17

5K 119 0
                                    

 
 
  
TULAD ng sinabi ng kanyang ina, kasama siya nito sa pagbalik nito sa France. And as she promised also, kasama nila si Drake but she noticed that Drake is not the same since the last time she saw him before they went to her mother's place.

Lagi itong may malalim na iniisip at wala sa kanya ang atensyon. She knows something is bothering him.

"Can you see that?" Itinuro ng kanyang ina ang malawak na lupain kung saan patutungo ang sinasakyan nilang chopper.

Nakaprivate plane sila nang magtungo sa France pero chopper ng ina ang sinakyan nila patungo sa Toulouse, kung saan naroon ang bahay nila ayon sa ina.

"That's our house and your father is waiting for you there with the rest of the family. They're very excited to see you." Bakas ang saya sa mukha ng ina habang nakatingin sa kanya.

Wala din namang pagsidlan ang saya at kaba sa dibdib niya. Masaya siya dahil makikita na niya ang totoo niyang pamilya pero kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ng mga ito.

"Maraming salamat sa pagsama kay Vianne, Drake. Alam kong kinakabahan itong anak ko at ikaw lang ang magpapalakas ng loob niya. Thank you."

Sinulyapan niya si Drake na seryoso ang tingin sa kanya. Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata nito.

"Anything for my queen, tita. I will always be here for her no matter what happen. Hindi ko siya iiwan."
May kakaiba sa mga salita na binitiwan nito ngunit alam niya at ramdam niya ang sinseridad sa mga sinabi nito. Nagtama ang mga mata nila, bumilis ang tibok ng puso niya. "I love you and that will never change."

Ngumiti siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinagkan ang likod ng palad niya. She felt like a real queen.

Kung ano man ang mangyari paglapag ng sinasakyan nila ay alam niyang may Drake na mananatili sa tabi niya. Masaya siya sa katotohanang iyon.

"We're here," anunsiyo ng Mommy Carol niya. Hindi pa siya sanay na tawagin itong Mom pero kailangan niya ng masanay.

Naramdaman niya ang madahang paglapag ng chopper kasabay ng pagbukas ng pinto nito. Sumalubong sa kanila ang maingay na tunog ng sasakyan. Inalalayan siya ni Drake hanggang sa makarating sila sa rooftop ng napakalaking bahay. May sarili itong helipad.

Maraming mga kalalakihang sumalubong sa kanila at kinuha ang mga dala nila. Sumunod naman sila sa kanyang ina na nauuna sa paglalakad.

Bumaba sila ng isang palapag kung saan napansin niya ang mga bulaklak sa nasa staircase at may mga abalang tao na pabalik-balik at may dalang tray ng mga pagkain.

"Nasa dining hall silang lahat. Are you ready, Vianne? Mababait naman ang lolo at lola mo. They know how to speak our language kaya hindi ka mahihirapan na makipagkwentuhan sa kanila. Narito din ang taong dahilan ng iyong pagkawala, si Audric."

Nabuhay ang takot at kaba sa dibdib niya ng mabanggit ang pangalang Audric.

"Don't worry, anak. Hindi siya makakalapit sa iyo. He can look at you but he can't touch you. May mga bodyguards sa paligid ng hall at well oriented sila sa dapat nilang gawin para protektahan ka. Idagdag pa na nasa tabi mo si Drake. You'll be safe."

Pinilit niyang ngumiti para hindi na mag-alala ang ina. Humawak na lamang siya sa braso ni Drake habang papasok sa dining hall. Dinig na dinig niya ang ingay ang mga nagkukwentuhan kaya mas lalo siyang kinabahan.

"Everyone please welcome our daughter, Violet Anne Sebantes-Martin."

Tumahimik ang lahat nang marinig ang anunsiyo ng kanyang ina. Mas lalong bumalot ang katahimikan sa mga taong naroon nang lumabas siya iniluwa siya ng pinto.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon