7

6.4K 146 1
                                    

NANG makita ni Drake ang picture ni Vaneza ay hindi na ito nagsalita pa. Hindi niya ako iniimikan kahit na noong hinatid niya ako sa bahay. He became cold.

Galit na din kaya siya sa akin dahil ang nanloko sa kanya ay ang tinuring kong kapatid? O baka iniisip niya pareho lang kami ng ugali.

No way!! Napabalikwas ako ng bangon.

Hindi kami magkatulad ni Vaneza. I'm way nicer than her at hindi ko kailanman inisip na manloko ng kapwa para lang sa pera. Hindi ako katulad ni Vaneza.

Nasapo ko na lang ang mukha ko. Nakaka-stress naman.

I'd rather sleep than to think too much. Tomorrow is another battle to conquer.


MAAGA akong dumating sa opisina kinabukasan. Una kaagad hinanap ay si Drake but sad to say wala pa siya sa kanyang opisina.

Dumiretso ako sa aking office. Bumungad sa akin ang pumpon ng bulaklak na nasa aking mesa. I checked if there's a note with it and there it is. And it says...

I'm sorry. -DM

Upon reading it, my heart skipped a beat. It's from Drake. I'm sure it's from him.

The flowers are fresh and beautiful tulad ko. Chos! Hindi ko napigilang mapangiti.

Bakit naman kaya magpapadala ng bulaklak si Drake at humihingi pa ng sorry? Wala naman siyang kasalanan sa akin.

Inilagay ko lang sa flower vase ang mga bulaklak saka nagsimula na sa aking trabaho.

I was busy reading a client's proposal when my phone rang. It was a message from Drake.

-Go to the rooftop now.

Napakunot ako ng noo. Bakit kaya niya ako pinapapunta sa rooftop. Niligpit ko muna ang mga gamit ko sa mesa bago ako lumabas at nagtungo sa rooftop.

Pagdating doon ay sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw na tanaw ko ang buong syudad. In fairness, medyo sariwa ang hangin dito.

Pero nasaan na kaya si Drake? Nagpalinga-linga ako at sa kanan ko ay natanaw ko ang ayos ng isang mesa at dalawang pang-isahang upuan.

Lumapit ako at doon ko nakita si Drake na nakatayo malapit sa railings at nakatalikod habang nakatanaw sa siyudad.

"Drake..." tawag ko sa kanya.

"Viane, you're here. Akala ko hindi ka pupunta." Aligaga siya na hindi mapakali. Anong nangyayari sa kanya?

"Sabi mo pumunta ako dito kaya narito ako. Ano ba itong pakana mo na ito?" Natatawa ako na kinakabahan sa sasabihin niya.

"This.. ahm.. Viane..." He looks uncomfortable. "I want to apologize to what I've reacted yesterday. I'm sorry."

I smiled at him.

"Drake, naiintindihan kita. Hindi mo kailangang humingi ng sorry. Alam ko nabigla ka sa nalaman mo. Kahit ako nabigla din na nagawa sa iyo 'yon ni Vanessa."

"I've already forgot about her kaya naman gusto ko nang magsimula ng bagong buhay. No more trust issues. No more hatred against women. I want to start something new... with you."

Natigilan ako sa sinabi niya. What does he mean by that?

"Anong ibig mong sabihin?" Nagugulumihanan kong tanong.

His face became more serious kaya mas lalo akong kinabahan.

"Viane, I like you. Please let me court you." Nangungusap ang mga mata niya na tumingin sa akin.

Reborn of a KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon