4

6.9K 182 5
                                    

  
   
HER PoV

 
Hindi pa ako nakakarating sa opisina ay para na akong pauwi dahil sa hitsura ko. Ito ang nangyayari kapag nagcocommute. Nasisinghot ko lahat ng polusyon sa daan, ang damit ko na amoy Downy nong isinuot ko ay amoy usok na hindi pa man ako nakakarating sa paroroonan.

Mabuti na lang may baon ako na extrang damit. Agad akong nagpalit ng blouse pagdating ko sa opisina.

"Viane, kanina ka pa hinihintay ni sir Drake," salubong sa akin ng secretary ni Drake na si Red pagkalabas ko ng CR.

"Sige, pupunta na ako." Nilagay ko lang sa desk ko ang aking bag at coat saka dumiretso sa opisina ni Drake.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Good morning, sir. Hinahanap niyo daw po ako," bungad ko sa lalaki na prenteng nakaupo sa swivel chair, magkasalikop aa tapat ng bibig ang mga kamay at nakatingin sa akin.

Napalunok ako ng laway nang wala sa oras. Bigla ako kinabahan at nanghina sa mga tingin niya.

"Yes, Ms. Santos. Ipapaalala ko lang na ayoko sa kompanya ko ang late. Sayang ang pera na ibinabayad sa mga empleyado na laging late."

"Kanina pa po ako nandito, sir. Kinailangan ko lang po pumunta sandali sa banyo dahil sa suot kong damit kanina," paliwanag ko.

"Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod hindi na. Am I understood, Ms. Santos?"

"Y-Yes, sir." Hindi ko napigilan na mautal dahil sa mg mata niya na nakapako sa akin. Hindi nga ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Here is the clients and orders we needed to accomplish this week. Pag-aralan mo at gawan ng paraan."

Agad kong kinuha ang mga folder na nasa mesa niya. Hindi ko inaasahan na may kabigatan pala ang mga 'yon kaya ang iba ay nahulog sa sahig.

Mabilis ang mga kilos ko na pinulot ang mga nahulog na folder. Pero sadyang hindi siguro talaga kaya ng kamay ko kaya nahuhulog at nahuhulog pa din ang mga ito.

"Pwede naman kasing humingi ng tulong." Naamoy ko ang kanyang mamahaling pabango nang yumuko siya at tinulungan ako sa pagpulot.

Napatingin kami sa isa't isa nang mapansin namin na masyado na palang maliit ang pagitan ng aming mga mukha.

Kulay abo pala ang kanyang mga mata. Malalantik din ang kanyang mga pilik na pinaresan ng makakapal niyang kilay. Ang labi niya namumula hindi dahil may lipstick kundi dahil sadya itong mamula-mula. His newly shaved beard left his skin a greenish patch.

Ang gwapo niya, sigaw ng puso ko. Crush ko na yata siya.

"Oops! Sorry, sir."

Sabay kaming napatingin sa babaeng nasa pinto ng opisina na mukhang gulat na gulat. Nagising naman ako sa pagpapantasya kay Drake kaya muli kong binalingan ang mga folder na sa wakas ay nagsama-sama na din. Magkapanabay kaming tumayo ni Drake at iniabot niya sa akin ang isa pang folder. May natira pa pala.

"Waht do you need, Daina?" tanong ni Drake sa babae.

"Ahm, sir, pinabibigay po ni sir Kyle," saad nito at inilapag sa mesa ni Drake ang isang envelope. "Yan daw po 'yong mga aplikante na natanggap sa factory. Kailangan daw po ng pirma ninyo para sa payroll."

Tumango naman si Drake saka pinirmahan ang papeles na nasa envelope. Hindi na siguro ako kailangan dito kaya aalis na ako.

Naglakad na ako patungo sa pinto ngunit hindi ko pa man napipihit ang doorknob ay tinawag ulit ako ni Drake.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon