16

5K 124 2
                                    

   
  
NASA elevator na sila patungo sa condo unit ng kaibigan ng ina ni Drake. Habang nakatayo sa elevator ay ramdam niya ang pagkabog ng kanyang dibdib kasabay ng panginginig ng kanyang tuhod.

"Relax, Vianne." Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil. "Everything will be fine. She'll be happy to see you."

"I hope so, tita. I never expected this thing to happen. All my life I believe that my parents left me and never cared for me. And all of a sudden, everything was a lie. It's just so unbelievable." She inhaled deeply as the elevator door opens, revealing the floor where Carol is.

"She owns this whole floor so we are hundred percent sure that we have privacy here. She also has private bodyguards all over this building and in this floor," the woman stated while they're walking on the hallway.

"I guess Carol has a good life," komento niya habang pinagmamasdan ang paligid ng buong palapag.

"Yes, she has. But this is nothing for her without her daughter. I hope it's you, Vianne. You deserve a loving mothee like Carol and I'm sure Vendric will be very happy."

Napatingin siya sa ginang. "Who's Vendric?"

"He is Carol's husband. He's one of my client 28 years ago and he fell in love with Carol as he laid his eyes on her."

Napatango n lamang siya. Kung si Carol nga ang ina niya at si Vendric ang ama niya, totoo nga na may pamilya siya. Happiness filled her heart for a moment but vanished as they stopped in front of a door, guarded by two men in black.

"We're here to see, Carol. She's expecting us," turan ng ina ni Drake.

May ibinulong sa maliit na mic ang isa sa mga bodyguard at ilang sandali lang ay bumukas mula sa loob ang pinto.

Sumalubong sa kanila ang silid na napapalamutian ng mga mamahaling kagamitan. Mula sa ceiling lamp hanggangbsa mga flower vase ay halatang malaki ang halaga ng mga ito. Habang inililibot niya ang paningin ay nahagip ng mata niya ang isang ginang na nakatayo sa floor to ceiling window kung saan tanaw ang kalakhan ng siyudad.

Siya siguro si Carol, turan ng isip niya.

"Carol..." pukaw ng Tita Yuki niya sa babaeng nakasuot ng mamahaling uri ng tela na sa wari niya sa ibang bansa pa nagmula.

Lumingon sa kanila ang ginang ngunit napako ang mga mata nito sa kanya. Para itong nakakita ng multo habang nakatitig sa kanya. She walked slowly towards them not removing his gaze at her.

Oo, magkamukha nga sila except for the nose. Her nose is pointed, and small, tip turns up so her nostril is not visible. While hers is rounded and small. Para silang magkapatid kung pagmamasdan at kung sa unang tingin ay talagang hindi maipagkakaila na posibleng magkamag-anak sila.

"Yuki, is she the one you're talking about?" tanong nito sa Tita Yuki niya ngunit sa kanya nakatingin.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtango ng ginang na kasama niya kasabay ang isang ngiti ng kasiyahan.

"She really looks like me when I was younger," wika pa nito habang giliw na giliw sa pagtingin sa kanya. Nakakailang na pero natutuwa din siya na pagmasdan ito.

"Hindi pa naman po kayo mukhang matanda."

A soft laugh from the woman made her smile.

"That's what everyone is saying. What's your name again, young lady?"

Tumayo siya ng tuwid para magpakilala ng ayos.

"I am Violet Anne Santos, mam." Nakangiti niyang pahayag.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon