6

6.9K 176 5
                                    

"ANONG ginagawa natin dito?"

Nilibot ko ang tingin sa pinaghintuan ng kotse ni Drake. Huminto kasi ito sa tapat ng isang malaking bahay or should I say 'mansion'.

"Dito nakatira ang ating investor. Actually, he is my friend."

"He? Lalaki?" paglilinaw ko.

"Viane, I know how to use a pronoun. Lalaki siya kaya he ang ginamit ko."

Tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit pa kailangan na kasama ako?"

Tinanggal niya ang seat belt ko bago tumingin sa aking mga mata. At syempre, nagwawala na naman si heartee ko.

"Because..." he paused and leaned closer to me. Ako naman ay todo layo. "He wants to meet you. Marami nang naikwento si Kyle tungkol sa iyo kaya nacurious itong friend ko."

Napangiwi ako.

"Si sir Kyle? Anong kinalaman niya dito?" Dami kong tanong diba?

"In case you don't know, Kyle is my cousin. Magkapatid ang Dad ko at mom niya."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi alam 'yon. Akala ko ay simpleng magkatrabaho lang sila.

"At kaanu-ano ni Kyle ang bago nating investor?"

"His elder brother. Clay De Villa."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Sinong hindi? Clay De Villa is a star! Hindi niya ako fan pero kilala ko siya. He's got the voice to make a woman fall for him.

"Kaya bumaba na tayo bago pa magbago ang isip ko na ipagdamot ka." My brows arched.

"Anong sabi mo?" Kunwari hindi ko naintindihan.

"You heard it loud and clear, Viane."

Napatingin na lang ako sa kanya nang bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Don't say things that you will regret in the end, Drake," turan ko sabay baba ng kotse at nilampasan siya.

Pumasok kami sa loob ng kabahayan at agad naman kaming sinalubong ni Kyle.

"Wow! Napapayag mo talaga siya? Mukhang napasubo si kuya sa dare niya sa'yo ah."

"Anong dare?" I asked.

Nakita ko na sinamaan ng tingin ni Drake si Kyle. May tinatago si Drake na ayaw niyang malaman ko at huling-huli ko siya.

"I dared him to bring the woman special to him right now. And here you are." Napalingon kami sa nagsalita.

I know that voice. It's Clay's.

"Clay! Shut up!" saway ni Drake sa bagong dating.

"Why? Hindi pa ba niya alam na muli niyang pinaikot ang mundo mo?" Natatawang lumapit sa amin si Clay at umakbay kay Drake na kulang na lang ay magkaroon ng laser beam ang mga mata sa sobrang sama ng tingin kay Clay.

"Ano bang sinasabi niyo?" Naguguluhan na kasi ako sa kanila.

"I'm sorry, Viane. May mga tama ang utak ng magkapatid na ito kaya ganyan."

"Kami utak ang may tama, eh ikaw, Drake? Saan ka tinamaan? Dito ba?" Tinuro ni Clay ang tapat ng puso ni Drake.

Tinapik ni Drake ang kamay nito pero mas lalo pa itong natawa.

"Tinamaan na talaga si Drake Montevilla," dagdag pa ni Kyle.

"Tinamaan na kung tinamaan." Tumaas ang tono ng pagsasalita ni Drake. Napipikon na siguro ito. "Kyle make sure that moron signs the contract or else ikaw ang mawawalan ng trabaho."

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon