong si Red pero mukhang wala siyang time sa mga ganoon. Siya ang tipo ng lalaki na nerd pero may dating.

"Drake, aalis ka?"

"No, Red. Papasok pa lang ako ng opisina." Sarkastiko kong sagot sa kanya. Obvious naman kasi na aalis ako. "Magkikita kami nina Terenz, resched all my appointments tomorrow."

"Pero may schedule ka ng interview mamayang after lunch sa mga new employees natin. We are in need of workers now, Drake."

Napaisip ako sandali and ended up with no choice but to do the interview.

"Fine, pero ang mga managerial position lang ang iaundergo ko sa interview. The workers will be under Kyle's."

Tumango na lang si Red.

Nagmaneho ako patungo sa usual bar na pinupuntahan namin nina Terenz. Sigurado ako na kasama sina Hans, Clay, at Pio sa chilling out na sinasabi ni Terenz. Malapit lang ang bar sa kompanya kaya nakarating ako in just 10 minutes.

Agad kong nakita ang apat na nagkakasiyahan na sa pag-inom. It's too early for hard drinks but this is us. Walang oras ang pagchichill.

"Hey man, glad you came." Inabutan kaagad ako ni Hans ng isang bote ng alak.

I took it and sat beside Pio.

"Akala ko tatanggi ka na naman dahil sa trabaho," Clay commented.

"I'm so stressed now kaya kailangan ko ito. Sumasakit na ang ulo ko sa kompanya."

Bigla silang tumawa na parang mga baliw. I glared at them until they stopped.

"Anong nakakatawa?" Mas lalo lang nilang sinisira ang araw ko.

"You should have a girlfriend, dude." Natatawang banat ni Pio.

I ignored them and took a sip of my drink. Girlfriend. Tss.

"Dadag pa 'yon sa sakit ng ulo ko. I don't want any stress in my life. I have enough."

Muli na naman tumawa ang mga loko.

"Drake, konti na lang iisipin ko nang bakla ka. Takot ka ba sa babae?" Pinanlisikan ko si Terenz na halos hindi naman natinag.

I took another sip hanggang sa mangalahati ang iniinom ko.

"Hindi naman kasi lahat ng babae ay katulad ni Vaneza. May mga babae na seryoso magmahal at hindi pera ang habol sa isang lalaki. Try to look around you and be kind, Drake. You have all the money but as you can see you are not happy. Tumatanda ka na din, dude," ani Pio na sinundan pa ng tawa. Babatukan ko na sana pero naisip kawawa naman baka maisuka nito ang utak.

"Kung tumatanda na ako, ano pa ang tawag sa inyo. Magkakaedad lang tayo," I paused for a second. "Vaneza ruined my trust. Hindi ko na magawang magtiwala sa mga babae dahil sa kanya. I feel that they will all betray me like she did."

"Kaya nga karamihan ng mga empleyado mo ay lalaki diba? Kumakalat na nga ang rumor na bakla ka daw kaya puro lalaki ang hinahire mong employee. Tsk! Tito Dylan would be so mad if he learned about that. "

Dylan is my father. He is busy in our business abroad kaya bihira siyang makita sa Pinas. While my mother, Yuki, has an illegal business in Japan and like Dylan, she's busy making money out of her illegal business. I have an elder sister, Deina, a police officer who protects my mother's business. Ayokong mainvolve sa kanila kaya mas pinili ko na maiwan dito sa Pilipinas.

"Magalit siya kung totoo, he knows my story and why I became like this. May kasalanan siya kung bakit ako nagkaganito."

Pare-parehong natahimik ang apat. Mga guilty. May kasalanan din kasi sila. Hindi ako mahuhulog sa Vaneza na 'yon kung hindi nila ito tinulak ng tinulak sa akin.

"I am not against women and I don't hate women. It's just that I am afraid to trust them. If some girl will show me that money is not the important thing in life, maybe, just maybe, magagawa ko ulit magmahal. Pero hanggat wala pa ang babaemg 'yon, huwag niyo akong madaliin."

Tumango na lang ang apat saka kanya-kanyang humigop sa kanilang inumin.

We stayed there for a few more hours before we went in our own lives. Red messaged me na may apat na interviewee for managerial position. 2 guys and 2 woman.

Haharap na naman ako sa mga babae. I wonder if all the words that comes out their mouth is true. Dapat ko bang ipagkatiwala sa kanila ang aking kompanya?

Hindi naman kasi lahat ng babae ay katulad ni Vaneza.

Pio's words echoed in my mind. Sana nga hindi lahat ay katulad ni Vaneza. Sana may babae makapagpapakita sa akin na hindi lang pera ang mahalaga sa mundo. Sana may babae na makapagparamdam sa akin ng tinatawag nilang tunay na pagmamahal.

Sana...

= = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon