11

5.4K 127 0
                                    

 
   
   
   
SINUNDO siya ni Drake kinabukasan dahil may pupuntahan daw sila. Gusto niyang iopen ang tungkol kay Liane pero ayaw niya itong pangunahan. Gusto niya na ito ang mag-open ng tungkol sa asawa nito. Hindi niya inaasahan na may asawa na ito at matagal na palang balo. Ang buong akala niya ay isa itong binata. He almost had a family but sad to say their child died followed by her wife. Masakit iyon para rito pero hindi din tama na buhayin sa ibang babae ang kanyang asawa.

"Do you want to go somewhere? It's our free day from work. Why not spend it together?" Nakangiti ito habang ngumunguya ng inorder nitong burger at nakatingin sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Anywhere you like."

Saglit siyang nag-isip at naalala ang sinabi ni Hans.

"If he really are trying his best to forget about his wife, he should have the courage to go to places where Liane loves to go."

"Hindi ba parang mas ipinapaalala noon sa kanya si Liane?"

"Hindi naman mawawala sa alaala niya ang kanyang asawa. My point here is, kung nakamove-on na siya sa pagkawala ng kanyang mag-ina, magagawa na niyang maging masaya sa mga lugar na magpapaalala sa asawa niya. Simula ng mawala si Liane ay inayawan na ni Drake ang mga amusement parks at mga exciting activities na ginagawa noon ni Liane. It brings him pain. Ikaw? Nasa sa iyo naman yon kung tutulungan mo siya na makamove-on o hindi."

Hindi naman siguro masama kung susubukan niya diba? He said he will fixed himself. Tutulungan niya ito na ayusin ang sarili. That's what a queen does to her king, right? Magtutulungan sila.

"Simula pagkabata hindi pa ako nakakapunta sa amusement park," panimula niya na totoo naman. She never had a chance to go to an amusement park dahil sa kinailangan niyang magsikap para mabuhay. Wala siya noong oras para bigyan ng kasiyahan ang sarili. "Natatanaw ko lang yon mula sa aming bahay dati pero hindi ko nagawang makapasok at makasakay sa mga rides na naroon. Pwede mo ba akong samahan? Gusto kong maexperience ang mga bagay na naroon kasama ka." Abot tenga ang ngiti niya rito, umaasa na pumayag ito.

Napahinto ito sa pagsubo ng burger saka tumingin sa kanya. Tumitig ito sa kanyang mga mata bago marahang umiling.

Nalukot ang mukha niya sa naging tugon nito.

"Amusement parks are not safe, Violet. Hindi natin alam kung safely intact ba ang mga rides doon," wika nito saka inisang subo ang natitirang burger.

"Pero... Gusto ko don." Nakanguso niyang wika. Akala niya sasamahan siya nito. Hindi pa rin siguro ito nakakamove-on. Ayaw nito sa mga lugar na makakapag-paalala sa asawa niya.

"We will try that some other time."

Bagsak ang balikat niya nang lantakan ang burger sa harapan niya. Masama ang loob niya. Paano niya ito tutulungan kung hindi nito matulungan ang sarili?

"Magmovie marathon na lang tayo sa bahay mo. I have movies here." Tinapik nito ang dalang bag.

"Anong mga movies naman?" Nakanguso pa din siya. Alam niyang para siyang bata pero masama kasi talaga ang loob niya.

Mula pagkabata pinangarap niya na makasakay sa mga rides tulad ng ferris wheel, roller coaster at kung anu-ano pa. Tapos ngayong may pera at may time na siya, hindi naman siya sasamahan ng taong gusto niyang kasama. Nakakagalit diba?

"Your favorite? All about zombies." May inilabas itong CD mula sa dalang bag at base sa cover nito ay tungkol ito sa mga zombies.

Nagliwanag ang mukha niya. She hates zombies in real life but she loves watching them in movie.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon