5

6.9K 169 1
                                    

 
   
   
ABOT tenga ang ngiti ko habang papalabas ng DM Food Corp. Papano ba naman kasi payday ngayon at natanggap ko na ang sweldo ko for 15 days of hardworking. Makakapagshopping na ulit ako at makakaalis na ako sa maliit na kwarto na tinitirhan ko.

Malaki ang sweldo ko kaya marami pa ang matitira sa akin para sa mga bagay na gusto kong bilhin at para sa bahay na pinag-iipunan ko.

Hindi habang buhay ay mangungupahan ako. Gusto ko din naman na sa pagtanda ko ay may matatawag ako na akin. Sa ngayon bahay muna sa susunod ay kotse naman.

Kaunti na lang, makakamit mo din lahat ng ninanais mo, Viane.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Napadipa ako nang maklabas ng gusali. I spread my wings este arms and closed my eyes as I feel the pollution of the city on my skin.

Aaaahh.. Ang sarap sa pakiramdam na kumikita ng pera na hindi galing sa masama. A clean money in my hands.

"Feel na feel mo ang mga pollutants ah." Napamulat ako upang makita kung sino ang nagsalita. Pero kahit hindi naman ako magmulat ay kilala ko ang may-ari ng boses na yon. It's Drake and the abnormal heartbeat he does to my heart.

"Parte na ng buhay ko ang mg pollutants na 'yan. Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa umalis diba?" Nakita kasi siya kanina na lumabas ng opisina kaya akala ko umuwi na siya.

"Binabantayan mo pala ako."

"Hindi 'no. Nakita kita na umalis kanina kaya akala ko umuwi ka na. Ano pa pala ang ginagawa mo dito?" usisa ko. Naglakad ako malapit sa kalsada para mag-abang ng taxi. May sweldo na kaya pwede na ako magtaxi. Sumunod naman siya sa akin na pinagtaka ko.

I creased my brows at him and gave him a questioning look.

"Hatid na kita."

My heart skipped a beat with those words. Pero pinigilan ko ang sarili ko na kiligin.

"Gusto mo talaga na maisyu tayo 'no?" I kidded, thinking that he's kidding too.

"Anong masama sa paghatid? Madadaanan ko din naman 'yong sa inyo kaya bakit hindi ka pa sumabay?"

Nakakunot ang noo akong tumingin sa kanya.  Kulang na lang ay magdikit ang mga kilay ko sa pagtingin sa kanya.

"Paano mo nalaman ang tinitirhan ko?" I asked curiously.

Bahagya siyang nagulat. Umiwas siya ng tingin at ilang sandali pa bago sumagot. May itinatago siya pero hindi ko mawari kung ano 'yon.

"It's on your resumè, Vianne. That's why I know."

Ay oo nga pala. Napatango na lang ako. Tumingin ako sa kalsada para icheck kung may paparating na taxi. Kanina pa ako nakatayo sa tabing kalsada pero wala pang taxi na dumadaan. Naubos na ba ang mga taxi?

"Sumabay ka na sa akin."

He held my arm and guided me towards his car. Nasa malapit lang pala ang kotse niya. Akala ko nasa parking lot pa.

"Drake, ayoko na mapag-usapan sa trabaho kaya huwag mong gawin ito."

Huminto siya sa pagbukas ng pinto ng kotse at tumingin sa akin. Nagungusap ang mga tingin niya na ipinukol sa akin.

"Trust me. They won't."

Four words from him and all my doubts disappeared. Trust him.

Can I do that?

"Sasakay ka ba o bubuhatin pa kita?"

Napakurap ako at tumingin sa mga mata niya. I felt like I was hypnotized. Sumakay ako sa kotse niya nang walang pag-aalinlangan. He sat on the driver's seat and we started to hit the road.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon