10

5.6K 145 4
                                    

HINDI siya mapakali habang nasa loob ng sasakyan ni Drake. Patungo sila ngayon sa family house ng mga ito para makilala ang kapatid lang sana nito pero may bigalng pagbabago dahil makikilala niya din ang mga magulang nito.

Hindi na niya alam kung ano ang iisipin. Magugustuhan kaya siya ng mga ito? Hindi naman sa minamaliit niya ang sarili pero wala naman siyang yaman na maipagmamalaki na madalas tinitingnan ng mga katulad ng pamilya ni Drake. She just hope that everything will be okay.

"They will love you. Don't worry." Pagpapalakas nito ng loob niya. "If they don't then I don't care. I love you, Li-" he suddenly stopped. "Viane."

Umiwas ito ng tingin sa kanya ngunit malinaw sa pandinig niya na muntik na naman siya nitong tawaging Liane. There's something with that name that really bothers her. And she knew that this is not the good time to talked about it.

Hindi na siya umimik pa hanggang marating nila ang malaking bahay na nababalutan ng pinturang puti at abo. Malulula siya kung lilibutin ang kabuuan ng bahay kaya minabuti na lang niya na ang mga taong makakaharap ang pagtutuunan ng pansin.

"They're inside. Let's go," yaya nito sa kanya.

Nagpatianod lamang siya nang hawakan nito ang kanyang kamay at hilahin papasok sa loob ng kabahayan. Sumalubong sa kanila ang isang babae na nakauniporme.

"Monsieur, ils attendent dans le jardin." Sir, they are waiting in the garden.

Napakunot siya ng noo dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ng katulong. But the accent is the same on how Drake calls her ma reine.

"Merci, Mira." Thank you, Mira.

Yumukod ang katulong saka umalis. Tiningnan niya naman si Drake para tanungin kung ano ang sinabi ng katulong.

"What did she say?"

"She said that my family are waiting in the garden."

Pagkasabi nito noon ay dinala siya nito sa hardin sa likod ng malaking bahay. Akala niy ay malaki na ang landscape garden sa harap ng bahay, mas malawak pala ang hardin na nasa likod bahay.

May malaking swimming pool din sa hardin at may mga halaman na ngayon lamang niya nakit sa buong buhay niya.

"Fils..." Son...

Ano daw? Salitang alien na naman ba ang maririnig niya. They turned and saw a woman in her fifties walking towards them but stopped in the middle.

Para itong nakakita ng multo habang nakatingin sa kanya.

"Mom, where's everyone?" tanong ni Drake sa babae and he called her mom, ibig sabihin ay ito ang ina niya.

Ngumiti siya sa ginang na nakapako pa din ang tingin sa kanya.

"Magandang hapon po, ma'am. Ako po si Viane, ahm... g-girlfriend po ni Drake." I greeted that woke her up from her deep thoughts.

Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata.

"M-Magandang hapon din. Halika..." inaya siya nito sa mesa na nasa gazebo kung saan naroon ang may katandaan ng lalaki at isang babae.

Pamilyar sa kanya ang babae. Nakita na niya ito. Kung hindi siya nagkakamali ay ito yong kausap ni Drake sa supermarket.

"Everybody..." tawag ng ginang sa atensiyon ng dalawa, "Meet Viane."

Tumingin sa kanya ang dalawa at katulad ng ekspresyon ng ginang kanina ay nagulat din ang mga ito na parang nakakita ng multo.

I looked at Drake who is now beside her. He just smiled at me kaya ngumiti lang din siya.

"Don't stare at her like that. She's getting uncomfortable," pahayag nito sa pamilya.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon