2

8.2K 197 3
                                    

 
  
   
"This is it, Viane. Nandito ka na. Wala nang atrasan."

Inayos ko ang suot kong blusa at slacks. Siniguro ko din na presentable ang sapatos na suot ko na pinahiram sa akin ng kaibigan kong si Bea. Sinulyapan ko ang aking mukha sa tinted window ng isang kotse sa parking lot.

Wala akong ibang kolorete sa mukha kundi ang liptint na hiniram ko kay Bea. Ang buhok ko naman ay iniayos ko na naka-bun. Mas malinis ang mukha mas presentable.

Humugot ako ng ilang buntong hininga bago pumasok sa gusali ng DM Food Corporation.

Pagkapasok ko ay agad akong nagtanong sa guard kung saan ang interview room para sa applicants sa managerial position.

Mabuti na lang mabait si manong guard. Habang papunta ako sa room na sinabi ng guard ay napansin ko ang mga tao sa loob ng gusali. Halos lahat ng nakikita ko ay puro kalalakihan. Nasa third floor na ako pero wala pa akong nakakasalubong na babae. Anong klaseng kompanya ba ito?

Fourth floor ang destinasyon ko kaya naman huminto ako sa ika-apat na palapag at hinanap ang room 1-A.

I looked in every door of the room. Sa sobrang paglinga-linga ko sa mga pinto ay hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako. I ended up on the floor. Pader ba ang nabunggo ko?

Nang mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa akin ang tingin ng isang lalaki. Hindi naman ito mukhang galit, mas mukha itong nagulat. Hindi din siguro nito alam na nagkabungguan kami.

"I'm sorry, Miss. I'm so busy with my phone, I wasn't looking on my way. Are you alright?" Inalalayan niya akong tumayo.

"Ayos lang po ako, sir. Pasensiya na din po kayo hindi ko po napansin na makakasalubong ko kayo. Hinahanap ko po kasi ang room 1-A."

"Tamang-tama, doon din ang punta ko. Sabay na tayo."

Agad akong ngumiti pagkasabi niya no'n. Parang hindi ako natumba kanina dahil sa saya. May kakilala kaagad ako at mukhang mabait pa. Gwapo pa! Hindi ko na ininda ang masakit kong pang-upo dahil sa pagkabagsak kanina.

Huminto kami sa tapat ng isang pinto na may transparent na bubog at kita ang nasa loob.

"We're here. Pasensiya na ulit kanina."

"Ayos lang po 'yon. May mali din naman po ako."

Ngumiti siya sa akin saka naunang pumasok sa silid. May apat na tao na sa loob ng pumasok kami. Three boys and a girl. Yung isang lalaki na nakasalamin at seryoso ang mukha ay nakaupo sa unahan ng silid. Isa siguro siya sa mag-iinterview. Ang tatlo naman ay nasa mga bakanteng silya nakaupo at halata sa mukha ang kaba.

Sh*t! Ako na lang yata ang hinihintay para sa interview. Maaga pa naman ah.

"Hey, dude! Aga mo ah." Nakita ko na tinapik nong lalaki na kasabay ko ang balikat ng lalaki na nakaupo sa unahan.

Saka ko lang narealize na 'yong nakabunggo ko kanina ay isa pala sa mag-iinterview sa amin. Napansin ko din na pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko interviewee. Siguro iniisip nila na sumipsip kaagad ako sa magiging boss namin. Ano bang malay ko na isa pala siya sa interviewer. Do I have to explain myself to them? Umiling ako para mawala ang mga negative thoughts sa isipan ko. Nagfocus na lang ako sa magiging interview.

"I think everyone's here. Let's start." Napukaw ng lalaking nakasalamin at seryoso na nagbabasa kanina ang aking atensiyon nang magsalita ito. He has a deep voice. Feeling ko kapag sumigaw siya, yayanig ang Earth.

"I'm Drake Montevilla, owner, founder and president of DM Food Corp and this is my Vice President, Kyle Demetrio."

Ngumiti sa amin 'yong Kyle pero hindi 'yong Drake na nakapako ang tingin sa akin. Sinalubong ko ang mga tingin niya for a few seconds pero agad ko din binawi dahil baka iba na naman isipin ng co-applicants ko sa akin. Sobrang sipsip na ako. Kasalanan ko ba na nabibihag sila sa ganda ko na pang-eskwater.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon